CHAPTER 7
_
Isang araw na ang nakakalipas ng mangyari iyong gulo at heto ako't nagmumukmok sa table ko. Bangag na bangag dahil wala pa akong naitutulog.
Dahil sa nangyari nuong isang araw ay napatawan kami ng parusa kay Mrs. Dela Cruz. Si Jaz at Lisa ay parehas na hindi pinapasok ng isang Linggo habang ako naman ay binigyan ng isang napakahirap na gawain.
Pinag lilinis nanaman ako ng isang buong department at ang malala pa e sa building pa ng mga sinior kung saan naglulungga ang masungit na ulap nayun!
Sila Lisa at Jaz tamang grounded lang sa bahay nila tapos ako paglilinisin ng building. Ako na nga yung nagmagandang loob na magpakopiya ako pa yung napatawan ng mabigat na gawain.
"Sana pala ako na lang sumapak dun." Bulong ko sa kawalan. Inis na nag angat ako ng tingin sa mga pinag gamitan ko.
Walang katao-tao sa buong building dahil nasa gymnasium ang lahat. Ako lang ang tanging nagmumukmok at nakikiramay sa sarili ko.
Inis na ginulo ko ang buhok ko.
"Hays! Nakakainis! Natutulog naman ako ng mahimbing nung nagpaagaw ng kamalasan ha?! Bat ganito huhu." I stamp my feet many times and the sound of it echoed. Sa sobrang laki at lawak ng Engineering department. One half pa lang ng sahig ang napupunasan ko'y pagod nako.
Ganon kalawak ang department bila Sky.
And speaking of Sky... Mahigit apat na araw kona siyang hindi nakikita. Simula ng mag walk out siya'y hindi na kami muling nagkita. Nasaang lupalop na kaya yun?
"Focus on what you're doing and stop daydreaming Ms. Poiland."
"Ayboboka!" Gulat na gulat akong lumingon sa kaniya. Habang hawak-hawak ang dib-dib kong marahas na bumababa't taas kasabay ng marahas kong pag hinga.
Putrages dito ata ako mamamatay ng maaga e!
"What?" Naguguluhang tanong niya.
"W-Wala!" Haeop ka! Muntik nakong mamatay ng dahil sayo.
"Tsk! Weirdo." He whisper but i still heard it clearly. Agad kong pinulot ang mop at nag simula ng maglinis ulit. Sinadiya kong punasan ang sapatos niya dahil siya ang dumi na gusto kong alisin.
"W-What the fuck? Hey!"
"Manahimik ka Sky tinatanggal ko yung dumi." Mas diniinan kopa yung mop sa sapatos niya pero imbis na malinis yun e nagasgasan kopa ata.
Parehas kaming nanigas sa mga kinatatayuan namin. Bakat na bakat yung kulay itim na gasgas sa sapatos niyang puti.
P-Patay!
"Fuck! My favorite shoes!" This time galit na galit na talaga siya. Lumuhod siya para matignan ng maayos ang ginawa ko.
"S-Sky, sorry! H-Hindi ko naman sinasadiy–"
"Shut up!" Sigaw niya na kinatahimik ko. Tinitigan niya ako na punong-puno ng galit pero maya-maya rin ay kumalma na rin siya.
"Sorry, hindi dapat kita sinigawan ng ganon." Now his calm. Hindi ako nakapag salita dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
The Possesive President [CS #1]
Romance"I won't let you leave again." - Zivion Cornelion. ________ Kaia is in danger that's why she need to hide her real identity. Umuwi siya ng pinas at nag transfer sa Casa Del Mundo University para maipagpatuloy ng ligtas ang kanyang pag aaral. Ang la...