CHAPTER 8
_
Simula noong napalitan si Skylar sa kaniyang puwesto ay mas dumami ang bumu-bully sa akin. Kung saan-saan kumakalat ang picture ko na edited lang naman at ngayon kumakalat naman ang nangyari kay Queen at Sky.
Kalat na kalat sa buong University na nakipag hiwalay si Skylar kay Queen dahil sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nadamay sa break up nila pero alam ko sa sarili ko na wala akong kinalaman doon.
They even say that i used a gayuma. Paano naman ako magkakaroon ng ganon e hindi ko nga alam ang totoong itsura n'yon!
Hayst.. people now a days is so judgemental. Nakaka-disapoint lang dahil imbis na itigil at baguhin ay parang in-adapt na nila sa mga sarili nila 'yon.
They think it is normal, but to be honest it's not!
"Lady Kaia, pinapatawag po kayo ng Daddy n'yo sa library." Bahagya kong nilingon ang katulong at tsaka tumango. "Pinapasabi niya din pong magmadali kayo dahil emergency." Pahabol nito.
I let out a deep breath and started to walk. Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng magkaharap kami ni Zivion hindi malabo na nalaman ito agad ni Daddy.
Sino pa bang maglalakas loob na magsumbong? E'di ang Tito ko. Siya lang naman ang Principal sa school namin e.
Kapag may pagbabago sa school, irereport niya kay Daddy.E'di sana si Daddy na lang ang nag Principal kung ganun.
*Knock! Knock!*
Kumatok muna ako ng dalawang beses bago tuluyang buksan ang pinto. Nang makapasok nakita ko si Daddy na tinititigan ang malaking family picture namin.
"Dad? Is there somethings wrong?" I asked. Lumapit ako sa kaniya at tinabihan. Nilingon niya ako saglit tapos ay binalik ulit ang tingin sa malaking litrato.
Walang boses ang lumabas sa bibig ni Daddy. He just stared at the picture kaya ginaya ko na lang din siya at tinitigan din ang family picture namin.
Sa Picture nakaupo kami ni Kuya Kaio sa harapan at nakatayo naman sa likuran namin sila Mommy at Daddy. Bata pa kami ni Kuya doon i think around 8 or 10 years old?
"We look so happy there." He whisper and i nod.
"You and your brother don't know that your Mother is pregnant that time." My eyes grew bigger because of the sudden revelation.
Tinignan kong maigi ang itsura ni Mommy sa picture at wala naman akong napansin na kakaiba. Kaya nabigla talaga ako ng sabihin ni Daddy na buntis si Mommy diyan sa picture.
"B-But where is... the baby?"
"She is with him now. Watching and guiding us." He said. Napayuko naman ako. She's dead? What happened? Madami akong tanong pero hindi ko mahanap ang boses ko.
Muli kaming binalot ng katamikan. Nagpapakiramdaman. Pero hindi rin nagtagal ay nagsalita muli si Dad.
"Four weeks pregnant pa lang ang Mommy mo d'yan sa picture. Sobrang ingat na ingat pa kaming dalawa diyan ng Mommy mo. Pero may mga pagkakataon talaga tayong hindi inaasahan na mangyari. Seven weeks pregnant na siya non ng magkaproblema sa matres niya na ikinasawi ng kapatid mo." Mahabang pagku-kwento ni Dad. "Sobra kaming nalungkot. We even created a plan kung paano pa namin kayo iso-surprise dahil magkakaroon na kayo ng bagong kapatid pero ayun ang nangyari. So we decided to keep it as a secret."
For the first time in my life. I saw how Daddy wipe his tears. Nakakalungkot naman talaga ang sinapit ng kapatid ko. Mararanasan ko sanang maging ate.
"It's been so many years and it still hurt. Ayokong maranasan ulit ang mawalan. Kaya sobrang pag-aaruga ang ginagawa namin ng Mommy mo para sa inyo." Bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Nagkatitigan kami.
BINABASA MO ANG
The Possesive President [CS #1]
Romance"I won't let you leave again." - Zivion Cornelion. ________ Kaia is in danger that's why she need to hide her real identity. Umuwi siya ng pinas at nag transfer sa Casa Del Mundo University para maipagpatuloy ng ligtas ang kanyang pag aaral. Ang la...