4

3.4K 26 1
                                    

Rose

Pag-gising ko ay halos hindi ako makagalaw, lalo na ang lower half ko. Sobrang sakit! Para akong nalaglag sa hagdan tapos nilaglagan ng pintuan.

Napadaing ako at tsaka ko lang narealize na wala pala ako sa sarili kong kwarto at agad kong sinilip ang tabi ko, wala na si Sir!

Ilang minuto akong nakatitig sa ceiling dahil hindi ako makagalaw talaga. Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok si Sir Ivangelo. Umiwas agad ako ng tingin at hiyang-hiya na tinabing ang kamay sa mukha ko. Hubad pa rin ako!

Binuksan niya saglit ang mga bintana ng konti para mas lumiwanag bago tumabi sa akin, "Does it hurt? I brought some pain killer here, you should drink one before you try to get up." sabi nito habang hinahawi ang mga buhok ko sa mukha na nagkalat.

Pu tangina ang aga-aga kinikilig ako sa boss ko, namumungay pa mga mata niya?! Baka bigla akong tumayo dito sa tuwa.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya pinilit ko na buhatin ang sarili ko paupo pasandal sa unan sa likod ko. Agad naman niya akong inalalayan at inabot sa akin ang tubig at painkiller.

"Do you want to take a bath or do you want to sleep again?" papaliguan niya ba ako? Parang gusto ko yata yon.

"M-maliligo na lang po ako, Sir." tumango naman siya at inalalayan akong tumayo, dahil babaeng pilipina ako, nagkumot pa rin ako para di makita ang katawan ko.

Sobrang hirap mag-lakad pero inaalalayan naman ako kaya nakarating kami ng medyo mabilis sa CR ni Sir dito sa kwarto niya. Wow may bathtub!

"K-kaya ko na po, Sir." nahihiya naman kasi ako, hindi naman ako baldado.

"You sure?" nakataas pa na kilay na tanong niya sa akin. Tumango naman ako agad.

"Alright, if you need me just call for me." tumango lang ako ulit at ngumiti bago siya naglakad palabas. Agad ko namang sinara ang pintuan.

Kahit sobrang sakit at hapdi ng pu ke ko at kumikirot ang balakang ko nakaligo naman ako ng maayos, sobrang kaamoy ko nga lang si Sir dahil ginamit ko ang body wash at shampoo niya. May towels sa ilalim ng sink niya at iyon ang ginamit ko, kaso wala pala akong damit! Nasaan ang damit ko kagabi?

Kahit hiyang-hiya na ako, lumabas ako ng nakatowel at nakita ko si Sir na inaayos ang kama niya na binayo-este binagyo kagabi.

Agad naman niya akong napansin at inalalayan akong mag-lakad, "Ah Sir, yung damit ko po pala kagabi? Wala po kasi akong ibang damit." mahinang sabi ko habang inaalalayan niya akong makaupo sa kama niya.

"Pina-laundry ko ang dress mo kagabi, you can use my clothes. Wait up I'll get the smallest size that I have." naglakad siya agad papunta sa walk-in closet niya at ilang minuto pa lumabas siya na may dalang ilang shirt at black na cycling.

"I haven't used this cycling shorts, I think it'll fit you. And these shirts, pinakamaliit ko na lahat. Pili ka na lang ng magugustuhan mo." inabot ni Sir sa akin ang mga damit bago naupo sa tabi ko.

Hala wala akong underwear? Hayaan mo na nga! At least may damit!

Maliit nga ang mga shirt at may tag pa, siguro regalo tapos mali ang size. Kinuha ko yung may size na small, sinong may tingin na small si Sir eh ang tangkad at mamuscles siya?!

Knight In Suit: Miranda Sisters #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon