armada

93 24 0
                                    

Maagang nagsipag alis ang mga bayani at ang heneral para bumalik sa digmaan dala ang bagong taktika.

Gaya ng napagusapan ay maiiwan ang limang karwahe para sa limang grupo na maghahakot ng mga armada mula sa magitech research factory ng kaharian.

Maagang tinipon ng pantas ang mga kawal na nagpapagaling nalang ng kaunting sugat at galos.

Ngunit kinulang ng isa para makumpleto ang tao sa isang wagon.

Agad naisip ng pantas si rigo at dali dali itong pinuntahan.

“pasensya ka na rigo kung ginsing kita ng ganito kaaga,kinulang kasi kami ng isa pang tao sa isang grupo na magdadala ng mga armada sa ating hukbo mula sa kaharian.

Maaari ko bang asahan ang tulong mo na sumama sa kanila.”sabi ni floroteya na buong buo ang tiwala kay rigo.

“sige po,tutulong po ako.”sabi ni rigo.

Isinama ni floroteya sa hanay ng mga wagon si rigo at ipinakilala sa kanyang grupo.

Ngunit masama ang loob ng kanyang mga makakasama at masama ang tingin sa kanya dahil isa syang kalaban ng kaharian sa soot nyang kulyar na nagpapatunay na isa syang bihag.

“hindi na po sana kayo nag dagdag pa ng tauhan binibining floroteya,baka traydorin po kami ng taong iyan,nagmula po sya sa kalaban nating kaharian kaya mahirap magtiwala.”sabi ng isa sa apat na kasama ni rigo sa grupo.

“sya nga po,baka sumalakay yan habang nakatalikod kami,mahirap na.”sabi ng isa pa sa grupo.

“ipagpatawad nyo,pero mabuti syang tao,naipit lang din sya sa digmaan at napilitan na lumaban,bigyan nyo sya ng pagkakataon na ipakita ang kanyang sarili sa inyo na hindi natin sya kalaban kahit doon pa sya nagmula sa kalaban.”sabi ni floroteya na may tiwala sa binata.

Kuha ng charm ni floroteya ang mga kawal kayat hindi tumutol ang mga ito bilang paggalang at paghanga sa babaeng isa sa pinapangarap ng marami.

“kung nagtitiwal po kayo sa bihag na ito.wala din po kaming tutol,di ba mga kasama!.”pasikat ng isa pa sa mga kagrupo na labis ang paghanga sa pantas.

“Maraming salamat mga ginoo,maari na kayong magsimula.salamat!

Ah teka sandali,kakailanganin mo.din ng sandata rigo sakaling may mangyari sa inyong paglalakbay.”mabait na sabi ng pantas at iniabot ang isang deaparatong kutsiyo.

Namumula sa kilig naman ang apat na kalalakihang kawal sa magandang ngiti ng pantas at pansamantalang binalewala ang kanilang duda sa kasamang bihag.

Payapa nilang nilisan ang kampo pabalik sa kaharian upang kunin ang mga armada.

Ngunit habang nasa paglalakad ay hindi nanahimik ang mga ito.

“hoy taong lata.etong tatandan mo,pumayag lang kami dahil sa pag uutos ng pantas,pero wala parin kaming tiwala sayo,wag na wag kang gagawa ng kahit ano kung ayaw mong pirasuhin namin ang katawan mo.”sabi ng isang kawal na labis ang galit sa mga kalaban na nagmula sa kaharian ng malvis dahil namatay sa digmaan ang kanyang kaibigan.

“amin na muna itong sandata mo,baka gamitin mo pa samin,at wag na wag kang magsusumbong sa punong pantas kung ayaw mong samain ka,hindi pa namin napapatawad kayong mga taga kaharian ng malvis,mga mamamatay tao kayo.”galit ng isa pang kawal.

Tahimik lang si rigo at tinatanggap ang galit ng.mga kasama dahil naiintindihan nya kung bakit nagagalit ang mga ito,dahil sya.man ay hindi makapaniwala sa hindi makataong gawain ng hukbo na kanyang kinabilangan.

“ganyan nga,wag ka nang mag sasalita at baka mabwisit lang ako sayo.bagay na bagay sayo ang kulyar,dahil nasisiguro kong magttraydor ka sa aming kaharian.”sabi ulit ng isa pang kawal.

zero to hero (war on saradan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon