TPP#5

88 3 0
                                    

CHAPTER 05

_

"Kaia may assignment kaba sa Literature?"

Nahinto ako sa pagkakatulala ng lapitan ako ng classmate kong si Lisa. Nang tignan ko siya'y mukha pa itong nahihiya sa akin at patagong kinukurot ang sarili.

"Meron, bakit?" Sagot ko.

"Hihiramin ko sana. Hindi ko kasi nasagutan yung ibang question kasi nakatulog na ako kagabi hehe." Tumango-tango lang ako tsaka kinuha sa bag ko ang notebook at binigay sa kaniya.

Masipag si Lisa kaya siya ang presidente ng room namin kaya ayos lang naman sa akin na pakopiyahin siya.

Ngumiti siya sa akin ng matanggap ang notebook ko. "Salamat, ibabalik kodin mamaya." Tipid ko lang siyang nginitian at muli ng dumukmok sa lamesa.

Nakakaburyong talaga sa classroom kapag wala kang classmate na maituturing  na kaibigan. Porke panget talaga sa paningin nila'y nilalayuan talaga nila pero ayos lang iyon dahil duon naman talaga makikita ang tunay sa hindi.

But what if i didn't pretend my identity? Pag hindi ba ako nagdisguise, hindi din ba nila ako lalayuan?

"Miss. Poiland."

'Of course hindi! Malalaman nilang mayaman ka kaya ka nila lalapitan.' Sagot ng utak ko.

"Miss. Poiland are you listening?"

Kung sabagay tama naman ang utak ko. Baka maulit lang din ang nangyari noon sa dati kong pinapasukan sa Amerika.

"Kaia Poiland!"

Bigla akong napatayo at gulat na tinignan ang Teacher sa harapan. Seryoso akong tinignan ni Sir. Chris na siyang sumigaw sa pangalan ko.

'Sir galit kaba? Sorry na, bati na tayo.' Malanding sabi ng utak ko. Napakagat labi na lang ako dahil sa kalandiang umiiral. Bet ko lang talaga si Sir. Chris kasi matcho.

Basta matcho, masherep yen.

"You're spacing out, Miss. Poiland. May problema kaba?" Tanong ni Sir. Nahihiyang umiling ako sa kaniya.

"W-Wala Sir. pasyensya napo."

Sumenyas siya na maupo na ako kaya agad ko iyong ginawa. Masyado na palang napatagal ang pagkakatulala ko't hindi kona namalayan na may teacher na kami.

Pinagpatuloy ni Sir. Chris ang pagtuturo at pagkatapos ay nagpa Quiz. Buti na lang at nag advance study ako noong summer kaya kahit papaano ay may naisagot ako.

Kasalukuyan akong nagliligpit ng aking mga gamit ng aksidente kong marinig ang pinag uusapan ng mga clasamate ko. Ilang upuan lang ang layo nila sa pwesto ko kaya medyo naririnig ko sila.

"Nakakatawa talaga yung itsura niya kaganina. Mukha siyang tanga." -G1

"Sisikat nanaman ang itsura niya sa GP ng school. Siya nanaman ang topic neto the whole week." -G2

"Ang galing mong kumuha ng litrado, Bea. Gagawing memes yan mamaya." -G1

"I know right." -G3

Napailing na lang ako at agad na tumungo sa cafeteria. Bawat pasilyo ng lugar ay puno ng mga dalaga't binata na mga nakatambay. Lunch time na kasi kaya nagsilabasan na sila.

Pansin ko lang. Parang good mood ata lahat ng mga nakakasalubong ko sa hallway?

Kung hindi naman kasi mga nakangiti eh mga nakatawa naman sila. Ano kayang meron?

"Psst pre diba siya iyon." Rinig kong tanong ng lalaki sa katabi niya na nag cecellphone. Nangunot ang noo ko dahil sa akin nakaturo ang mga daliri niya.

The Possesive President [CS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon