intro

32 6 4
                                    


"Putek na yan." Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang ink na nag-blot sa tracing paper ko. Nilingon ko ang nasa kaliwa kong drafting table nang nakasimangot. "Ano boi? Ayaw mo ko pa-graduate-in?" Tinapik ko nang malakas ang balikat ng katabi kong nakatalikod sa direksyon ko. "Pwede naman, basta damay damay tayo sa pagbagsak sa buhay." Pabiro kong ginuhitan ng linya gamit ang 9H na lapis ang floor plan na dina-draft niya. Ganti ganti lang boi.

Napalingon naman siya sa tracing paper niya.  "Luh bakit?" Pabiro niya akong sinampal nang mahina. "Di ko naman sadya," Sinilip niya ang tracing paper ko at saka tumango-tango. "Madaya 'to. Sabi wala pang gawa," Tinitigan niya ako nang nakangisi at sarcastic ang expression ng mukha. "Sana ang sinabi mo, wala ka pang nai-ink. Hindi yung sinasabi mo na wala ka pang gawa." Binatukan niya ako nang mahina. "Paasa ka, namotivate na sana ako kagabi. Patapos ka na pala."

"Bakla, ikaw ang tatapusin niyan kapag nakipag chismisan ka pa."

Inirapan ko siya at saka kami nagtawanan nang sabay. 

Yung prof namin ay kasalukuyang nagamit ng cellphone niya sa harap ng desk niya. Esquisse ng section namin, at anim na oras ang laboratory namin sa subject na ito. Ang esquisse ay parang quiz or on the spot na nagbibigay ng problem or type ng design ang professor para i-check ang capacity ng mga kamay at utak naming mga Architecture student sa oras na meron lang kami. Hindi pwede iuwi ang mga esquisse, o gumawa man sa bahay: pero sa case kong medyo illegal ng konti lang naman, nagda-draft ako sa isang cartolina sa bahay gamit ang lapis pa lamang para hindi mahalata unless umikot si prof; para sa class ko na lang ididirektang naka-ink ang ipapasa ko kasi ita-trace ko na lang. Wag sana akong matularan, naniniwala kasi ako sa kasabihang "Work smarter, not harder." 

Pero I believe pagsisisihan ko 'to sa future.


"Gaga ka, ulitin mo na lang." Bulong ni Rika, yung katabi kong nakasanggi sa drafting table ko kaya nagkaron ng blot ang ink ang dina-draft ko. "Magt-trace ka lang naman na." Kinuha niya ang phone niya sa bag niya at saka nag check ng oras. "Meron na lang kaming apat na oras bago bumagsak sa subject na 'to." Tinitigan niya ako at nagkunwaring umiiyak. "Malulungkot ka next sem, hindi na kami mga ka-block mo pag bumagsak kami tapos ikaw lang nakatapos. Dapat sabay sabay na tayo mag retake."

Sa gitna ng tawanan namin dahil hindi na kami umuusad sa dina-draft namin, May lalaking pumasok sa room namin. Diretso siya sa prof namin at may inabot siyang papel. Pinaupo naman siya ng prof namin sa may bandang likuran ng kinauupuan namin.

Pinagmamasdan namin siya ni Rika na lumakad sa upuan niya. Hindi naman kami chismosa, gusto lang namin matandaan ang itsura niya kasi mukhang bagong lipat siya, at 4th year college na kami. Malamang maa-out of place lang siya.

Matangkad siya. Lalo na para sakin na minalas, at cute size ang height. Bagsak ang bangs niya sa noo, at naka-red at checkered na jacket. Hindi naman siya mukhang maasim na emo, pero amoy sigarilyo siya na naligo sa alcohol. Siguro sinubukan niya alisin yung kumapit na amoy ng usok sa jacket niya?

Hindi naman wash day, pala-desisyon 'to si kuya sa OOTD niya.

Hindi siya mukhang mahiyain; mukha pa siyang walang hiya at f*ck boy. Sory sa pagiging judgemental pero ayun talaga nakikita ko.

Nilingon siya ni Rika at saka nakipag shakehands agad si gaga. "Rika." Pakilala pa niya. "From what school ka?"

"Taft." Nakangiting sagot ni kuyang emo. "Adrion."

"Oh I see, so you are like this pala when you speak like- "geguUu pareEeEh" or... nah?" Ako na mismo ang nahihiya para kay Rika pero since ayan din ang tanong ko sa utak ko, buti na lang si Rika na lang ang nagmukhang tanga kesa ako. 

Natatawang nagtakip ng bibig si kuya emo. "Hindi naman."

"So pa'no raw sabi niya?" Lumingon si Rika sa prof namin. "Next meeting ka raw magsusubmit neto?" Tinuro ni Rika ang tracing paper ko.

Tumango-tango lang si kuyang emo. Nilipat ni kuyang emo ang tingin niya sakin at saka nilahad ang kamay niya. "Adrion, you are..?" Ramdam ko ang pagiging illegal vibez niya like me. At hindi ito maganda.

"Felix." Nakipag shakehands na rin ako.


I'm Felixandra Manalili, an Architecture student. Hindi nile-legal, kaya minsan traydor. Felix ang tawag nila sakin. Kalahating babae, kalahating baccla. 

In short, babaeng bakla.

Wala lang. Wala akong masabi tungkol sa sarili ko teh- keri niyo na 'yan malalaki na kayo.

Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon