"Jury!" Halos masamid ako sa iniinom kong kape nang biglang mapatayo si Adrion at sumigaw habang nakatingin sa hallway. "Tanga ka, kailan ka pa lumipat dito?!" Masayang tumakbo si Adrion papalapit sa lalaking mukhang kasama niya sa asosasyon niyang Minsan Emo, Minsan F*ckboy.
Matangkad yung lalaki, bagsak na bagsak din ang bangs sa noo at kulay brown ang buhok. Hindi sobrang laki ang katawan, pero halata mo sakanya na tambay siya ng gym. Tindig pa lang niya at yung paraan niya sa pakikipag apir kay Adrion ay parang pwede na siya makatanggal ng ilang parte ng katawan ng kausap niya.
Naka-indian seat kami ni Rika sa hallway habang busy sa kinakain namin na doughnut na galing din mismo kay Adrion. Nag bake daw ang kapatid niya at naisip niya na i-share saming mga kaibigan niya at bumubuhat sakanya sa mga school works.
Pinagmamasdan namin si Adrion at yung Jury na tinawag niya mula sa malayo. Hanggang sa may isa pang lumapit sakanila kaya tuwang tuwa nanaman si Adrion. Nag tatawanan lang sila habang naglakad na papalayo sa direksyon namin. Nakalimutan nanaman ni Adrion na kasama niya kami. Pero keri lang, mukhang mas ka-close niya yung guy friends niya at ngayon lang uli sila nag kita kaya hinayaan na namin siya.
"Grabe," Pailing na bulong ni Rika habang nakatingin sa direksyon ni Adrion. "Hindi ka ba nagtampo??" Nilingon niya ako nang nakasimangot. "Kahit konti?!" Iritable niyang binalik ang tingin niya sa direksyon ni Adrion. "Talagang iniwanan niya tayo?"
Napa-iling na lang din ako habang nakatingin sa box ng doughnut at bag na iniwanan ni Adrion. "Ano gagawin naten dito? Hindi naman pwede na iwanan na lang naten yung bag niya." Inabot ko ang bag ni Adrion at saka tinabi sakin. "Wag ka na mag tampo, babalik 'yon. Maaalala niya na nasaten yung bag niya."
"Akin na nga 'yan." Sapilitan na kinuha ni Rika ang bag ni Adrion na mabigat. Curious din ako sa gamit niya, dala niya ata ang buong kwarto niya sa bigat ng bag niya. "Tingnan nga naten laman neto, magkakaibigan naman tayo kaya okay la-"
"Wow ang galing." Gulat na gulat kaming napatingala ni Rika dahil sa boses ni Adrion. "Nawala lang ako sandali, naging guard na kayo?" Inirapan kami ni Adrion at saka binitbit ang bag niya. "Personal na gamit ko 'to, bakit mo binubuksan?" Seryosong nakatingin si Adrion kay Rika. Inilipat naman niya ang tingin niya sakin. "At ikaw, itinabi mo na nga bag ko, binigay mo pa. Bukod pa sa hinayaan mo, hindi mo pa sinaway na binubuksan na bag ko." Tinalikuran niya kami. "Yung doughnut na hindi niyo maubos, bigay niyo na lang kela Halley at Cheena. Baka masayang." Naglakad na siya ng nakayuko at halatang naiirita. Papalayo siya nang papalayo at mukhang hinihintay siya ng limang lalaki.
Nakonsensya tuloy ako.
Maya maya pa, nilingon kami ni Adrion nang seryoso ang mukha. Hindi na kami nakaimik.
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at saka nag type sa screen niya habang nakatingin pa rin sa direksyon namin. For sure, si Rika lang naman ang china-chat at tine-text non. Bakit pa ko magche-check ng phone ko.
BINABASA MO ANG
Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]
HumorIt was a normal day in the year 2017. Until I encountered one of my biggest regrets.