03

440 25 1
                                    

Jill

My birthday is coming and I'm going to celebrate it with my family. Nag pack na ko ng gamit ko para sa pag uwi ko sa Pilipinas. Excited na sila Mama na umuwi ako. Lols syempre! favorite ako eh.


" Jill miss kana namin! " Ka facetime ko si Ate Aika.


" As if nawala ako for 10 years. " She laughs and nag kwentuhan lang kami about Mama's presidential campaign. Ayoko talagang tumakbo siya but the country needs my mama.


" Sa iloilo tayo mag cecelebrate nyan? " She mentioned kasi na may rally sa iloilo.


" Yes, pero kasama naman ang buong family. " My family is my home. The home that gives me comfort and hope. Kahit anong mangyari ay uuwi at uuwi ako sa tahanan ko.


" Basta kasama kayo, solve na ko. " We enjoy the time at sumali nadin si Ate Trish sa usapan.


" Kayo ba mag susundo sakin? " Miss na miss ko sila kahit di naman matagal nung huli kaming nag kita. Nasanay lang na kasama ko sila.


" Oo! Namiss ka namin. " Sagot ni Ate Aiks


" Asarin. " Sabat naman ni Ate Trish. Kung may paborito akong kaaway, si Ate Trish yon.


" Si Jill ba yan? " I heard Mama from the background.


" MAMA! " I shouted as mama came into the frame.


" Kumusta Anak? " oh mama will always be mama.


" Okay lang ma, kayo? kumain na kayo? " Mukhang kakauwi lang ni mama from OVP.


" Kakain palang. Wala kang class? " I check the time and kaylangan ko na pala pumasok.


" Speaking of class, I have to go na. Ingat mama and Ate's! Kiss me to Rocco! "


" Ingat, Jill! labs na labs. " Hays this family Talaga. Ate Aiks end the facetime and umalis na din ako.


Nagkasalubong pa kami ni Zy at sinabi kong sabay kami mag lunch mamaya.


" Jill, can I borrow you for a moment? " Yung isang pinoy kong friend ay nakasalubong ko din.


" Yes? " Dinala niya ko sa sulok at inilabas ang box sa bulsa niya.


" I heard uuwi ka bukas. Can you give this to your Ate Tricia? " She handed me a small jewelry box at maliit na note. Maybe she's one of Ate Trish's supporters.


" Sure! " Kinuha ko sa kamay niya ang box at inilagay sa bag ko. Before i left ay nag smile siya sakin. Hays mga pinoy talaga super gaan kasama. Tinext ko si Ate Trish na may isa akong friend na pinoy na binigyan siya ng i think this is bracelet. Natuwa naman siya dahil don. Napaka apprecieative talaga ni Ate Trish. Pumasok na ko sa class ko dahil baka ma late pa ko.

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon