cloak

60 17 0
                                    

Matapos ang mahigit 8 oras na pahinga at ilang pagkain inumin para sa karungga ay muli nanaman itong nakabawi ng lakas.

Mula sa disyerto ng mariana ay may 14 na oras pa para marating ang lupain ng sanfundan sa kaharian ng lucos lebal gamit ang karugga.

Sa sanfundan sinasabing matatagpuan ang ikatlong tore.

Ngunit ang pader na lagusan ay nasa loob ng ikalawang mansyon ng reyna ng lucos lebal.

Mahigpit ang pagbabantay sa mansyon iyon kung saan namamalagi ang reyna,hiwalay sa capital kung saan naman naninirahan ang hari sa palasyo.

Ito ang suliranin na hindi inasahan ng grupo.

Magdamag hanggang sa umaga ang paglipad ni karungga,nang marating nila ang boundary ng lupaing sanfundan,dahil sa taas ng kanilang paglipad sa makapal na ulap ay hindi sila namataan ng mga kawal.

Payapang nakababa ang kanilang wyvern sa kagubatan ng sanfundan at doon na namalagi si karungga.

Ang kahariang lucos lebal ay umaasa din sa transportasyon ng wyvern kayat normal na makakita ang mga tao doon ng mga wyvern,hindi lang wyvern kunti maging ang mga halimaw na maaring sakyan ay kanilang ginagamit basta maaring hulihin ng taming magic.

Muling naglakbay ang grupo sa paglalakad habang sinusundan ang liwanag sa lytorite.

Hanggang sa ituro ng liwanag ang mansyon ng reyna na napapaligiran ng mga kawal na bantay.

Inakala nila na magiging madali ang lahat na makapasok sa mansyon.sa sandaling makapagpaalam sila at makipag usap ng maayos sa reyna ng lucos lebal.

Mula sa gubat patungo sa mansyon ay inabot hanggang hapon ang kanilang paglalakad nang marating nila ang gate ng mansyon.

“anong kailangan nyo?”sabi ng kawal.

“Sino po ba ang may ari ng manson,makikiusap po sana kami.”sabi ni rigo.

“hahaha.hindi nyo alam kung kaninong mansyon ito?ito ang pribadong mansyon ng reyna lesile.hindi kayo taga rito hano,umalis na kayo,siguradong wala kayong kasulatan ng paanyaya galing sa reyna.”sabi ng kawal.

“Mga manlalakbay po kami,importante po ang pakay namin sa reyna.kailangan po talaga namin makapasok.”sabi ni rigo.

“umalis na kayo kung ayaw nyong damputin namin kayo.wag nang matigas ang ulo,alis na bago maubos ang pasensya ko.”sabi ng kawal.

Hinawakan ni tyra si rigo at pinigilan sa takot na sila ay makulong..

“Tama na rigo,baka magka problema lang tayo.halika na.”sabi ni tyra.

“ano nang gagawin natin.hindi tayo makapasok sa mansyon.”sabi ni zyreece.

“hindi ko rin alam,pero kailangan natin pumasok doon.”sabi ni rigo.

Hindi malaman ng grupo kung ano ang gagawin.

“Kung magpaggap kaya tayong katulong?”sabi ni zhenya.

“Hindi pwede nakilala na tayo ng kawal.”sabi ni tyra.

“Pwede tayong sumabay sa tagapag dala ng supply.magtatago tayo sa wagon.”sabi ni rigo.

“pwede nga.pero kailangan muna natin malaman kung nasaan ang pader,dahil sa oras na makapasok tayo.nasisiguro kong hindi rin madali sa loob.kailangan alam na natin kung saan tayo pupunta.malawak ang mansyon,kapag naligaw tayo at nahuli ay katapusan na natin,siguradong pugot ulo ang parusa natin. “Sabi ni tyra.

“May isang paraan pa,bumili tayo ng cloak of invisibility o kaya orb of hiding.”sabi ni zhenya.

“hindi rin ganoon yun kadali.sa blackmarket ka lang maaari makabili ng cloak of invisibility at orb of hiding kung isa kang ordinaryong tao lang at ilegal yun. Dahil ipinagbabawal ang mga mahiwagang kagamitan na iyon sa publiko dahil maaring gamitin sa masamang gawain lalu na sa pagpatay o paggawa ng krimen,tanging matataas na tao at royal guards lang ang binibigyan ng karapatan para gumamit ng mga bagay tulad nun para sigurihin ang kaligtasan sa pagtakas.”sabi ni tyra.

zero to hero (war on saradan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon