Ang bigat ng pakiramdam ko.
Bukod sa nakakapagod bumyahe araw araw, nakakatamad din mag aral. Gusto ko ng motibasyon. Gusto ko kiligin uli. Kaso hindi tayo papatibag. Ma-pride tayo dapat. Tayo ang dapat unang chinachat or tinetext. Matibay ako.
Matibay ako.
Slow motion akong bumangon sa kinahihigaan ko. Tamad na tamad ako mamuhay. Nag unat unat muna ako bago tuluyan na umalis sa kama ko. Nakatulala akong nakatitig sa bintana.
Ang ganda ganda ng umaga. Pumapasok ang sinag ng araw sa kwarto ko. Ang peaceful ng mga ibon at mga puno na natatanaw ko mula sa kwarto ko.
Tiniklop ko ang kumot kong kulay beige, at inayos ang anim na unan ko sa pag tulog na kulay puti. Mas maputi pa sa kili kili mo, chariz. Mas maputi pa sa budhi mo. Kulay gray ang dingding ng kwarto ko, na may purple na cove light sa kisame. Peach na kulay para sa study table, at white and pink set up para sa computer at kung ano ano pang hanash sa kwarto. Pink na fur carpet para sa pink kong office char.
Ginusto ko mag invest sa kwarto ko, tutal wala naman akong pagkakagastusan na jowa. At, dito na lang ako sumasaya: Kapag nakikita kong may theme ang kwarto ko. Bat ko ba 'to sinasabi? Wala. Para gumana ang imaginations mo. At, para mapaintindi sayo sa pamamagitan ng mga kulay kung ano ba talaga ang natakbo sa isip ko.
Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang sarili ko. Hindi ako masaya. At hindi rin ako ganun kalungkot. Pero ang bigat lagi ng pakiramdam ko, sa hindi maipaliwanag na dahilan. Basta ang alam ko lang, malungkot ako kahapon: kaya ako malungkot ngayon. Kahapon malungkot ako, kasi malungkot din ako nung nakaraan na araw. At ganon ang cycle. Hanggang sa hindi ko na alam ano ba talaga problema ko. Kulang ba ako sa aruga? Kulang ba ko sa pera? Kulang ba ko sa atensyon mula sa mga kaibigan? Hindi ko na alam.
Yung kwarto ko madilim pa rin kahit anong gawin kong bili sa mga bagay na magaan tingnan ang kulay. Kahit anong ilagay kong gamit, ganun at ganun pa rin. Pero sa paningin ko, mukha naman siyang okay. Tuloy pa rin naman ang buhay.
Sa dami ng sinabi ko, naisipan ko na tumayo para kunin ang tasa kong ginamit kagabi sa pagkakape habang nililibang ang sarili sa pag lalaro ng online games. Dahan dahan din akong bumaba, dahil medyo late na ako gumising. Paniguradong yare nanaman ako sa mga magulang ko kapag nireport ako ng kasambahay namin sakanila na late na ako bumangon at paniguradong hindi nanaman ako makakaabot sa una kong subject.
"Ang aga mo naman bumangon," Pabirong bati sakin ng kasambahay namin. "Dapat mamaya pa, kasi masyado pang maaga." Pagpapatuloy niya. Tulala pa rin ako. Ngayong araw kami dapat magkikita uli ni Narrow after ilang taon.
Pero eto ako ngayon walang gana. Gusto ko sana makipag kita kasi gusto ko naman siya at matagal na naming pinlano ito. Naalala ko, first year college kami non, napag usapan namin na magkita kami kapag 4th year college na kami, sa mismong coffee shop na lagi ko pinupuntahan nung highschool pa lang ako.
Ngayong araw ang napag kasunduan namin 3 years ago.
Sobrang labag sa loob ko.
Kagabi nakita ko ang tweets ni Narrow. Screenshot ng convo niya sa isang dating app. Although, hindi naman landian yung nasa loob ng screenshot. Nag uusap lang sila tungkol sa isang movie.
Alam ko may mali na talaga sa part na bakit ka nasa dating app kahit pa sabihin naten na gusto mo ng kausap. Gusto mo pala ng kausap, bakit hindi na lang ako? Magka-MU tayo nang maraming taon. Naghihintay ako sayo. Naghihintay ako sa college. Naghihintay ako na ako na lang kausapin at takbuhan mo lagi.
BINABASA MO ANG
Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]
HumorIt was a normal day in the year 2017. Until I encountered one of my biggest regrets.