10

2.1K 26 6
                                    

Rose

"Ate, bakit ka umiiyak kagabi? May nangyari ba?" agad na tanong sa akin ni Yasmin nang magising ako, hindi ako pumasok ngayon. Nag-sick leave ako. Hindi ko kayang makita ang pag-mumukha ng Boss ko.

Bumuntong-hininga ako, "Wala, wala iyon, Yasmin. Wala ka bang pasok?" hindi ito sumagot at seryosong tumitig sa akin. Napabuntong hininga na naman ako, ganyan siya lagi tuwing nagsisinungaling ako. Parang siya ang nagiging panganay.

"Ginago ako eh." maikling sabi ko, nanumbalik agad ang sakit sa dibdib ko. Hindi na sabi ako iiyak! Tama na ang iniyak ko sa hayop na iyon. Wala siyang kwenta!

"Nino?!" mataas na boses na sagot ni Yasmin, "Boss ko." there's no use in lying, kapatid ko siya at ayoko rin naman na magsinungaling sila sa akin at ganon din ako sa kanila.

"Sabi na eh, siya ang kasama mo lagi. Ano ang ginawa saiyo ng lalaki na iyon?" naiyak na naman ako at doon na ako niyakap ni Yasmin.

Humagulgol lang ako sa kanya habang pinabayaan niya akong ilabas ang lahat. Nang kumalma ako nang konti at kinwento ko na ang lahat sa kanya, maliban sa mga nangyayari sa amin.

"Gago pala iyon eh! Huwag siyang magpapakita sa akin dahil baka sumampal sa mukha niya iyong malaking vase natin."

Buong araw ay halos wala ako sa sarili ko, buti at hindi umalis si Yasmin ngayon at siya ang kasama ko buong araw.

"Ate, alam mo ang magandang bawi sa hayop na yan? Ipakita mo na wala lang saiyo, ibalik mo bigla sa pagiging boss ang trato sa kanya. Huwag mo ipahalata na affected ka, Ate. Ganyan ang gusto nang mga iyan, iyong magmamakaawa sa kanila na piliin sila." tumango naman ako kay Yasmin, ganoon talaga ang balak ko. Kahit na damdamin ko tuwing hindi ko siya kaharap, basta ang ipakikita ko sa kanya ay wala akong pake sa katulad niyang basura.

At ayoko rin na guluhin pa ang buhay ni Naomi, kahit na gusto ko sabihin sa kanya ay hindi ko gagawin dahil ang nakasalalay ay ang kompanya kung saan ako nagttrabaho. Kung mayaman lang siguro ako ay nagresign na ako, pero hindi kaya sisikmurain ko na lahat ng sakit. Ang mahalaga ay maitaguyod ko ang buhay naming magkakapatid.

Kinabukasan ay pumasok na ako sa opisina, todo practice pa ako ng facial expressions ko para kunyari ay wala akong nalaman at hindi ako affected.

Payapa akong nakapasok sa office ko, mukhang wala pa ang hayop ko na boss, sana ay huwag na siyang pumasok.

Kakaupo ko pa lang nang may tatlong employee agad na kumatok sa office, galing sa iba't-ibang department.

"Ma'am Rose, sorry ang aga po namin. Wala po kasi si Sir kahapon. Sobrang kailangan na po kasi namin ng approval niya dito sa mga contracts na ibibigay namin sa client, pati po sa paycheck ng employees." tumango lang ako sa kanila at kinuha ang nga hawak nilang file.

"Wait niyo lang until afternoon ha? Darating naman siguro si Sir ngayon, if not ako na ang bahala dito." ngumiti pa ako sa kanila tsaka sila nagpasalamat at umalis. Wala rin pala siya kahapon?

Ah, baka nag-aayos sila para sa gaganapin na party.

Chineck ko ang panibagong schedule niya for the whole week, wala pala dito ang engagement kaya nilagay ko na rin dahil may meeting dapat siya sa araw na iyon. Ipapabago ko na lang sa secretary ng ka-meeting dapat niya, for sure invited naman iyon.

Napahilot ako sa gilid ng ulo ko nang tumibok-tibok iyon, hay nako, una at huling iyak ko na sa lalaki! Lalo lang akong nasstress.

Pinrint ko ang bago niyang schedule at pumasok ako sa office niya para ilagay iyon sa table niya, sa ilalim ng glass mismo. Kinakabisa naman niya ang schedule niya.

Knight In Suit: Miranda Sisters #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon