Tricia
Election day!! Kabado dahil future ng lahat ito.
" Tara na, Patty. " Nasa Naga kaming lahat. Si Zy at Jill ay nakaboto na nung nakaraan pa dahil sa New York sila bumoto.
" Sama ka? " Kanina ko pa inaasar si Zy dahil hindi nga pwede sumama ang hindi boboto.
" Tita, si Tricia oh!! " Kanina pa rin nakulo ang dugo niya sa'kin.
" Parang mga bata. Dali na. " Nagmamadali si Ate dahil medyo mahaba na rin ang pila.
" Bye mahal. " I kissed her cheeks pero dumiretso lang siya kila Nathalia
" Nathalia, Afo, do you want to go to the park? Let's go! " Sinabi ni Ate Gaile na sumabay na sila samin. Nasa bintana ako at siya sa kabila. Nasa gitna namin ang mga bata. Kasama rin namin si Rocco para makapag morning walk ang anak namin.
" Cute naman nung apat na bata sa likod. " Ate Gaile teased us.
" Naka simangot pa yung isa oh. " Ate Aiks said, referring to Zy.
" Puro ka kasi asar, Tricia. " Pikon kasi tong girlfriend ko. Well, ako rin naman.
" Mahal? " Bumaba na sila dahil bibili muna sila sa 711 ng ice cream nung dalawa. Kami lang ni Zy ang naiwan dito.
" Hmm? " I checked my Flo app sa phone ko and girl... She's on her period.
" Sorry na. Do you want something? Mcdo? Ice cream? " Mentioning her favorites can make her feel better.
" Uwi ka agad ha. " Ayon! Mamimiss naman pala ako.
" Mahal, saglit lang naman yon, hmm. " Sana nga saglit lang.
" Igagala ko lang sila tapos uuwi na kami. Aalis sila tita para rin bumoto. " Naglalambing to hindi lang pinapahalata.
" Dadaan kami ng mcdo para bilhan ka ng food. " Yan ang gusto ni Zy, mcdo. Comfort food niya yon. Tinext ko si Jill na ihanda ang hot compress ni Zy.
" I love you. " She cuddle me and we stay like that hanggang sa maka balik sila.
" Respeto naman oh. " Bungad samin ni Ate.
" Cuddle kami with respect. " Sagot naman sakaniya ni Zy at nabato niya to ng tissue.
" Napaka pilosopo talaga. " Si Zy ang magaling mamikon na pikunin. Ibinaba namin sila sa park at nag paalam sakanila.
" Sana walang masyadong tao. " Which is iba ang nadatnan namin. Well hindi naman yung as in siksikan.
" La, dito na ho kayo. " May dalawang matanda na kakarating lang kaya binigay na namin ang upuan namin. Ilang minuto lang ay kami na ang boboto. May mga camera na naka tutok samin. Ipapakain na namin ang balota sa VCM.
BINABASA MO ANG
A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )
FanfictionA extended and continuation version of my doctor's love tiktok story. GxG