5

3.5K 25 4
                                    

Rose

Gabi na at kakahatid lang sa akin ni Ivangelo dito sa bahay, parang ayaw niya nga akong paalisin kanina pero sabi ko hindi pwede dahil may pasok at kailangan ako ng mga kapatid ko.

"Ate, kakaalis lang pala ni Ate Yasmin." tumango naman ako sa sinabi ni Azalea. Papasok na yon si Yasmin sa cafe na pinapasukan niya sa gabi.

"Yung mga homework niyo ni Daisy? Natapos niyo na? Wala ba kayong kailangan sa school?" tanong ko sa kanila habang inaayos ko ang mga damit namin na ipapalaundry ko bukas habang papunta ako sa opisina.

"Wala na, Ate. Tsaka meron pa kaming allowance yun ginagamit namin." tumango naman ako, "Basta sabihin niyo sa akin kung kailangan niyo pa." tumango lang siya bago bumalik sa pagcecellphone. Si Daisy malamang ay nasa kwarto niya at nanonood ng K-drama.

Habang inaayos ko ang mga damit ay bumaba naman si Violet, "Oh Ate, saan ka natulog kagabi?" tanong nito sa akin habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Ah, kila ano, kay Daryn. Magkasama kami kahapon eh. Nag-yaya siyang mag-night out." kumunot naman agad ang noo niya, "Huh? Eh bakit tumawag si Ate Daryn kagabi tinatanong kung nakauwi ka na?"

Ang tanga ko naman magsinungaling!

"Nako, lasing kasi iyon kagabi! Kung ano-ano na sinasabi, hayaan mo siya." sabi ko na lang at nilagay sa sala ang dalawang malaking bag na ipapalaundry ko bukas.

Mukhang naniwala naman si Violet at umakyat na ulit sa kwarto niya. Nakaligtas ako sa interrogation ah.

.....

Nilock ko na ang pintuan ng bahay pag-labas ko, nauunang umalis sa akin ang mga kapatid ko dahil may pasok din sila at ako ang natitira para magsara ng bahay.

Dala ko ang dalawang malaking bag at nag-lakad ako papunta sa may laundry sa kabilang street. Pagkatapos ko dalhin doon ay naglakad naman ako papunta sa may sakayan ng jeep para pumila. Grabe talaga dito, kahit anong aga mo, may pila lagi.

Bigla namang may tumigil na sasakyan sa gilid ng pila kaya napalingon ako, parang nakita ko na yung sasakyan na ito?

Biglang bumaba ang bintana at bumulaga sa akin ang gwapong mukha ng boss ko, hala bakit siya nandito?

"Hop in." sabi nito sa akin, agad naman akong naglakad at umalis sa pila. Wow sa wakas ginamit niya na ang ibang sasakyan niya ah.

"I was going to fetch you at your house, ang aga mo naman?" nakangiting sabi nito sa akin habang nag-mamaneho.

"Takot akong ma-late, baka bawasan mo sweldo ko eh." sabi ko at ngumuso.

"Sorry if I made you think that way, so do you want to get breakfast first?" tumango na lang ako sa kanya, hindi pa rin naman ako nag-aalmusal eh.

Tumigil kami sa isang restaurant sa Evia. Nag-park muna siya bago kami bumaba. Pag-baba ko ay tinignan niya ang suot ko na damit, ano baka papalitan na naman niya?

"Damn, you look beautiful." biglang sabi niya at nginitian ako, halos manlambot naman ang tuhod ko sa kilig. Ang aga-aga ha?!

Magkatabi kaming nag-lakad papunta sa entrance at pinauna niya ako bago siya pumasok.

Knight In Suit: Miranda Sisters #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon