"Weird ni Adrion." Tinitigan ako nang litong lito ni Rika. "Niyayaya ako na tuturuan niya raw ako mag piano sa bahay namin." Ibinaba ni Rika ang phone at bag niya sa drafting table namin.
5th year na kami.
Kakastart lang ng bagong semester.
Humawak siya sa balikat ko at saka nagpatuloy. "Nagseselos na si Joseph."
Napakunot ang noo ko. Hindi ako pamilyar sa pangalan na sinasabi niya. Nilingon ko siya nang naniningkit ang mata. "Joseph?" Umiling iling pa ako nang konti. "Sino si Joseph?"
Nagbuntong hininga siya at saka ngumiti nang sweet sakin. "Boyfriend ko. Last week lang." Last week?
Nakakunot pa rin ang noo ko. "Magkasama tayo last last week ah. Nag iiyak iyak ka pa sakin na hindi mo na kaya at hindi na kayo masaya ni Miro?" Miro, yung boyfriend niya since 3rd year college kami. Hindi na ata tama na tawagin kong boyfriend niya since may bago na siya.
"Yup. Tinapos naman na namin ng clear at peaceful yung relationship namin." Dahan dahan siyang umupo at chineck ang screen ng phone niya. "Hindi naman kami nag cheat sa isa't isa ni Miro. Tinapos namin yung relasyon muna bago kami nakipag date sa iba."
"Yeah, but- in one week may kapalit na?" Hindi ko talaga ma-gets.
Okay sabihin na naten na toxic na talaga sila sa isa't isa pero I think it isn't right na nange-entertain ka na ng bago habang hindi mo pa tinatapos yung present. Parang hindi ka bumitaw agad hanggat hindi secured na may sasalo sayo after. It's like takot na takot ka ma-zero sa karelasyon? I don't know. Maybe mali ako and hindi ko kasi naiintindihan.
"I believe wala naman sa tagal ng ligawan 'yon." Nag crossed arms si Rika habang nakatitig sa harapan ng classroom. "Kasi diba, guys are fake. Kapag nililigawan ka, puro magagandang bagay ipapakita sayo niyan para makuha ka lang. Pero once na nakuha ka na nila, diyan na lalabas yung mga totoong ugali nilang basura." Nilingon niya ako nang nakangiti. "So hindi ko na pinatagal para kusang lumabas yung totoo niyang ugali." Proud na pagpapatuloy pa niya.
"Don't tell me ganyan din ang ginawa sayo ni Miro-"
"Nope. Ako ang issue sa relasyon namin. Tinanong ko siya, wala naman daw siyang kapalit ko agad and hindi pa siya ready." Inayos niya ang buhok niya habang nakatingin sa screen ng phone niya. "I know iju-judge niyo ko. Pero wala naman akong magagawa eh. Gusto ko lang sumaya at ayaw ko maiwanan."
"Uhmkay. Medyo f*cked up lang. Pero kung saan ka masaya, at buhay mo naman 'yan, go." Inalis ko ang tingin ko sakanya at tumitig sa dalawa kong palad. "Pero what's wrong with Adrion pala? Bakit pinagseselosan?"
"Kasi diba lagi kaming nag uusap ni Adrion tungkol sa ex niya. And ako naman, nagtatanong sakanya tungkol sa mga experience niya sa you-know, adult stuffs." Napalingon ako uli sakanya nang nakasimangot. Bobong bobo ako sa pinagsasasabi ni Rika ngayong umaga.
"Experience sa what?! Like- gurl, what for??" Nag crossed arms ako habang tinititigan siya nang nakasimangot. "I don't understand talaga kung ano bang kabobohan meron ka Rikaela. I know it's a normal thing pero bakit ka nag tatanong sakanya ng tungkol sa ganon na bagay knowing na may boyfriendS ka?" Inemphasize ko ang -S sound sakanya dahil naiirita na ako sakanya. "Bakit hindi ka mag explore ng ganyang bagay with your boyfriendS diba? Para hindi siya, or sila, nag seselos?"
"Girl, chill." Hinampas ako nang mahina ni Rika sa balikat. "Hindi ganon si Miro nor Joseph. Gusto ko lang matuto ng mga ganong bagay." Nginitian niya ako at saka nag peace sign. "For future use na rin at sa safety ko."
BINABASA MO ANG
Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]
HumorIt was a normal day in the year 2017. Until I encountered one of my biggest regrets.