Chapter 2

59 6 0
                                    

Asha's POV

"Kyaaaaaah!! Nakita mo ba yung mga transferee? Shet. Supergwapo nila to the max. Kasabay ko sila kanina sa hallway. Ang cool nila. Kaya lang mukhang maaangas."

"Agree. Ang ganda ng mata nung isa. Feeling ko matutunaw ako kung tititigan ko."

"Oo nga. Mga makalaglag panty sa sobrang hot."

Kasalukuyan akong nasa room at konting-konti na lang talaga makakatikim na sakin 'tong mga chismosa kong kaklase. Ang iingay. Palibhasa bingi yung teacher namin kaya hindi sila napapansin. Tsk.

Tumingin ako sa katabi ko at nakita ang bestfriend kong halos maglaway na sa sarap ng tulog. Tch. Himala! For the first time natulog na siya sa klase and take note sa paborito niya pang subject. End of the world na ba??!

Makatulog na nga lang, nakakainggit si bestie. Ang himbing ng tulog samantalang ako, nagpapakahirap makinig sa mga maingay kong kaklase na puro lalaki lang ang pinag-uusapan. Tss. Walang kwenta.

Ano ba ang mapapala nila sa mga lalaking 'yan? Sasaktan ka lang naman ng mga 'yan. Dapat sa kanila paglaruan at hindi seryosohin. Tsk.

Bitter ba? Hindi naman. Natuto lang. Sabi nga nila "Been there, done that". Kaya kayo ingat-ingat lang.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko. This is heaven. Napadilat ako ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Nakakaimbyerna ha! Andun na 'yun e. Patulog na ang diwa ko ng biglang... Arghhhh. Nakakafrustrate na talaga!!

Tumingin ako sa paligid at napansing tumahimik ang mga maiingay kong kaklase habang tutok na tutok ang mga mata sa harapan na kulang na lang magmistulang heart-shape ito. Phew. Haba 'nun a.

Tumingin na rin ako sa harap at nakita ang limang maangas na lalaking nakatayo habang kinakausap ang teacher namin.

Ano naman kaya ang trip ng mga kumag na 'to? Sila siguro yung pinag-uusapan ng mga chismosa kong kaklase. Kung kailan 4th year na, dun pa nila natipuhan magtransfer. Weird people. Tsss.

Babalik na sana ako sa pagtulog ng marinig kong binanggit ni Ma'am ang pangalan ko.

"... Miss Lee."

Halos lumuwa ang mata ko ng bongga ng marinig ang sunod na sinabi ni Ma'am.

"You will personally tour the four of them sa kabuuan ng campus. If possible give them an orientation. Are we clear Miss Lee?"

Tumingin si Ma'am sakin ng matalim pagkatapos niyang i-explain ang dapat kong gawin. Napalunok na lang ako. Terror talaga nito. Tsk.

"Yes Ma'am. Crystal clear." I secretly rolled my eyes at her.

A/N: So here it is. Short update. Vote. Comment. And be a fan. :)

Taming The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon