8

2.4K 22 2
                                    

Rose

Ngayon ang uwi ni Ivan, halos wala ngang 3 days at pauwi na siya ngayon. Parang madaling-madali. Miss niya na siguro ako?

Bilang isang mabuting secretary, tinapos ko na lahat na dapat trabaho niya ngayong araw maliban sa mga dapat niyang pirmahan dahil obviously bawal ko gawin iyon.

Sabi niya sa akin kanina ay mag-antay lang daw ako ng 2 hours galing doon sa tinigilan nila at dito raw ang diretso niya, hindi man lang uuwi muna.

Inaayos ko ang mga papeles sa table ni Ivan nang may magbukas bigla ng pintuan, nanlaki ang mata ko nang makita si Ma'am Melanie, siya ang Mommy ni Ivan.

"Ma'am Melanie, good morning po." bati ko agad sa kanya at umayos ako ng tayo.

Ngumiti naman siya agad sa akin, sobrang bait ni Ma'am Melanie, hindi siya matapobre o kung ano man. Hindi mana sa kanya si Ivan pagdating sa kasungitan.

"Hello, Rose. Wala pa si Ivangelo ano? Dito na lang kami maghihintay." Mahinhin na sabi nito, agad naman na napunta ang tingin ko sa katabi niyang babae.

Sino kaya iyon? Maganda siya sobra, maputi at parang may ibang lahi rin. Matangkad siya, mas matangkad sa akin at sexy. Baka kaibigan ni Ma'am or pinsan ni Ivan?

"Ah, sige po. May gusto po ba kayo?" Naupo sila sa couch at ako naman ay nakatayo sa gilid nila.

"None, ija. Kakakain lang din kasi namin ni Naomi." tumango na lang ako at pinagmasdan muli ang babae. Ang ganda niya kaso parang masungit? Tinapunan lang ako ng tingin tapos nagcellphone na ulit.

Lumabas na ako ng office ni Sir at nilock ang connecting door. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ko.

"Come in!" Sigaw ko naman para marinig ako sa labas.

Nagliwanag naman ang paningin ko nang sumilip ang gwapong mukha ni Ivan, mukha siyang kulang sa tulog pero sobrang gwapo pa rin.

Agad siyang pumasok sa office ko at sinara ang pintuan bago ako lapitan at halikan, "I missed you, Love." bulong nito sa pagitan ng halik namin. Ngumiti naman ako, "I missed you too." bulong ko din.

Isasandal na sana niya ako sa table ko at hahalikan ulit pero pinigilan ko siya, "Wait, bago yan. Nasa loob ang Mommy mo and also may bisita siyang kasama. Naomi ang pangalan."

Bigla naman siyang napatuwid ng tayo at inalalayan akong makatayo ng maayos, huminga siya ng malalim bago ngumiti sa akin. "Alright, just stay here okay? May paguusapan lang kami ni Mom." ngumiti naman ako at humabol pa siya ng isang halik bago lumabas.

Gaya ng sinabi niya, nagstay lang ako sa office ko. Mukhang marami silang pinag-uusapan dahil nasa tatlong oras na yata sila sa loob.

Past lunch time na at nakaramdam ako ng gutom, nagpadeliver na lang ako ng pagkain dahil tinatamad akong pumunta sa cafeteria sa baba.

Pag-labas ko para kunin ang pagkain ay kasabay na bumukas ang pintuan ng office ni Sir, lumabas silang tatlo.

"Bye, Mom. I'll visit you soon." rinig ko na sabi ni Sir at humalik sa pisngi ni Ma'am Melanie.

Nakita ko naman iyong Naomi na yumakap kay Ivan at humalik sa pisngi nito, "Bye, Ivangelo. I'll be visiting you here, yeah?" nakita kong ngumiti lang si Sir ng konti at tumango.

Sakto naman ay nakatingin ako sa kanila nang humarap sila Ma'am sa akin, "Oh, Rose. Ngayon ka lang ba mag-llunch?" tanong sa akin ni Ma'am Melanie at tumango naman ako bago ngumiti.

"Kinda late na ha, una na pala kami ni Naomi. You'll be seeing her more often here na rin." Nakangiti na sabi ni Ma'am, "Sige po, ingat po kayo Ma'am Melanie and Ma'am Naomi." Ngumiti pa ako sa kanilang dalawa. Pinauna ko na sila sa elevator at tinext ko ang rider na paiwan na lang sa lobby ang pagkain.

Knight In Suit: Miranda Sisters #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon