46 | Queen

0 0 0
                                    

GU REUM's POV

Ako na yata ang pinaka masayang tao sa panahong ito

Kasintahan ako ng hari, mahla ako ng nakakataas

"Diba sya yung guro ng prinsesa?"

"Oo, sya yun , sya daw yung kalaguyo ng hari"

"Si Gurong Kang pala, akala ko babaeng guro ang napapabalita"

Iba't ibang balita ang kumakalat sa loob  ng palasyo

Kahit na nakatatanggap ako ng masasakit na salita titiisin ko yun dahil mas grabe pa dyan ang naranasan ko noong nasa kasalukuyang panahon ako

"Wag mo na silang pansinin pinsan, inggit lang ang mga yan sayo palibhasa kase kaibigan ka na ngayon ng hari" Ba Ram said

"Oo nga siguro inggit lang sila sa closeness namin ng kamahalan"

"Close-closeness? Ano yun?" he ask

I forgot nasa past time nga pala ako

"Ung pagiging malapit basta ganun"

"Ahh, pero Gu Reum wala ka bang balak na lumayo muna ngayong bakasyon ng prinsesa sa pag aaral, wala ka munang tuturuan sa darating na mga araw, para sa ganun humupa muna ang mga sabi sabi tungkol sa inyo ng hari" he said

"Lumayo? Hindi na, kung wala akong tuturuan sa mga darating na araw pwede naman siguro akong maging tao sa kusina at tulungan ang pinunong taga luto"

Ang pag layo o pag iwas ay hindi ko na muling gagawin

Mukhang ngayon ay alam ko na ang nagawa kong mali sa una kong buhay bilang si Jayden Gueverra

At yun ay ang layuan ang taong mahal ko, mag sinungaling sa sarili ko na hindi ko na sya mahal kahit hindi naman

Si Yriell ay nanatili saking puso, nang panahong malayo ako sa kanya akala ko wala na lahat ng aking nadarama ngunit mali pala, ang sakit ay nawala na ngunit ang pag mamahal ay natira pa

Kaya't ngayo'y ako'y nag mamahal muli, bakit ko pipiliing lumayo ulit kung kaya ko naman na ang mga darating na pag subok

Dumaan ang mga araw ay mas lalo pang  lumawak ang usapan tungkol sakin at kay haring Seongjong, ngunit tulad ng dati hundi ko nalang pinapansin

Isa na muna akong kusinero habang wala akong tinuturuan

Mababait naman lahat ang mga kasama ko dito kaya't ayos lang ang kalagayan ko dito sa loob ng kusina

Mag amoy usok man basta't matulungan ko ang mga kasamahan ko,ayos lang

"Pinatatawag ka ng Reyna, Gurong Kang" ani ni eun shin,isa sa taga pag dala ng pagkain sa mga reyna

Hindi ko pa nakikita ang mga reyna lalong lalo na ang mga tirahan nila kaya maliligaw pa ako kung walang gabay ni Eun Shin

Tumigil kami sa magarbo't magandang bahay na sa labas palang alam mo ng hindi pang karaniwan ang nakatira o sa madaling salita isang maharlika

Pag ka pasok na pag kapasok marami pang pinto ang naka harang bago namin marating ang mismong silid ng reyna

Sino kayang reyna ang nag patawag sakin?

Inang reyna o punong inang reyna

Narating namin ni Eun Shin ang silid, halimuyak na halimuyak ang mabangong bulaklak sa buong silid

Nag bigay galang kami sa pamamagitan ng pag yuko

"Mahal na reyna, ito na po si Gurong Kang" eunshin said

In Another Life Where stories live. Discover now