Mula sa capital patungo sa hilaga sa bayan ng velena ay aabutin ng 2 araw na walang tigil na pagbbyahe ng mabilis gamit ang wagon sa pinakamahigsing ruta ngunit mapangit na daan.
Dito nila pinili na dumaan dahil ito rin ang dinaana ng iba pa.
Habang nagmamadali sa byahe ay magkatutok si rigo at heneral quezra.parehong nagbabantay sa mga posibleng paparating na abala gaya ng mga ligaw na halimaw.
May pailan ilan na nadaan ngunit agad din tinapos ni heneral quezra upang hindi na huminto pa ang wagon.
Pansamantala silang timitigil upang painumin ang mga kabayo at pagpahingahin.
“sabihin mo rigo,bakit mo kmi tinutulungan?”sabi ni quezra habang hinihintay ang mga kabayo.
“Dahil gusto ko pong manirahan dito,”sabi ni rigo.
“ganyan naman palagi ang sinasabi ng mga bihag,nagpapanggap na mabait,hindi ba?kaya nagkukunwari ka sa harap ni floroteya at eins,kinukuha mo ang tiwala nila dahil sa tingin mo ay makukuha mo rin ang tiwala ng iba.
Hindi ba ganon?.pero ang totoo wala ka nang pupuntahan o maari naman na isa ka palang espiya.”sabi ng henaral hinahamak ang katapatan ni rigo.
“Hindi ko po kayo masisisi kung ganyan ang tingin ninyo sa akin,hindi na po ngayon mahalaga sa akin kung nasaleeg ko ba o wala ang kulyar na ito.
Ang gusto ko nalang po ay manalo tayo sa digmaan dahil gusto kong protektahan ang mga taong naniniwala sa akin,sila na mga itinuring akong tao at kaibigan.
Alam ko po na nandoon sila at naghihitay.
Kaya ayos lang po kahit wag nang malis ang kulyar ko.yun nalang po ang dahilan ko para sumama sa inyo.
Dahil natatakot ako hindi lang para sa sarili ko,kundi para sa mapayapang lugar na to na nganganib sa kaharian na pinanggalingan ko na alam kong walang kasing sama.
Dahil ang pagkasira at pagkasakop ng lugar na ito ay nangangahulugan ng kamatayan ng mga kaibigan na pinapahalagahan ko.
Hindi ko po sasaying ang tiwala na ipinagkaloob sa akin ni binibining floroteya,ngayon po marami na silang naniniwala sa akin.
Gusto ko na po dito,ayoko nang maging bahagi ng masasama.”sabi ni rigo.
“Hanggang kelan mo yan kayang panindigan?.hayan o pwede ka nang tumakas kung gusto mo,napakadali din tanggalin ang kulyar na yan kung gugustuhin mo.
Ano talaga ang hinahabol dito sa amin.”sabi ng heneral at dinigahan si rigo sabay hablot sa damit at itinaas.
“kalayaan,Kaibigan at mapayapang buhay.Wala na pong iba pa heneral quezra.”seryosong salita ni rigo na may matapang na tingin ng mga mata.
Matagal na tinitigan ng face to face ni quezra si rigo habang hawak sa damit.
“wag kang magloloko dahil babantayan kita.mabubulok dyan sa leeg mo ang kulyar na yan,hindi ko yan tatanggalin.”sabi ni heneral quezra at dahan dahan na binitawan si rigo at tinalikuran.
“haaay huuu nakakatakot talaga sya,bakit ba ang init ng dugo nya sakin.”sabi ni rigo sa sarili habang minamasdan ang heneral.
“Alis na tayo,wag kang tumunganga dyan,sakay na sa kabayo.”sabi ni quezra at sumakay na rin sa kanyang kabayo.
Bago palakarin ang kabayo nya ay lumingon itong muli kay rigo.
“Bata!.Patunayan mo sakin na isa ka nang saradan.lumaban ka at ipagtanggol ang kaharian at pag iisipan ko.base sa magagawa mo.
Mahirap kunin ang tiwala ko,kaya paghirapan mo.”sabi ni quezra at muling pinatakbo ang kabayo.
Natuwa naman si rigo at agad na humabol.
BINABASA MO ANG
zero to hero (war on saradan)
AdventurePasensya na ulit mga kawattpad.sobrang busy ng author hindi ko maharap tapusin ang rpg universe. Ito nalang ulit ang isa pa sa mga very old stories one of zero to hero series.na sana magustohan nyo din pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe. ...