6

3K 31 4
                                    

Rose

"Aalis na ako ha, text niyo lang ako kung may kailangan pa kayo." nagsi-tanguan naman ang dalawang bunso bago ako umalis.


Pag-labas ko ay nakita ko na agad ang sasakyan ni Ivangelo kaya agad na akong sumakay doon. Nag-yaya kasi siya kaninang lunch, kung free raw ako. Hang-out lang daw.

"Hi." greet ko sa kanya pag-pasok ko ng sasakyan, ngumiti naman siya agad at hinalikan ako sa labi bago ako mag-seatbelt. Hmmp, malandi.

"Hey, you look extra pretty today." umirap lang ako sa kanya, sus kakasakay ko lang landi agad.

"Saan pala tayo pupunta?" lumingon naman ako sa kanya habang nag-aantay ng sagot niya.

"BGC, the weather's nice today so maybe we can go for a walk?" tumango naman ako, tama siya at maganda ang panahon ngayong araw. Medyo mahangin kaya malamig.

"Okay, pero kakain tayo after ah?" tumawa naman siya at tumango. "Of course, ayokong nagugutom ang asawa ko." kumindat pa siya sakin pag-sabi niya noon kaya nahampas ko siya ng mahina. Para na akong maiihi dito sa kilig ano ba!

Dumating kami sa BGC ng medyo mabilis kahit mas malayo iyon sa amin, sabagay naka-sports car kasi ang boss ko.

Naka-itim na dress ako na fitted tsaka sneakers, siya naman polo na bukas ang tatlong buttons at pants. Parang magp-photoshoot lang eh.

"Let's go." sabi niya at hinawakan ang kamay ko, nanlaki naman ang mata ko at tinignan ang mga kamay namin. Ngayon lang kami mag-hholding hands!

Panay picture ako habang nag-lalakad kami, wala, ang ganda kasi ng paligid lalo na at gabi. Maraming ilaw, pinicturan ko rin ang silhouette namin. Pang-IG ko rin ito pero syempre hindi alam ni Ivan iyon.

Naputol ang kangi-ngiti ko nang hapitin ni Ivan ang bewang ko habang nag-lalakad kami, ang init naman ng kamay ng lalaking ito.

"Hmm? Bakit?" tanong ko sakanya, "Nothing, it's just that there's a tons of guys staring at you. Specifically at your body, Love. You're too stunning." nangiti naman ako at kinurot ang tagliran niya.

"OA mo naman, baka ikaw ang tinitignan? Ang gwapo mo kasi." pinisil naman niya ang bewang ko after ko sabihin iyon.

Mga 30 minutes siguro kami nag-lakad bago siya nag-yaya na kumain na. Sa isang steakhouse kami napunta at grabe parang sweldo ko na ang pagkain?!

Buti na lang at hindi ako ang magbabayad!

Nag-picture muna ako ng lugar bago dumating ang pagkain, ang ganda kasi ng place. Halatang sweldo ang price ng pagkain.

"Where do you want to go after?" tanong niya habang kumakain, nilunok ko muna ang nginunguya ko bago ako sumagot. "Kahit saan, may gusto ka pa ba na puntahan?" ngumiti naman siya bigla, "Anywhere, with you." umirap naman ako.

Kung mabubulunan ako, siya ang may kasalanan.

......

Nasa grocery kami napadpad after dinner, sa bahay na lang niya kami at manonood ng movie. Bibili lang daw siya ng stocks dahil tuwing pupunta ako ay halos ubos na ang laman ng ref niya.

"Bakit parang ako na ang nag-grocery? Pagkain mo ito eh, hindi ko naman alam lahat ng gusto mo." tulak niya ang cart at ako naman ang naglalagay ng kung ano na sa tingin ko wala siya at kailangan niya.

"Well, I like this." bulong niya at pinisil ang pwet ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa lang siya ng mahina, "I can eat anything, Love. Kaso ikaw ang favorite ko eh, paano iyon?" pang-aasar pa niya kaya kinurot ko na siya sa tagliran sa kulit niya.

Knight In Suit: Miranda Sisters #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon