Nagmistulan patay na kaharian ang malvis dahil ang lahat ng kalalakihan ay dinukot at ginawang vampire ghoul ng hari.
Naiwan ang mga kababaihan at kabataan na nahihirapan at nagsasakrepisyo sa mga pahirap na idinudulot ng kasamaan ng hari.
Nagdulot pa ng takot ang kadiliman ng buong kaharian sa makapal na ulap at sungit ng kulog at kidlat.
Naiwasan ng hari na makapasok ang hukbo ng saradan sa paulit ulit na paggawa ng malalaking batong bakod habng patuloy na kinakalap ang sapat na pwersa ng hukbo.
Ginawang istraheya ng hari na umupa kunwari ng mga mersinaryo upang maanyayahan ang nga ito sa palasyo at doon ay pwersahan na kinakagat upang gawing vampire ghoul na matapat na maglilingkod sa hari.
Ngunit hindi lahat ay matagumpay na nahuhuli ng hari,may mga malalakas din na mersinaryo ang nakakatakas sa lakas ng hari na syang pinagmulan ng balita sa mga kapwa mersinaryo.
Ngunit kahit kumakalat ang haka haka na ginagamit at inaalipin ng hari ng malvis ang mga mersinaryo,ay may mga mersinaryo parin na pumapatol sa alok ng hari at nagyayabang na hindi sila mapapasailalim sa kapngyarihan ng hari,ipinagmamalaki ang kanilang pride,kayat sa huli ay hindi na magawang umatras pa dahil mga vampire ghoul na rin sila na nasa ilim ng katapatan sa hari.
Nagawang makapasok ng isa sa mga scout ranger ng heneral at nakapagpadala pa ng isang mensahe bago ito nahuli at napabilang sa mga kawal ng hari.
Sinasabi sa mensahe ang ginagawang pagpaparami ng tauhan ng kahariang malvis,at sa.kasalukuyan ay mayron na itong 1800 mandirigmang vampire ghoul at kasalukuyan pang pinupuno ang kulang para makumpleto ang 3000 mandirigma na iatatapat sa 3000 mandirigma ng kahariang saradan.
Kayat nabahala ang heneral ng saradan at nag isip ng paraan.
Ipinaalam ng heneral sa hari ang nakuha nilang mensahe nang magtungo ang hari sa hukbo upang personal na makita ang sitwasyon.
“kung magpapatuloy na hindi natin mapapasok ang kahariang malvis,magiging malaking problema sa ating ang malaking bilang ng mga demonyong mandirigma na patuloy na pinararami ni haynsen.
Hindi ko malaman kung ano ang ikinagagalit nya sa atin at nagawa nyang isangla ang kaluluwa sa demonyo para lang lipulin tayo”sabi ni haring frandor.
“likas na siguro ang kasamaan ni haring haynsen.
Ang inaalala ko ngayon ay kung saan tayo kukuha ng karagadagang lakas para pantayan sila.hindi sapat ang sandata lang.
Naunahan lang natin sila noong nakaraang labanan sa velena.wala na akong maisip fran.”sabi ni quezra.
“wag kang mag alala quezra,alam kong may.paraan pa,ipinaaral ko ang buong kasaysayan ng demon vampire,lahat lahat hanggang sa pinakamaliit na detalye para makahanap tayo ng pinakamalakas na sandata laban sa kanila.
Alam kong kulang ang mga pilak na sandata kung lakas at kapangyarihan din lang ang pagsusukatan.maaring sa mga.oras na ito ay pinagbubuti narin nila ang kanilang mga baluti para kontrahin ang mga pilak.
Alam mo ba yung kwento tungkol sa divine crest?”sabi ni frandor.
“Oo,sinasabing isa yoon sa pinaka makapangyarihan na simbolo mula sa mahiwagang aparato noong unang panahon,taglay daw noon ang kapanyarihan at basbas ng langit upang magamit ang kapanyarihan ng liwanag.
Sandata daw iyon ng liwanag,ngunit wala nang nabubuhay pa ang nakakaalam sa kinaroroonan ng aparato.o kung totoo nga ba na may ganoong aparato.”sabi ni quezra.
“hihihi,totoo yun quezra.may.mga ebidensya na nagsasabi kung paano iyon mahahanap.
At alam mo ba na ang kapangyarihan ng liwanag ay napakalakas laban sa kapangyarihan ng kadiliman,kakayahan ng aparato na bigyan ng basbas ang buong hukbo upang magamit nila ang kapangyarihan ng liwanag,
BINABASA MO ANG
zero to hero (war on saradan)
AdventurePasensya na ulit mga kawattpad.sobrang busy ng author hindi ko maharap tapusin ang rpg universe. Ito nalang ulit ang isa pa sa mga very old stories one of zero to hero series.na sana magustohan nyo din pang bawi sa hindi ko matapos na rpg universe. ...