verniel

98 25 5
                                    

14 hrs ang kailangan liparin ni karungga para marating ang lupain ng dadan sa timog na bahagi ng kahariang saradan.

Kayat muling nagmadali sa paglipad ang wyvern,hatinggabi na ng dumating sila sa dadan.

Mula doon ay wala ng problema ang grupo dahil tinulungan sila ng kampo mismo sa lugar na iyon.

"ano na po ang nangyayaring kaganapan sa kanluran?"tanong ni tyra sa kapitan ng kampo sa dadan.

"kasalukuyang napapaatras na ang ating hukbo,ngayon ay nagtipon tipon sila sa kampo sa hilagang kanluran sa bayan ng tran, dahil umikot pahilaga ang pwersa ng malvis.

Sinarhan nIla ng permanente ng malalaking bato ang kanluran.

Masmabagsik sila at nakakatakot ang kapangyarihan ng kadiliman na tinataglay nila.

Lahat ng mabihag ay ibinibilang nila sa kanilang hukbo.kahit ayaw pa ng mga ito dahil sa kapangyarihan ng demonyo.

Sana lang ay may kapangyarihan tayong papantay at pupuksa sa mga demonyong iyon.

Sa ngayon 3000 mahigit na ang pwersa nila at dumadami pa.sanay maawa ang dyos sa atin."sabi ng kapitan.

"huuuu(hinga).kailangan na talaga natin magmadali."sabi ni rigo.

"nakakatakot na pala ang sitwasyon dito."sabi ni zhenya.

"may awa ang dyos,magtiwala tayo sa kapangyarihan ng aparato."sabi ni tyra.

"Anong aparato ang tinutukoy ninyo?"sabi ng kapitan.

Ipinaliwanag ni tyra ang tungkol dito ang kaya nitong gawin.

"Kung ganon,hayaan nyong tulungan namin kayo para mapabilis ang paghahanap sa huling bahagi ng aparato."sabi ng kapitan.

"salamat po sa tulong kapitan,kailangan na po talaga magmadali."sabi ni tyra.

"bukas agahan nalang po natin bago sumikat ang araw."sabi ni rigo.

Magdamag na hindi nakatulog ang grupo dahil sa balita lalu na si rigo na pinagkatiwalaan ng hari.

Kinabukasan ay maagang nagpatuloy ang grupo gamit ang lytorite sakay ng kabayo.

Mabilis ang bayahe sa patuloy na pagsunod sa liwanag hanggang sa dalin sila nito sa tinaguriang drakai lake.

Ang drakai ay isang legendary lake monsters na matagal nang kinatatakutan sa hilagang bahagi ng saradan.

Wala pang nabubuhay na nakakita dito dahil ang lahat ng biktima ay hindi na natatagpuan pa.

May nagsasabing isa itong kaluluwa,ang iba naman ay isa itong halimaw,habang sa iba ay dyos ng tubig.

"Ano nang gagawin natin?nasa ilalim ng tubig ang hinahanap natin?"sabi ni zhenya.

"Delikado ang tubig na ito,walang lumalapit dito dahil sa sandaling maramdaman ng drakai ang sino man sa tubig ay umaahon daw ito at hindi titigil hanggat may nabubuhay sa kanyang paningin."sabi ng kapitan.

"Wala po tayong magagawa kundi ang sumugal,kung may halimaw po ditong totoo,kailangan natin syang palabasin at mapuksa."sabi ni rigo.

"Wow ang tapang na ng mahal mo binibining tyra,ang cool nya tignan." bulong ni zyreece.

"hahaha,baliw magsiryoso ka nga."sabi ni zhenya.

"mukang nakatulong sa kanya ng husto ang dyosa ng digmaan."sabi ni tyra at ngumiti.

"paano natin gagawin yun,ayon sa mga sabi sabi ay napakabilis ng drakai sa tubig."sabi ng kapitan.

Nagkatitigan ang bawat isa at nagtatantyahan kung sino ang gagawa.at dahil nasasayang oras ay napilitan si rigo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

zero to hero (war on saradan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon