1

5.9K 41 3
                                    

Rose

"Good morning, Kuya." nakangiti na bati ko sa guard dito sa floor ng boss ko, taray no may sariling guard?

Ngumiti naman si Kuya Guard at sumaludo sa akin, "Good morning, Ma'am! Nako nandyan na si Boss, parang masama ulit ang timpla." napangiwi naman ako, kailan ba hindi?

Dumiretso na ako sa opisina ko, bale sa floor na ito tatlong room lang ang meron. Ang opisina ni Sir Ivangelo, opisina ko, at meeting room ng mga executive.

Nag-mamadali akong nilapag ang gamit sa table ko, bakit ang aga naman kasi ni Sir? Hello 7:30 pa lang?!

Partida galing pa ng France iyon!

Sa connecting door ako dumaan, pagpasok ko ay nakaharap na siya agad sa laptop niya habang naka-kunot ang noo.

"Sir, good morning po." bati ko sa kanya sabay ngiti, tinignan niya muna ako bago mabilis na umiwas at tinanggal ang suot niyang salamin.

Napalunok naman ako, mukhang sermon ang almusal ko ngayon ah?

"I told you that you should always be here earlier than me, right?" tumango na lang ako, mamamatay talaga ako kung idedefend ko pa ang sarili ko.

"Then why the fuck were you late?!" napapikit na lang ako at yumuko.

Sa dalawang buwan ko dito, hindi ko alam kung akong klase ng mood swings meron ang boss ko. Noong una umiiyak pa ako sa sigaw niya pero medyo immune na ako dahil sa sobrang dalas.

Nanatili akong nakayuko at hindi sumasagot.

"Fucking make me my tea!" tumango ako agad at nagpunta sa kitchen area niya dito sa opisina.

Nakahinga ako ng maluwag pagpasok ko doon, hay shet, lasunin ko na kaya to!

Imbis na kape, tea ang iniinom ng boss ko. Sa pagkakaalam ko dahil sa Mommy niya, gumagawa ng iba't-ibang tea at gusto na iyon ang iniinom niya. In fairness naman kasi, masarap ang Tea!

Mabilis ko na dinala ang hot tea with honey ni Sir Ivangelo papasok sa opisina ulit niya. Tahimik ko iyong nilapag sa table niya at agad akong tumayo sa harap niya.

Hindi kasi ako pwede umalis unless sabihin niya, ang daming alam!

Habang pinapanood siyang inumin ang tsaa niya, hindi ko na naman mapigilan na magwapuhan sa kanya.

Gwapo talaga si Sir Ivangelo, mukha talaga siyang model or American actor. Matangkad rin siya malamang dahil may halo siya, German yata ang tatay ni Sir pero ang Mommy lang kasi niya ang kilala ko. Ang daming may crush sa kanya dito sa company kahit matulis ang mga sungay niya.

Napaiwas naman ako bigla ng tingin nang lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Leave." agad naman akong tumalikod para mag-lakad ulit papasok sa opisina ko. Hindi ko pwedeng ilock ang connecting door dahil bilin iyon ni Sir, ang nilolock ko lang ay ang main door ko.

Pag-upo ko ay agad akong nakahinga ng maluwag, na-email ko na kay Sir ang schedule niya today na medyo maluwag. Malamang dahil ang dami niyang tinapos na trabaho sa ibang bansa.

Knight In Suit: Miranda Sisters #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon