GU REUM's POV
Mag isa sa madilim at malamig na bilanguan
Mga kahoy na bakod na nag sisilbing rehas ang pumipigil saking makalabas at maramdaman ang bukas
Ilang araw narin ako dito sa loob
Pinag babayaran ang kasalananag hindi ko naman ginawa
Food Poisoning ang kasong ito kung nasa present tayo
Sa Jeoson Dynasty mahirap mag kamali, bawat pag kakamali may nakapataw na kaparusahan
Ang panahong ito ay napaka higpit, kulungan, kamatayan, pagiging alila yan ang mga kabayaran pag nag kasala ka
Ang pag hawak sa mga nasa posisyon ay matatawag na agad na krimen sa panahong ito, may ebidensya man o wala paparusahan ka nila
Sayang ang second life ko, sa panahong ito ako napunta ngunit pasalamat parin ako dahil nakilala ko sya
Sya na nakatayo ngayon katapat ng selda ko
Tuwing kabilugan ng buwan ay bumibisita sya ngunit tanging isang tanong lang ang paulit ulit nyang tinatanong
"Nilason mo ba ang reyna?" ani ng hari
Ang haring aking inibig ngayon ay nawawalan narin ng tiwala sakin
"Kahit naman sabihin kong hindi o Oo wala ka namang magagawa, mapaparusahan parin ako"
Katulad ka lang ng iba na mas matimbang ang pangalang iniingatan o posisyong dapat pangalagaan kesa sa mga taong minimahal mo at nag mamahal sayo
"Tama ka, wala akong magagawa, ngunit Gu Reum" seongjong said and cry "Kahit isang beses man lang malaman ko yung totoo, para masisi ko yung sarili ko kung bakit ang hina hina ko, at hindi kita napag tanggol"
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nakahawak sa kahoy na rehas
"Huwag mong sisisihin ang sarili mo, hindi mo kasalanang paulit ulit akong nag kakamali sa buhay"
"Bukas ka hahatulan, hihilingin ko sa punong inang reyna na maging alipin ka nalang kesa mag ka kamatayan o habang buhay na kabilangguan na hatol ka ng sa ganun makita parin kita" he said
Tumayo ako at hinarap sya, kita ko ang luhang umaagos sa mga mata nya
I use my thumb to wipe his tears and smile
Umalis na sya at tanging ang katahimikan nalang ang kasama ko ng may mag flashback na memory ng kung sino sa utak ko
"Ito ang pinag aagawan nilang lahat, naka tala dito ang mga tiwalung opisyal ng palasyo, ipinag kakatiwala ko sayo 'to gurong Kang, ihatid mo 'to kay haring Seongjong" ani ni queen yu
"Masusunod mahal na reyna"
Dumilim ang buong paligid at isang memory na naman ang nag pakita
"Pinsan, may iuutos sana ako sayo, isa ka sa nakakapasok sa silid ng mga opisyal, kunin mo ang takdang may pulang tinta na nakasulat sa pabalat nito" baram said
"S-sige pinsan"
Isang ala ala na naman ang nag pakita
Isang madilim na lugar na ang aking nakikita, mga puno at maririnig mo ang agos ng tubig
Tumatakbo ang isang lalaking naka salakot, mukang ang totoong Kang Gu Reum 'to at ala ala nya ang nag papakita ngayon
"Aaaaaa"
Nahulog sa talon ang lalaking sa pag kaka alam ko ay ang totoong Gu Reum
Nag hahabol ako ng hininga ng magising dahil sa panaginip ko na para bang bahagi ni Gu Reum
THIRD PERSON POV
Magandang araw para mangaso, naaya ang hari ng mag kapwa maharlika sa pangangaso ngayong araw
Araw kung kelan hahatulan si Gu Reum
Naging maayos ang pangangaso at napamalas naman ng hari ang galing nya
"Anong hatol ang ihahatol kay Gu Reum,Ba Ram?" tanong ng hari sa punong kawal nya
"H-hindi ko po alam"sagot ni baram habang nag bibitak bitak ang boses
"Ba Ram, alam kong alam mo" ani ni Seongjong
"Kamatayan, kamahalan" sahot ni Ba Ram banag nakayuko't naluluha
Napahigpit ng hawak ang kamahalan sa kanyang pana at saka sumakay sa kanyang kabayo
Nag madali syang bumalik sa palasyo para mapigilan ang mangyayari ngunit huli na ang lahat
GU REUM's POV
Ngayon ako'y ililitis, sa tulad kong hindi maharlika, walang kapangyarihan o kahit kamay sa gobyerno ay malabong makalaya na
"Ilabas ang mga saksi" ani ng isang opisyal "Magsalita"
"Isa po akong saksi sa aktual na pangyayari, mula sa pagluluto hanggang sa pag kalason ng kamahalan" Eunshin said "May hawak po syang maliit na bote kung saan sa tingin ko ay naroroon ang lason, inilagay nya po yun sa kanyang niluluto at pag katapos ay isinerbe na sa kamahalan"
Marami pang saksi ang nag salita ngunit ako eto at wala man lang kalayaang ipahayag ang boses ko
"Kamatayan, kamatayan ang parusang ipapatong sa Gurong si Kang Gu Reum"
Napapikit nalang ako ng marinig yun ngunit hindi nako nasurpresa
Nakakatakot man ang mga nasa harapn ko ngayon na maaaring pumatay sakin,hindi ko na yun pinansin
Kanina ko pang sinusuri ang sarili ko at iniisip ang mga nagawa kong mali sa una at pangalawa kong buhay
Ipinatong ng mga kawal ang ulo ko sa isang kahoy na sa pag kaka alam ko ay pang torture
Bahala na, I made a mistake again so I need to get the punishment
YOU ARE READING
In Another Life
FanfictionOur life was already written by destinity,but if you want to change it you can change it,make a move and everything can be change.We have a lot of paths to choose,but we always choose our pathway through happy ending,but are you sure that that's the...