Maagang nagising ang grupo at pasimple palaging kumilos upang hindi makatawag ng pansin.
Binalikan nila ang bahay ng dalagita at ibinigay ang mga materyales upang masimulan na ang mga cloak at matapos sa loob ng 2 araw.
Habang ginagawa ang mga cloak ay abala naman ang grupo sa lihim na pagmamanman sa paligid ng mansyon upang malaman kung saan ang pinakaligtas na lugar na mapapasukan.
At ang mga oras na walang ginagawa ay magkakasmang naglilibot at sinusulit ang mga magagandang aliwan sa loob ng capital.
Maslumalalim ang kanilang samahan at pagkakakilala sa isat isa.
Samantala,maghapon na gumagawa ng cloak ang dalagita,may mga oras sa hating gabi na lumalabas ang dalagita hindi para magpahinga kundi magtungo kung saan.
Makalipas ang dalawang araw ay muling bumalik ang grupo sa bahay ng dalagita.
“maayos na po,maari nyo na pong subukan.”sabi ng dalagita.
“wow!.ang galing ah,hindi na kita makita zhenya.
Napakagaling mo pala talagang gumawa ng cloak of invisibility.ayos to.maraming salamat sayo at tinanggap mo ang trabaho.”sabi ni rigo.
“ahm wala po yon,pwede ko na po ba makuha ang kabayaraan.”sabi ng babae na tila ba nagmamadali at nababahala.
Napansin naman ni tyra ang ikinikilos ng dalagita.
“O heto maraming salamat ha.50 ginto yan gaya ng napagusapan.para sa kapatid mo yung karagdagan.”sabi ni rigo.
Nangininig ang dalagita at tila ba nakukunsensya ang kalooban at hindi mapalagay dahil sa kabaitan ni rigo,inakala nya na hindi gagawin ni rigo ang 50 gintong kabayaran dahil malaking halaga ang ginto at madalas syang lokohin ng mga bandidong napagsilbihan nya ng kanyang mga gawa na nauna nang naging kliyente sa mga nagdaang transaksyon.
Lalabas na sana ang apat nang biglang pigilan ito ng dalagita.
“sandali po!.patawarin nyo po ako,may pagkakasala po ako sa inyo,nagawa ko lang po dahil sa pangangailangan namin magkapatid.patawarin nyo po ako at nagawa ko po kayong isuplong sa mga kawal para sa pera.huhuhu.
Nagsisisi na po ako,inaabangan po nila kayo sa labas ng eskinita.nagkamali po ako ng mga taong isinuplong,akala ko po kasi ay katulad din kayo ng iba.”sabi ng dalagita.
Natahimik ang grupo at bahagyang nadismaya.ngunit iba ang naging reaksyon ni rigo.
“hindi ko gusto ang ginawa mo,pero naiintindihan kita,ginagawa mong lahat para sa kapatid mo.
Pero hindi sa lahat ng oras ay tama ang ginagawa mo,tandaan mo.isa sa pinakamahalagang aral ng buhay at karanasan ay ang tiwala at respeto ng kapwa.lagi mo iyon tatandaan at wag mong kakalimutan,dahil yun ang aakay sayong pagkatao at dignidad.
Sanay magsilbing aral sayo ang pagkakataong ito.
Salamat dito sa cloak binibini,hayaan mo at malulusutan namin ito.nasa amin ang cloak di ba.”masayang sabi ni rigo habang hawak sa balikat ang babae.
Iniwan nilang lumuluha ang babae at inuusig ng kanyang konsensya.
Natatakot sa maaaring gawin ng kawal sa kanyang pagtataksil.ngunit mas pinili nya ang sigaw ng kanyang puso.
Dahil alam na nila rigo kung nasaan ang mga kawal na huhuli sa kanila ay pinakinabangan na nila ang mga cloak.
Narinig pa nila ang usapan ng mga kawal habang dinadaanan nila sa harap ng masisikip na eskinita soot ang cloak.
“Peste!.niloko lang yata tayo ng batang yun,wala naman bandidong dumadaan,kanina pa tyo dito ah.”sabi ng kawal.
“malilintikan sakin ang babaeng yun.akala siguro nya mauutakan nya tayo sa pabuya.”sabi ng isa pang kawal.
BINABASA MO ANG
zero to hero (war on saradan)
AdventurePasensya na ulit mga kawattpad.sobrang busy ng author hindi ko maharap tapusin ang rpg universe. Ito nalang ulit ang isa pa sa mga very old stories one of zero to hero series.na sana magustohan nyo din pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe. ...