001 - Second Semester

30 6 5
                                    

"Bat ka kasi pumayag?" Pairap at naiiritang nagkamot ng ulo si Rika habang nakaupo sa isa sa mga bench sa university na pinapasukan namin.

Rikael Reyes. Ang kumare kong nilamon ng anime at kung ano ano pang Japanese stuff and culture. Kulang na lang maging blurred siya.

Naiiritang nagkamot din ng ulo si Adrion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naiiritang nagkamot din ng ulo si Adrion. "Eh niyaya nga ako?" Kinuha ni Adrion ang phone niya sa bulsa niya at saka nilahad kay Rika ang screen niya. "Ano irereply ko diyan?!" Nagtataasan na silang dalawa ng boses at mukhang paiyak na sa inis si Adrion kay Rika.

Adrion Mallari. Ang semi kaibigan kong galing university sa Taft pero hindi conyo. Tambay ng BGC pero marunong mag adjust ng accent depende sa kausap. Minsan mukhang emo, madalas amoy f*ckboy. Eme lang.

Malayo pa ko sakanila pero rinig na rinig ko na agad at tanaw ko na sila mula sa kinalalakaran ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malayo pa ko sakanila pero rinig na rinig ko na agad at tanaw ko na sila mula sa kinalalakaran ko. Nag tap ako ng ID ko sa gate ng building ng department namin at saka pina-check or pinatusok lang naman ang laman ng bag ko sa guard ng gate namin habang nakatanaw kela Adrion at Rika. Medyo pinapatawa nila ako nang konti sa pag tatalo nila. Ano nanaman kayang kabobohan pinaglalaban netong dalawang 'to?

Nag text ako kay Rika ng naglalakad na ko papalapit sakanila at hinaan nila ang boses nila dahil alam na ng buong department ang issue nila dahil sa lakas ng boses nila.

Hindi naman malayo ang kinauupuan nila kaya nakapunta rin ako agad sakanila. 

Umupo ako sa lapag at ginawang sapin ang mga scratch paper ko na tinatago sa bag. "Ano nanaman iniiyak neto ni Rika?" Tumingin ako kay Adrion habang naniningkit ang mata. "Na-scam ka nanaman?"

Pumadyak nang mahina si Rika. "Paanong hindi magagalit?" Tinitigan nang masama ni Rika si Adrion. "Isang yaya lang ng ex niya, go agad siya. Tapos iiyak iyak na may nangyare sakanila kahit hindi naman na siya mahal."

"Bat ka nagsasabi ng ganyan. Sayo ko nga lang sinabi tapos sinabi mo kay Felix." Tahimik na napayuko sa hiya si Adrion. 

Sa totoo lang, hindi ko talaga kinakausap 'to si Adrion kasi may sariling mundo 'to. Sumasama lang 'to samin ni Rika kasi nasasaktuhan na magka-klase kaming tatlo. At kung sumama man siya, si Rika talaga ang kausap niya. Sila din ang laging magka-chat dahil according dito kay Rika, nag oopen daw lagi itong si Adrion sakanya tungkol sa ex niya. Dahil si Rika lang daw ang may experience samin, at isa akong NBSB.

Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon