Asha's POV
A week has passed. And wala namang masyadong nangyari. Kasalukuyang akong naghihintay ng sundo sa benches dito sa school. Nag-aya kasi ang parents ko ng dinner. May sasabihin daw silang importante. Nauna na si Tiffany dahil may lakad din daw siya kasama ang mom niya na si tita Amy.
6:45 na at tahimik na ang buong eskwelahan. Kanina pang 5 ang dissmissal namin. Niyakap ko ang sarili ko habang pinagmamasdan ang mga natitirang estudyante kasama ang kanilang mga syota sa pagsilong sa iisang payong palabas ng gate. Hate na hate ko talaga 'pag umuulan. Lumalabas ang mga mahaharot.
Ha! Whatever! Magb-break din yan! Maaring mahal nila ang isa't isa at sweet sila, pero lokohan din ang uwi niyan! Bitter ba? Eh pake mo ba?!
Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang gray sweater ko. Sinuot ko ito at nag cross arms nalang. Ang tagal naman ng driver namin.
Peste, ang ginaw ginaw na talaga! Bakit ngayon pa umulan? Shet. Mababasa ako ng wala sa oras nito.
Nakita ko na andun pa sa kabila yung waiting shed at lumalakas na talaga ang ulan. Tumakbo ako papunta sa shed at sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay naiwan ko ang sapatos ko. Pinabayaan ko na lang ito at patuloy na tumakbo papunta sa shed.
Andito na ako ngayon sa shed at basa na ang blouse ko at ang suot kong sweater.
Busy ako sa pagtutuyo ng katawan ko ng biglang may lumapit sakin. Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakayuko siya. Pangit siguro 'yan kaya ganyan na lang kung itago ang mukha niya. Hahahaha. Ang mean ko ba? Hindi rin.
Napabalik ang attention ko sa lalaki at nakita ko siyang unti-unting lumuluhod. Napapitlag ako ng hawakan niya ang paa ko at isinuot doon ang isang sapatos ko.
Shocks. Ang inet. Bakit feeling ko namumula ako? Ess. Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumayo.
Si Kenneth?!!! Ehhh?! Si Kenneth Tyler Lopez lumuhod para lang isuot sakin yung sapatos na naiwan ko sa daan? Wow ha?! Scoop 'to! Eh sino ba naman ang hindi magugulat, si Lopez 'yan! Lalaking walang alam kundi makipaglandian, mas gentleman pa nga yung aso namin kesa sa kanya e.
Wait! Wala nga pala kaming aso. Hahahaha. Napabalik ako sa kasalukuyan ng bigla niya akong yakapin at bumulong na siyang naging dahilan ng pagtibok ng mabilis ng puso ko.
"Be my girlfriend."
Hindi ako makagalaw. I can't even utter a single word. Parang tumigil ang mundo ko. Bumalik lang ako sa katinuan ng nilagay niya sakin ang coat ng uniform niya. Napatingin ako sa kanya.
"'Yan. Para hindi kana ginawin." Ngumiti siya. Shet. Para siyang anghel. Oh my gosh! Oh my gosh! Wait! Erase! Erase!
Napatigil ako sa pagkausap sa utak ko ng marinig ang isang busina ng sasakyan. Napatingin ako sa harapan at nakita ang kotse ni Papa.
"I'll go ahead. Salamat dito."
Ngumiti lang siya at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa niya.
And for the second time, may sinabi na naman siya na nakapagpakaba sakin.
"Hindi mo ba talaga ako naalala, Nes?"
----------
Nandito na ako ngayon sa bahay. Hindi pa rin ako makaget-over sa mga sinabi ni Lopez.
Anyway, andito na ako ngayon sa bahay.
Kasasabi mo nga lang 'di ba? Paulet-ulet?! Unli ka 'teh?
Che! Walang hiya kang utak ka. Utak lang kita. Kaya manahimik ka diyan! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo.
Anyway, may pinadala kasi si Mom para ayusan ako and stuff. At after ng ilang dekadang pagpapaganda natapos na rin ang echoserang bading sa paglamutak ng mga kolorete sa mukha ko.
"Ayan! Mas lumitaw ang beauty ng feslaks mo ineng. I'm sure just like McArthur na kahit sinong lalaki ang makakita sa'yo, mapapa-I shall return cheness. Aym so owsum!" Sigaw ng baklang nag-ayos sakin habang pumapalakpak.
Pero infairness, mas nagmukha akong Dyosa. Hahaha.
Andito na ako ngayon sa Resto na pag-aari namin. Kaharap ko ngayon si Mama at Papa na busy sa mga kausap nila sa phone.
I wonder kung bakit pa nila naisipan magdinner kasama ako kung business lang din naman ang aatupagin nila. Tsk.
Napatigil lang sila Mama sa pagtelebabad sa kanya-kanya nilang Telepono ng biglang may dumating na lalaki at babae na halos kasing edad lang din nila Mama.
"Mare! Pare! Pagpasensiyahan niyo na at nahuli kami, medyo nagkaproblema lang but don't worry, everything is okay." Sabay ngiti ng Babae at nagbeso kay Mama at Papa habang yung lalaki naman ay nakipagkamay kay Papa at nakipagbeso din kay Mama.
Okay?! Spell invisible. N-A-T-A-S-H-A! Tsk.
I faked a cough para naman mapansin nila ang presence ko. At nagtagumpay naman ako dahil napatingin sila lahat sakin.
"Oh! Siya nga pala, anak. Siya si Mrs. Anastasia Kim." Tumayo naman ito at nakipagbeso din katulad ng ginawa niya sa mga magulang ko sabay ngiti. Ang ganda niya! Ngayon ko lang napagmasdan ang itsura niya. Parang mas matanda pa nga ako tingnan kesa sakanya.
Napatingin naman ako kay Papa ng ipakilala naman nito ang lalaking kasama ni Mrs. Kim "And this is her husband Yuan Kim, business partners namin sila, anak. We invited them para sabay naming ipaalam sa inyo ang isang mahalagang bagay."
Magsasalita pa sana ako ng may biglang lumapit na lalaki sa table namin at nakipagbeso ito kila Mama at Mrs Kim habang tinapik naman nito sa balikat sina Papa at Mr. Kim.
"Good Evening, Po. Sorry I'm late. May inasikaso lang po ako."
Wait!!! I knew him!
"Kuya Pogi?!"
Napatingin naman sa table namin ang lahat ng tao dito sa resto namin. I just apologized at bumalik na rin naman sila ulit sa kanya-kanya nilang business. Napalakas yata masyado ang boses ko.
Anong 'yata'?!! Napalakas talaga 'no!
Tumahimik ka nga konsensiya!
"So,mukhang nameet niyo na ang isa't-isa. Care to explain, sweetie." Napatingin ako kay Mama na halos kumunot na ang noo.
"Schoolmate ko siya. Inagaw niya yung parking space namin ni Tiff-- no scratch that, pinark niya ang kotse niya sa parking space namin ni Tiffany, Ma. And the rest is history."
"Oh? But, why is it that you called him 'Kuya Pogi'?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Shet. Kahit kailan talaga napakachismosa ni Mama.
"And oh! Before I forget, he is Kevin Andrei Kim, you're fiance."
Wait--
WHAAAAAAAAAAAT???!!!
------
A/N: Comment. Vote. And be a fan. Thanks. :)
BINABASA MO ANG
Taming The Bad Girl
Teen FictionNatasha Vanesse A. Lee. A certified badgirl. Hindi sapat ang salitang maganda para mailarawan ang kagandahan ko. Maarte pero nasa lugar. Matalino at may ipagmamalaki hindi tulad ng iba na puro kalandian lang ang alam. I hate boys but I love playing...