"Can't you just move here?" Iritableng tanong ni Narrow sakin sa kabilang linya. "I can't believe na biglang nagbago isip mo. I thought you and I were supposedly be together in our last year sa program naten?" Nagbago na ang tono ng boses niya at unti unti itong naging malumanay, kagaya ng Narrow na nakilala ko.
Hindi ko rin maintindihan. Bigla akong nawalan ng interes sumunod pa sa mga usapan namin nung junior highschool. Kasunduan namin na isa samin ang lilipat ng school sa last year namin sa college.
Napapikit ako nang madiin at saka pinaikot ng kaunti ang swivel chair na kinauupuan ko sa kwarto ko. "I'm sorry, hindi na kasi kami pinapayagan ng department namin lumipat pa kapag graduating na." Nag sinungaling ako. Hindi ko alam bakit at paano nangyare na sa isang iglap, bigla na lang akong napagod.
Sa maraming taon, lagi kong nahuhuli si Narrow na may ibang kausap at may ka-"I love you"-han na kaibigang babae. Alam ko magkakaibigan sila at wala dapat malisya, siguro ako ang problema dahil nag iisip ako ng masama laban sa pagkakaibigan nila. Kaso ang pinagtataka ko, bakit ang daming kaibigan naman? Buti sana kung bestfriend, although hindi rin okay sakin kahit bestfriend pa 'yan.
Ang daming kausap na iba, pero ako sobrang bihira i-text. Wala ba siyang load? May wifi naman sa bahay nila ah, bakit hindi ako magawang lapitan? Dapat ba ako mauna muna mag text?
"I think you're lying." Naging malungkot ang tunog ng boses niya. "Gusto kita makasama dito sa school, kahit man lang sana sa vacant hours ko makabawi man lang ako sayo. Ang tagal na nateng hindi nagkakasama nang mahabang oras.."
Pinaikot ko uli ang swivel chair ko paharap sa study table ko. "I'm not lying," Ang isang kasinungalingan, papatungan lang ng panibagong kasinungalingan. "Tsaka wala naman na tayong vacant hours since hectic na schedules naten. Tapusin na lang naten 'tong school year na 'to sa kanya kanyang university na pinasukan since freshmen, okay?"
"Is it because of your friends?"
Napahinto ako sa pag papaikot ng upuan ko. May part ang mga kaibigan ko kaya ayaw ko na umalis sa university na pinapasukan ko. Marami kaming pinagsamahan, ayoko naman na bigla akong umalis at magsimula uli sa bagong school nang wala man lang kakilala. Magkaka-close na yung mga dapat ka-batch ko sa school na 'yon, ang hirap naman ata makisawsaw pa.
"No," Napapikit uli ako nang madiin at huminga nang malalim. "Choice ko 'to. Wala akong kakilala diyan, ayaw ko ma-isolate diyan. Hindi mo naman ako kaya saluhin kasi magkaiba tayo ng department."
"Okay." Huminga rin siya nang malalim at saka nagpatuloy. "Sabihan mo ko agad kapag nag bago uli isip mo, I can help you sa paglalakad ng mga subjects mo dito para ma-credit."
"Yes. Iu-update kita agad." Chineck ko ang calendar na nakapatong sa desk ko. "At magiging busy ako sa mga susunod na araw, baka hindi ako makareply sayo." Kumuha ako ng violet na gel pen at saka nagsulat sa transparent na sticky note ko. Kailangan ko maging busy, kaya nilista ko ang mga possible na area na pwede ko puntahan like mga museums, libraries, coffee shops, and such.
"It's fine, pwede naman kita puntahan sa-"
"No." Ibinaba ko ang pen ko sa desk ko. "It would be a waste of time na rin for you. Natambakan ako ng mga duties and activities ko dito, gusto ko i-settle muna lahat."
"Duties like what, Cha?" Ayan nanaman siya sa Cha. Sinabihan ko na siya na never na niya ako tawagin sa Cha na 'yan.
Nagsisimula na akong mairita sa tagal ng usapan namin. "Personal stuffs."
"Okay. Do your thing na. Mukhang badtrip ka na, siguro nga marami kang gagawin." Tumawa siya nang mahina sa kabilang linya. "Before we end this discussion, gusto ko lang magsorry for what I did sayo last time."
BINABASA MO ANG
Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]
HumorIt was a normal day in the year 2017. Until I encountered one of my biggest regrets.