Special Chapter

1.6K 28 4
                                    

Rose

11:17 AM

Rose:
Ivan
Galit ka ba sa akin?
Iba kasi yung halik mo kanina eh, mahal mo pa ba ako?
Hindi man lang tumagal ng isang minuto, Ivan.
May iba ka na ba?
Sabagay, sino ba naman ang magmamahal sa akin kung ganito ako.

Ivangelo:
Love?
Are you alright?
Silly, of course I love you, so much. Do you want me to go home now?
I can finish my work at home, Love. Just tell me and I'll do it.

Umirap ako sa hangin at hindi siya nireplyan, bahala siya dyan! Matagal na halik lang ang gusto ko hindi pa niya maibigay!

"Mommy, can I eat more lychee?" agad akong ngumiti sa cute na cute ko na baby girl na si Kaialyn. She's 3 years old now at ang kapatid niya ay nasa tyan ko na, oo, buntis na naman ako.

Halong-halo ang facial features namin ni Ivan kay Kaia, she's a very beautiful baby girl.

"Sure, honey. Come on, I'll prepare some for you." hindi ko na siya nabubuhat dahil medyo maselan ang pregnancy ko, we're having twins and I'm on my 5th month.

"Can the babies have too, my?" I shook my head while smiling, "They can't pa anak, once they come out and get a bit older you can eat lychee na with them." tumango naman siya at naupo sa baby chair niya, mana talaga sa ama. Matalino masyado, 3 pa lang siya pero parang gusto na maging independent.

Ang turo kasi sa akin ni Mommy, huwag i-baby talk ang anak. Mas okay daw na kausapin sila ng maayos, ng tama, kaysa yung mga bubol na words na pwede nilang hindi maiwan sa childhood nila. Tsaka gentle parenting ang ginagawa namin ni Ivan kaya mahaba ang pasensya ni Kaia.

Whenever she's frustrated I let her take it out and I ask her why she's frustrated, galing doon she can learn na kung paano gagawin if ever mangyari ulit iyon. Tuwing nagttrantrums siya ay hinahayaan namin ni Ivan, normal sa mga bata iyon dahil hindi pa nila alam ang emotions na nararamdaman nila so it's better to let them express themselves and talk to them after.

"Daddy's home!" sigaw bigla ni Kaia kaya napalingon ako sa entrance ng bahay, umuwi talaga siya?

"Hello my beautiful princess, give daddy a big hug." kumalong naman sa kaniya si Kaia habang ako ay inismiran lang siya. Nag-lakad siya palapit sa akin at sakto naman natapos na ako balatan at alisan ng buto ang lychee ni Kaia. Nilagay ko muna iyon sa pink niya na bowl bago ilapag sa table.

Nagkukumahog naman siya na bumaba mula sa kalong ni Ivan at naupo agad sa baby chair niya para kumain. "Thank you, my! Hmm, so sweet!" sabi nito at tuwang-tuwa na kumain. Nanggigil ako sa cuteness niya kaya pinugpog ko siya ng halik bago ako bumaling ng tingin sa tatay niya.

Ngumuso naman siya sa akin, nagpapacute na naman!

"How about a kiss from my wife?" umirap lang ako, naupo agad siya sa tabi ko at pinulupot ang kamay sa bewang ko.

"Ivan..." pagpipigil ko sa kaniya pero wala lamg iyon, "I thought you wanted me to go home, hmm? Why are you irritated with me, Love? Ako ba pinaglilihian mo?" natatawa niyang tanong. Malamang nga siya! Naiirita ako sa mukha niya these past few days eh, gusto ko katawan lang niya.

Mood swings ko lang ang text ko sa kaniya kanina, sure ako na walang iba ang asawa ko. Ako na nga minsan ang nagsasabi sa kaniya na mag-hangout kasama iyong business men na friends niya ayaw naman niya. He would rather stay here with us daw.

Knight In Suit: Miranda Sisters #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon