Asha's POV
Papunta na ako ngayon sa cr. Parang nagflashback lahat ng sakit at hatred. No, scratch that. Bumalik lahat. Lahat-lahat.
Flashback, September 14, 20**--
Asha's POV
Andito ako ngayon sa labas ng gate ng school namin. Hinihintay ko ngayon si Kevin. Anniversary namin kaya pinagbake ko siya ng cupcakes.
I can't believe na aabot kami ng isang taon as a couple. First boyfriend ko siya and I hope he'll be my last.
"Nat-nat. Halika na! Uwi na tayo! Nabigay mo na ba yung cupcakes? Nagkita na ba kayo? Kanina nakita ko siya sa locker room ng girls. Akala ko nga ikaw pupuntahan niya since anniv niyo." Napatigil ako sa pagtingin sa pictures namin ni Kevin ng dahil sa sinabi ni Tiffany.
Hindi ko na sinagot ang mga tanong niya at dumeretso na lang sa locker room. Ewan ko pero parang kinakabahan ako. Tsk. Malapit na ako sa locker room ng girls ng may marinig akong hikbi ng babae. Parang sa cr galing.
Shet. Minumulto na yata ako. Madilim na rin kasi at wala ng masyadong tao dito sa hallway papunta sa mga locker rooms.
Maglalakad na sana ako papunta sa locker room ng girls ng marinig ko ulit na may parang umiiyak. Lumapit ako sa pintuan ng cr at nakita si Kevin na nakatalikod habang hawak ang babae sa bewang. Umiiyak ang babae habang si Kev naman ay diretso lang na nakatingin dito.
"Please. Stop crying. Babalikan kita. Just please, don't make this harder for me. Trust me. I'm not falling for that girl. She's a weakling. Masyado siyang dependent sakin, sa mga taong malapit sa kanya at sa mga tao sa paligid niya. She can't stand on her own. And I hate that kind of people. Don't make me hate you. So stop acting like one, okay? Ikaw lang ang mahal ko and besides engaged na tayo."
What the hell?! Pinaglalaruan niya lang ako? Akala ko mahal niya ko. Akala ko totoo lahat ng pinapakita niya sakin.
Shet. Ang sakit. Siya ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko except kay papa. Siya lang ang lalaking pinag-aksayahan ko ng oras mahalin at pagkatiwalaan.Sakanya ko lang naramdaman maging masaya. Tapos hindi pala totoo lahat? Great. Ang galing-galing.
Walang tigil ang pagdaloy ng luha sa mata ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.
"At alam mo naman kung bakit ko siya pinatulan 'di ba? Ginawa ko lang yun para mainlove siya at kung kailan hulog na hulog na siya, dun ko siya bibitawan. And with that, nakafocus lang sa kanya ang attention ng parents niya. And since best of friends ang parents naming dalawa, ipagkakatiwala nila ang business nila kay papa which is also one of the share holders dun sa company nila. Their family don't deserve the company, si papa ang naghirap itayo yun, yung papa lang ni Nat-nat ang nagpalago. Inaasahan nila mama na magagawa ko 'to ng maayos. I can't fail my parents. And you know that right?"
Hinalikan niya sa noo yung babae at niyakap.Nabitawan ko ang box ng cupcakes na binake ko dahil sa pagkabigla sa narinig ko.
Napatingin silang dalawa sakin at kitang-kita ang pagkagulat sa mga mukha nila. "So, all this time, niloko at ginamit mo lang ako para mapabagsak ang pamilya ko?! Infairness, hindi halata. Good job." Sarkastikong saad ko dito.
Bumitaw siya sa pagkakayakap dun sa babae at nilapitan ako. Inabot niya ang braso ko at lumuhod sa harap ko. "Nat, let me explain."
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Explain?!! Ha!! So, you're expecting na paniniwalaan pa kita?!! Asa ka Kev! At yung tungkol sa negosyo, I'll inform my parents about it." Tumakbo ako pagkatapos siyang sigawan.
Parang tinapakan ng libo-libong elepante ang puso ko. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Hindi ako makahinga. Ang sakit-sakit. Sobra.
End of Flashback --
Simula 'non nahirapan na akong magtiwala kahit na kanino. Ang tingin ko sa lahat ng lalaki, manloloko at walang ibang habol at intensiyon kundi ang pera ko.
Pagkatapos ng break-up namin ni Kevin. Agad kong pinaalam sa parents ko ang plano nito at napag-alamang matagal ng ninanakawan ng parents niya ang company. Kaya napagdedisyunan ng board na ipakulong sila.
Nagtransfer si Kevin pagkakulong ng parents niya at simula 'non nawalan na ako ng balita sa kanya. I never let anyone call me Nat or Nat-nat dahil sa kanya. Pinilit kong maging matatag sa harapan ng lahat ng tao dahil sa kanya.
Nagalit ako sa mga lalaki at nagkaroon ng kinakatakutang image sa school ng dahil sa kanya. Pinipilit pa rin akong patinuin ng parents ko. Pinaghome school nila ako dahil kinabukasan after ng break up namin ni Kevin ay may nasuntok ako at halos mapatay ko na dahil sa sobrang inis.
Pero after a few months bumalik na rin ako sa school. Pero sa tuwing aalis ako at tuwing papasok sa school, laging may nakasunod na body guards dahil na rin sa takot ng parents ko na magsuicude. Sinubukan ko kasing tapusin ang buhay ko, naglaslas ako at huli na ng makita ako ni mommy sa Cr ng room ko na walang malay at pinapaligiran ng sarili kong dugo.
Pero dahil naririndi ako sa mga body guard na halos kahit sa pagligo ko ay gusto akong sundan, pinilit kong alisin ni Mommy ang mga ito dahil kung hindi ay lalayasan ko sila. I don't know but after nung ginawa ni Kevin ay nawalan na ako ng pakialam sa pakiramdam ng iba. Pero sa ngayon mukhang wala naman na silang ginagawa para pigilan ako sa mga gusto kong gawin.
Pinagkaitan ako ng kasiyahan ng buong mundo. Binigyan pa nila ako ng lalaking walang ginawa kundi paikutin ako para makuha ang gusto niya. Kaya heto ako ngayon, binabalik sa mundo ang lahat ng sakit at paghihirap na pinadama nito sa akin.
------
A/N: Comment. Vote. And be a fan. Mwaaaaa. Thankssss. :)
BINABASA MO ANG
Taming The Bad Girl
Teen FictionNatasha Vanesse A. Lee. A certified badgirl. Hindi sapat ang salitang maganda para mailarawan ang kagandahan ko. Maarte pero nasa lugar. Matalino at may ipagmamalaki hindi tulad ng iba na puro kalandian lang ang alam. I hate boys but I love playing...