Chapter 1

129 6 2
                                    

Asha's POV

"Ash, halika na! Malelate na tayo, jusmiyo naman oh!" Sigaw ng maarte kong bestfriend na si Tiffany Hemsworth. Arte ng name 'no? Kasing arte niya. Haha.

I rolled my eyes and grabbed my pouch sa sofa.

"Wait! I'm coming, Tiff."

Sigaw ko pabalik habang kumakagat sa apple na nasa kamay ko.

Halatang iritado na si Tiff na patuloy ang pagbusina sa kanyang sasakyan.

We're 15 and hell yeah.Legal na kaming dalawa mag drive. Well,our parents are rich naman and very influential.

"First day na first day ng klase, Ash! Hay,ang bagal mo talaga!" Sabi niya nung nakalabas na ko sa bahay na pinagawa ng parents namin para sa aming dalawa. Pareho kaming only child kaya tinuring na naming kapatid ang isa't-isa.

Magbestfriends ang nanay at tatay namin simula ng highschool pa lang sila. Kaya simula ng nagkaisip kami ni Tiff, naging magkaibigan na rin kami.

Pumasok na ako sa sasakyan niya at nakita siyang nakataas ang kilay. "Ewan ko sa'yo. Napakaarte mo. Ikaw na yata ang pinakamaarteng nerd na kilala ko. Tsk."

"Whatever! I'll remind you Ash, pinababantayan ka sakin ng parents mo. Baka gusto mong ipatapon ka naman ng parents mo sa Korea."

"Fine, I get it. Just drive." At binalik ko na lang ang attention ko sa pagkagat sa apple ko habang nagsasoundtrip.

I was busy humming ng biglang pumreno ng over si Tiff. Tch. Pati ba naman sa pagdadrive, maarte siya?! Urghhh! Ipaalala niyo nga kung paano ko naging kaibigan 'to? Tss.

Tinanggal ko ang earphones ko at tinalakan ang maarte kong bestfriend.

"Papatayin mo ba ako sa kaba ha?!! Aba't sabihin mo lang ng makapaghanda muna ako ng party sa bahay. Para naman makapag-enjoy muna ako bago mamatay."

Napatingin ako sa kaibigan ko at nakitang mahigpit itong nakahawak sa manibela ng bigla na lang itong lumabas ng kotse at padabog itong sinara. Phew. Ang haba nun. Haha.

Lumabas na rin ako ng kotse. Andito na pala kami sa school. Sa parking lot to be exact. Hinanap ko si Tiff at nakita ang bestfriend kong sumisigaw.

Wow. Bago 'to ha? Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ng video ang bestfriend kong kulang na lang labasan ng black aura sa sobrang inis.

Mavideohan nga. At ng may ipangbablackmail na rin ako sa wakas sa pinakamamahal kong kaibigan.

Good girl kasi ang image niyan dito sa school. Ayaw kasing madisappoint yung parents niya. Tch. Lame.

Unlike me na Miss Bad Girl ang image dito sa school. Kinatatakutan at walang sinuman ang nagtatangkang lumaban sakin. Well, pinapakita ko lang naman kung sino ako. I hate dramas. Ayaw na ayaw kong magpanggap bilang isang tao na hindi naman ako.

"What the hell Mister whoever-you-are!! This is our parking space since I don't know when kaya stop acting like a jerk and move your effin car out of the way! You're just wasting our time! So please move!" Napatingin ako sa sinisigawan ni Tiff.

Gwapo. Matangkad. Maputi. Mahahaba ang pilik mata, brown eyed at mapula ang lips. Shet. Did I just check him out?

Napabalik ako sa panonood sa kanila ng marinig si Kuya Pogi. "I'm sorry Miss. But I think it's a bit unfair na angkinin ang parking space dito sa school. Dapat pantay-pantay tayo ng rights dito. Pare-pareho lang naman tayo ng binabayarang tuition."

Napatingin ako sa bestfriend ko at nakitang lumambot ang expression sa mukha nito. Mukhang bumalik na siya sa pagiging mabait.

Tinigil ko ang pagkuha ng video sa kanila at pumasok sa kotse ni Tiff. I'm starting to get bored na rin kasi and we have a class to attend for God's sake!

What if? Hmmm.I just smirked and started the car. Binangga ko ang sasakyan ng lalaki at napaatras ito. Nakita kong napatingin sa gawi ko si Tiff at si Kuya Pogi.

Binangga ko uli ang sasakyan ni kuya. Mukhang kasya na naman ang car ni bestie sa daanan papunta sa parking space kaya pinark ko na ito sa lugar kung saan kami madalas magpark.

Pinatay ko ang sasakyan at kinuha ang apple at juice na dala ko sa back seat. Hindi kasi ako nakapagbreakfast sa sobrang pagmamadali. Lumabas ako at kumagat sa apple na hawak ko.

Nakita kong pinuntahan ni Tiff yung sasakyan niya at kinuha ang gamit nito at ng maramdaman ko na ang presence ni Tiff sa likod ko. Binalik ko ang tingin ko kay Kuya Pogi at nakitang gulat na gulat pa rin ito sa ginawa ko sa kotse niya.

Sinigurado ko kasing mayuyupi ang gilid ng kotse niya nung binangga ko ito.

Marami akong alam sa kotse, I've been into drag racing simula nung first year high school pa lang ako. Stress reliever ko na kasi ang pagdadrive, pangangarera at mga kotse kaya nagawa kong yupiin ang gilid ng kotse nito ng hindi nagagasgasan kahit isang scratch yung kotse ni Tiff.

Napansin kong bumalik na sa katinuan si Kuya Pogi. Kumagat ako sa apple at inunahan sa pagsasalita si kuya.

"Matuto kang gumalang ng maging mapayapa ang buhay mo dito sa school. Kinausap ka ng maayos ng bestfriend ko kaya wala kang karapatan mag-inarte sa ginawa ko sa kotse mo. Mabuti nga at 'yan lang ang ginawa ko. Pasalamat ka good mood ako. Stop wasting our time, you have no idea kung ano ang kaya kong gawin."

Napansin kong mukhang aangal pa si kuya pero bago pa man siya makapagsalita, inunahan ko na siya.

"I warned you. Stop wasting my time." Mabagal kong sabi habang nakatingin ako sa kanya ng masama. Nakita kong natigilan siya.

Tch. Weakling. And with that I walked out of the scene with a smile on my face. Namiss ko 'to.

A/N: How was it? Check out Bae Suzy as Natasha. Don't forget to vote, comment and be a fan. Thanks. :)

Taming The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon