26

418 26 6
                                    

Tricia

Hindi pwedeng mapurnada yung plano ko na umamin sakaniya sa harap ni papa, kaya sinabi ko na bigyan niya muna ako ng oras. Umiyak siya after niyang umamin dahil parang nabunutan daw siya ng tinik. 

" Kumain kana ba? " Nasa Villa kami pero may villa raw siya kaya don siya matutulog.

" Not yet. " Itong babae na to napaka pasaway,

" Dumiretso ka rito? " She nod. 

" Bukas na raw kasi ang uwi mo pa manila. " Mas lalo atang lumamig sa Villa dahil may kausap akong cold. I sat beside her sa bed ko at hinawakan ang kamay niya.

" Okay ka lang? " Ayokong makita siyang hindi okay, pero pang hahawakan ko ang promise ko kay mama, na sa harap ni papa ko sasabihin sakanya ang totoong nararamdaman ko sakaniya. 

" Ayos lang, mahal. " To be called mahal by her. 

" Kain tayo. " I grabbed her hand at lumabas ng Villa. 

" Gutom ka na ba? " Tumatakbo kami ngayon dahil baka masaraduhan kami ng restaurant.

" Sobra. " Tas umiyak pa siya kanina. Ilang minuto lang ay nasa restaurant na kami. Kami nalang ang tao dahil nga malapit na sila magsarado.

" Anong oras ang uwi mo? " Umorder na kami at naka kuha na ng upuan.

" Umaga sana. Ikaw? " Gusto ko sana na sabay na kami umuwi. 

" Gabi na siguro. Ngayon ang alis nila pa Naga, diba? " Siguro ay nasa byahe na yon.

" Oo, sabay na tayo umuwi. " Ayokong umuwi na di siya kasama.

" Diretso na tayo sa Naga. " I nod and dumating na ang pagkain namin. Nag kwentuhan kami ng nangyari samin nung mga araw na hindi niya ako nirereplyan. Binigay niya pala kay Jill ang phone niya dahil sa sinend niyang risky text.

" Mag pahinga ka ha. " Alam ko namang pagod siya. Buong araw na flight tapos ilang oras pa na byahe papunta rito para lang sundan ako. 

" Kasama ko na ang pahinga ko " Tinatago ko ang ngiti ko dahil baka makita niya. Pahinga ako ng pahinga ko. 

" Corny mo! " Lumabas na kami ng restaurant after mag bayad. 

" Kinilig ka naman. " Tumakbo siya dahil alam niyang hahabulin ko siya sa sinabi niya. Nag habulan kami sa dalampasigan at nahuli ko siya. I hugged her from behind and she rest her head on me.

" Can we stay like this forever? " She asked.

" I can't do promises, but we will, hanggang sa kaya natin. " A smile formed on her face. The Prettiest girl I've ever seen.

" Pahinga na tayo. " Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa Villa. Yung tabing Villa lang kasi ang kanya kaya malapit lang.

Kinanukasan ay maaga akong nagising para kulitin siya.

" Zy! " Binigay niya ang spare key niya sa'kin in case raw na kailanganin ko siya.

" Dokie, ang aga pa. " Tumalon ako pa higa sa kama niya at pinagmasdan ang mukha niya. 

" Pag ako natunaw sa tingin mo. " Dinilat niya ang mata niya at pinitik ang noo ko.

" Aray! " We both laugh at nag takbuhan sa villa.

" Napaka pasaway mo talaga! " Nag habulan lang kami hanggang sa mapagod. 

" Breakfast na tayo. " Pinag hilamos ko muna siya bago kami umalis para kumain. 

" What do you want to do? " Holding hands while walking pa kami. 

" Spend time with you. " She answered. 

" Bili tayo pasalubong for them? " She agreed and nakarating na kami sa breakfast area.

" Ikaw na muna ang kumuha. " She handed me a plate at umupo sa lamesa namin. After kong kumuha ay siya naman ang kumuha.

" Ang ganda ng view. " Alfresco ang napili naming pwesto para presko.

" Sobra. " I turn my head at sa'kin siya naka tingin. 

" Bolera. " Nag usap lang kami about sa kanya kanyang buhay at natapos na kumain. 

" Can we grab a coffee? " Nakaligo na kami at papunta na sa bilihan ng pasalubong. Masyado pang maaga pero mas okay dahil mas madaming stock.

" Sure. " Pina-iwan niya sa driver ang kotse kagabi at sinabihang sumabay kila Kath dahil kagabi naan ang alis nila pauwi.

" Nag paalam ka ba kila tita na sa Naga na tayo susunod? " I nod. Hindi naman pwedeng mag stay ako nang hindi nakakapag paalam kay mama. Baka magunaw ang mundo non.

" Baka habulin ako ng itak ni tita. " Takot siya kay mama so much..

" Si papa raw bibisitahin ka sa dream mo. " I expect her na matakot pero...

" Edi good! Mag papaalam akong mahalin ang Favorite daughter niya. " Gumaganon siya. 

" Sumbong talaga kita kay papa pag dating natin ng Naga. " Baka kasi dumiretso kami sa Himlayan ni Papa dahil di na 'ko makapag hintay. 

" Drive thru nalang tayo. " Niliko niya sa drive thru ang kotse at shit!! Ang hot!! Pinag pawisan ako so much. Ngayon ko lang siya nakitang mag drive at parang ayoko na bumaba.  Siya na rin daw mag drive papuntang Naga dahil gentlewoman daw siya.

" Hapon na kaya tayo umalis? Miss ko na sila. " 

" Gusto mo after natin sa pasalubong center? " I nod and umorder na siya ng coffee. Iced coffee for her and hot for me.

" Miss na miss mo na rin si Rooco, no? " Sinama raw kasi nila Jill si Rocco sa Naga dahil laha sila ay umuwi.

" Miss na miss ko na ang anak ko. " Ilang days ko na rin di nakikita yon. 4 days na rin. 

" Sa susunod na punta natin, akyatin natin yung Kamay ni Hesus. " She said.

" Mag simula kana mag exercise para di ka hingalin agad. " Na kwento kasi ni Jill na hinihingal agad to sa mga hiking.

" Sama ako sainyo mag Gym. " Wag! Mang hihina ako so much. 

" Kung saan ka masaya. " 

" Sayo ako Masaya. " 

" Ewan ko sa'yo. " Pero deep inside ay kinikilig. 

" Dumiretso kami sa bilihan ng mga pasalubong para makarami kami. 

Kumuha siya ng basket at siya na raw ang mag bubuhat. 

" Kuha ka na ng pwede mong ipasalubong kay Myka. " Kukunin ko sana yung basket kaso ayaw naman bigay sa'kin.

" Wag na. Lagi namang wala yon. " Simula raw nung umuwi siya ay hindi na sila nag kita na gising. Nakita kong nag iba ang mood niya habang kinukwento yon.

" What's wrong? " I held her hand at humarap sakanya nang maayos.

" What if may nangyayari na? " 






______________________________________________________

Thank you sa 6.5K reads! a little gift para sainyo. 

https://open.spotify.com/playlist/6kTvU8lrDzOxsW6Z1Fo0Ou?si=95681bcb5ea34db2

Just paste this on your web or just search A Doctor's Love.

A Doctor's Love ( Zy x Doc. Tricia )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon