Chapter 6

25 4 0
                                    

Asha's POV

I walk the halls of the university with my head up, chest forward, shoulders back, look straight ahead. At ramdam ko, nakuha ko lahat ng attention ng mga tao dito sa hallway.

"Ang ganda niya talaga 'no?"

"Oo nga. Atleast kahit mataray, may laman ang utak."

"Talented pa. 'Di ba siya yung bagong president ng Performing Arts Guild?"

"Oo at saka kahit madami siyang haters, I still find her awesome."

I just managed to give them a sweet smile and accept their compliments. Aarte pa ba ako?

Pero kahit naman hindi nila sabihin, alam ko na sa sarili ko kung ano ang kaya ko.

Anyway, papunta ako ngayon sa faculty room ng mga teachers. Pupuntahan ko si tita. Kagabi kasi nung nagdinner kami ng parents ko, pinaalala sakin ni mama yung pagbibigay ko ng orientation sa mga transfer students. Tsk.

Anyway, naging maayos naman ang dinner namin kagabi except lang sa biglaang pagkakaroon ko ng fiance. Maybe isa na naman 'yan sa mga tactics nila Mama para patinuin ako.

Well, yeah. Pasaway akong bata. You see, my parents are not that happy sa mga kabalastugang ginagawa ko sa buhay ko.

They want me to be the perfect daughter that they've been dreaming to have. Pero paano mangyayari 'yon kung simpleng oras lang nila hindi pa nila mabigay sakin?

And I'm starting to hate them for that. But still hindi ko magawa dahil sobra ko silang mahal. Kaya kahit prangka ako at maldita, hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Active ako sa pagsali sa mga activities dito sa school. I want to graduate na valedictorian ngayong high school, para kahit papano maging proud sila sakin. Because maybe, just maybe, mapansin na nila kung anong mali sakin. Kung ano ang totoong gusto ko.

Anyways, pumasok na ako sa loob ng office ni tita at nakita kong kausap niya ang limang kumag na transfer students.

At sa pagkakaalam ko, official band sila ng dati nilang school. And as of now, official member na sila ng Performing Arts Guild.

Blank143. Yan ang pangalan ng banda nila.

Nathan Kyle Alvarez. (Drummer) Siya ang pinakabata at pinakamakulit sa grupo pero so far, siya ang pinakamatured mag-isip, magsalita at kumilos. Mahilig siya sa kotse, pangangarera.

John Dale Suarez. (Base Guitar) Ang pinakatahimik at pinakamisteryoso sa grupo. Laging may suot na earphones, headphones, earplugs na siyang nagiging ticket niya para makarating sa ibang mundo. May pagka-introvert kasi siya. Pero, once na magsalita siya talagang may sense at may makukuha kaya dapat mong pakinggan. At kung hindi ka niya feel kausap, 'wag ka ng umasang papansinin ka pa niya.

Denmark Liam Cruz. (Keyboard at Songwriter ng banda) Pinakamasungit at ang boy next door ng grupo. Magaling sumayaw at kumanta.

Nakalap ko lahat ng 'yan sa ibang officers ng guild. Ang dami kasing fan girls ng tatlong 'yan.

Anyway, hindi pa ako tapos na ipakilala sila.

Kevin Andrei Kim. Did the name ring a bell sa inyo guix? Yes, siya nga. My fiance. Si Mister Parking Lot. Si Kuya Pogi. Transferee din siya dito, but I didn't mind his presence kasi wala lang. Lalaki lang naman siya. Hindi naman siya ang presidente tulad ni Obama para ituon ko ang attention ko sa kanya. At isa pa, ang panget ng pangalan niya. Kevin? Tsk. Ang bantot.

At may isa pa silang lalaking katabi na nakatalikod sa direction ko, siguro ito yung bago nilang vocalist. Well, who cares?

Pagkatapos ko silang i-tour. Dedmabels na rin naman ang ending, so no big deal.

Narinig kong tinawag ako ni tita kaya pumunta ako sa table niya. Alangan naman dito lang ako sa waiting area, forever.

Well, nevermind. Wala namang forever. Tss.

"Iha, siya nga pala." Napatingin ako kay tita at nakaturo siya dito sa lalaki na nasa harap ko, na nakatalikod sakin.

Nagpatuloy si tita sa pagsasalita at parang nalunok ko ang dila ko at parang nahulog ang puso ko sa nakita at narinig ko.

"Meet Kevin Rence Rodriguez, siya yung bagong vocalist ng official band ng school natin ngayon which is the Blank143. And since he is a transfer student kasama siya sa ito-tour mo at bibigyan ng orientation. Anyway, I have a meeting to attend pa. Natasha, ikaw na ang bahala."

At tuluyan ng umalis si tita at iniwan ako kasama ang limang kumag kasama ang ex ko na si Kevin at ang fiance ko na si Kevin. Tch.

Is this some kind of a joke? Kasi kung joke 'to, hindi nakakatawa.

Shet. Naiiyak na ako.

"Uhmm. Excuse me. Pero, may pupuntahan lang ako saglit. I'll be back."

Pagkatapos nun ay iniwan ko muna sila para ayusin ang sarili ko. Ayokong makita niya na affected pa rin ako sa ginawa niya.

Ayokong bigyan ulit siya ng chance para saktan ako.

----

A/N: Comment. Vote. And be a fan. :)

Taming The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon