42 | You Again

0 0 0
                                    

Pangalawang pag kakataon ay ibibigay sayo, maraming pag kakamaling nagawa,ngayon ay itama mo

JAYDEN's POV

Agos ng tubig, himno ng ibon,sariwa't mabangong hangin ; Ilan lang yan sa naririnig ko at nararamdaman

"Haaaa"

Malalim na paghinga ang kasabay ng pag mulat ng aking nga mata

Liwanag.

Liwanag lang ang tanging nakikita ko

"Nasa langit naba 'ko?"

Unti unting nag adjust ang aking paningin mula sa malabo lahat ay naging malinaw

Mga puno, mataas na water falls, mga ibon at isang notebook ang nakita ko

"Ano 'to?"

Bumangon ako sa pag kakahiga at kinuha ang notebook

Mukhang mahalaga ang notebook na ito, ang klase nito ay nakikita ko lang sa mga historical drama sa telebisyon at mga museum sa Korea

Binuksan ko ang notebook at may isang piraso ng papel ang nalaglag

Nalaglag ito sa tubig kaya't nabasa ngunit kinuha ko parin at pinatuyo nalang

Makalipas ang ilang minuto, natuyo na ang sulat

May nakasulat pero hindi ko mabasa, hindi kasi sya naka hangul o naka korean alphabet tulad ng ginagamit ngayon naka modern korean alphabet sya na kung tawagin ay Hanja

[ A/N : So guys yung hanja e yung dating ginagamit na alphabet ng korea na ngayon ay naging hangul na which is yung ginagamit na sa kasalukuyan ng mga koreans, ang hangul ay na imbento taong 1440's ni King Sejong a.k.a Sejong The Great, ito pa last triva na

Korea used Chinese characters called Hanja 한자! In modern day Korea, Koreans typically only use hangul 한글 now. However, in some rare instances, one may see hanja 한자 still used on newspaper titles, packs of ramen (alongside the hangul written name), on some shop signs, etc. Koreans typically know very basic Chinese characters, but nothing more is required anymore. ]

Lord naman pa last mission po bato bago makatawid?

Inabot din ako ng kalhating oras bago maintindihan ang nakasulat

Sa aking pag lalakad ng pag lalakad narating ko rin ang lugar kung saan may mga tao

Ang lahat ay nakasuot ng hanbok, may mga nakasuot ng makukulay na hanbok at mga halos wala ng kulay at maduming hanbok

Nag shoshooting ba dito? Bakit sila nakasuot ng mga ganyan?

"Bakit po kayo naka suot nyan?"

"Wala po kaming pambili ng magandang kasuotan katulad ng inyo kaya eto ang suot suot namin" ani ng aleng tinanong ko kanina

Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang napansin na naka hanbok din pala ako, makulay na hanbok

Bigla nalang akong natumba habang nakatayo pero kamay ng kung sino ang nag bangon sakin

"Salama---"

Naputol ako sa sasabihin ko ng bigla syang nag tatatakbo

Mga ilang segundo rin at may mga taong naka kalasag ang nag tatatakbo rin kasunod nung nag bangon sakin na naka kulay itim na damit

Siguro mag nanakaw yun dito sa taping

Naka itim sya at tanging kamay at mata lang ang makikita

"Ano ba naman, wala bang mapapag tanungan dito? Bat ba ganto ang suot ko?"

Bumalik muli ako sa pag hahanap ng lugar na naka saad sa sulat na nabasa ko sa piraso ng papel sa notebook

HOURS LATER.....

Nakaka gutom din pala ang mag hanap

Wala man lang akong mahingian ng pagkain, hinanap ko narin naman ang wallet ko pero wala

Sa pag kakatanda ko naka sakay ako ng eroplano at bigla akong nawalan ng malay

Di kaya nahulog ako sa airplane pagkatapos napad pad ako dun sa may talon kung nasan ako kanina

Sa pagod ko at gutom nag pahinga nalang muna ako sa may puno kung saan ay makikita ko pala ang hinahanap ko

Sa papel na nakita ko kanina nakasaad dun na hanapin ko ang isang puno na may piraso ng papel sa sanga nito at dalhin ko daw dun ang takda

Drawing ng isang lugar ang nakita ko sa piraso ng papel, tumingin tingun lang ako sa paligid at nakita rin naman ang hinahanap ko

Puro traditional korean houses ang nandito pero may isang palatandaan ang bahay na tinutukoy sa papel at ito ang kulay ng pinaka huling baitang sa pinaka hagdan

Bago pumasok ay pinakinggan ko muna kung may tao

Unti unti kong dinikit ang aking tainga

"Masamang balita kamahalan, may nakakita daw kay Kang Gu Reum, ang aking pinsan na nahulog sa isang bangin,pinahanap ko na sya pero hindi na namin sya naki---" ani ng kung sino na naputol ng biglang mag bukas ang pintuang kanina'y nakadikit lang sa tainga ko

Natumba ako at napaluhod, pati sa loob ay modern design ang makikita may dalawang tao sa loob na ito maliban sakin

Ang isa ay nakasuot ng kalasag at ang isa naman ay hindi ko ma describe dahil may manipis na telang nakaharang sa lugar kung nasan sya

"A-annyeong!"

"Gu Reum?! Pinsan?" ani ng lalaking naka suot ng kalasag at may katulad na boses na narinig ko kanina lang

"Anong gu reum? Tayo mag pinsan?"

"Oo, nasayo naba yung takda?" ani nya

"Takda? Teka, sino ka ba?

"Pinsan mo, ako si Kang Ba Ram, ako yung nag pa kuha ng takda sayo, ano nasayo ba?" tanong muli ng naka kalasag na lalaki

"Nasakin pero wait lang ha....."

Kinuha ko at binasa muli ang pangalang naka lagay sa papel, sinsabi sa papel na ibibigay daw yung takda sa nag ngangalang Myeongjong

"Ba Ram pangalan mo diba? Hindi para sayo 'to kaylangan kong ibigay 'to sa ibang tao sino ba yung Myeongjong?"

"Akin na" ani ni baram

Humakbang ako papalapit sa isang tao pa dito sa loob at akmang aalisin ko na ang telang nakaharang ng biglang may magsalita

"Ako si King Myeongjong, sinabi mong nasa sayo ang kaylangan ko,ibigay mo na" ani nito

King? Hari? Kaya pala pamilyar si King Myeongjong ay 13th king of Joseon

15th's century pa namuno si King Myeongjong kaya panong sya daw si King Myeongjong? Anong pilikula ba ang ginagawa ng mga 'to?

Hindi ako nakagalaw sa pag kakatayo, kahit ginagalaw nako ni baram hindi parin ako makibo gamit ang sarili kong katawan

"Hari parin si King Myeongjong, mag bigay galang ka" bulong nya sakin at saka ako iniluhod

Inilapag ko lang sa sahig ang notebook at saka nag bow as respect

Padahan dahan akong naglakad papalabas ngunit bago ko pa mabuksan ang pintuan, may sandatang tumapik sa balikat ko

Hinarap ko kung sino yun, nasa makinang na espadang may matalas na blade ang focus ng mata ko not until makita ko kung sino ang nasa harapan ko

Blonde long haired na lalaking may pag kakahawig kay Yriell

You again,Yriell

No,hindi sya si Yriell pero pamilyar sya

Napansin ko ang mga mata nya at ang kanang mata nyang may sugat

Mukhang alam ko na, pamilyar sya

Sya kasi yung lalaking dumagi sakin kanina kaya natumba ako at sya rin yung nag abot ng kamay para maka bangon ako

"Ikaw na naman?" sabay naming sigaw

In Another Life Where stories live. Discover now