TPP#3

112 3 0
                                    

CHAPTER 03

Kaia POV.

~©~

Today is wednesday at pangatlong araw kona dito sa Casa Del Mundo University. Well pangatlong araw kona nga pala pero heto ako at nag ma-mop. Nililinis ang pesteng sahig nato!

Argh! Kasalanan to ng mokong nayun e at pati nadin ng mga haliparot niyang mga babae!

Bwisit! Bwisit! Bwisiittt!!

Nako! Ang sarap ingudngud yung mukha nila dito sa sahig e. Mas gaganahan pakong mag linis kung ganon.

Habang naglilinis may bigla na lang tumapak sa tiles na nililinisan ko at dahil madumi ang sapatos niya ayun! Naputikan yung tiles.

Grrrr!! Sa dinami rami ng pwedeng daanan bakit dito pa! Pero ang mas nagpadagdag ng inis ko ay hindi man lang siya nag sorry!

Ayun tuloy tuloy lang siya sa paglalakad na para bang wala siyang ginawa. Ang kapal ng mukha non ah!

"HOY!" Pagtawag ko dito. Hindi naman ito tumigil kaya hinabol kona siya. "HOY IKAW NA LALAKING NAKAPUTI! BUMALIK KA DITONG HINDOT KA!" Sigaw ko. Buti na lang at class hour ngayon kaya kami lang ang tao dito sa hallway.

Huminto naman siya sa paglalakad at kunot noong humarap sakin. Blangko lang ang ekspresyon siya.

"Ako ba?" Tanong niya. I roled my eyes.

"Malamang! Sino paba? May nakikita kabang ibang lalaking nakaputi dito ha? HA?!" Sigaw ko. Ang tanga niya kasi e syempre siya yung tinatawag ko e kami lang namang dalawa ang andito.

"Tsk." Aba!

Akmang tatalikod ito ulit sakin ng pigilan ko siya at pwersahang iniharap sakin. "Hindi pa tayo tapos mag usap--."

"What's wrong with you!?" Sigaw nito sakin. Halatang nauubusan na ito ng pasyensya sa akin.

Pero imbis na matakot ay nilabanan ko ang mga titig nito. Ha! Hindi ako natatakot sa kaniya no!

"Hoy! Di porket ang pogi pogi mo e makukuha mona ako sa palakad lakad mong yan ha!" Sigaw ko. Inis na hinagis ko sa kaniya yung mop na hawak ko. Nangunot naman ang noo nya.

"What the--."

"Pagod na pagod nako maglinis ng sahig kaya ikaw naman ang mag linis, tutal ikaw naman ang iisang taong nag dala ng putik diyan!" Walang preno prenong ani ko at mabilis na umalis. Akmang magsasalita pa siya pero nakalayo layo nako.

Akala mo ha! Ikaw ang maglinis niyan. Tse!

Masaya kong nilakbay ang daan patungo sa cafeteria namin. Excuse ako sa lahat ng morning class ko dahil nga sa punishment na ibinigay sakin.

Bwisit kasi na mga babae yon! Hindi ko nga type yung Mokong na crush nila tapos pagsasabihan pakong mang aagaw--Well pwede naman agawin hehe charot lang.

"I heard na bumalik na daw ang ibang member ng squad ni President Sky ha?"

Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng isang estudiyante. Squad? Anong Squad ang pinagsasabi ng babaeng ito eh SSG President nga iyong si Sungit e.

"Talaga?! Buo na ulet yung Royals, Yes! Makikita kona ulit si Light." Kinikilig na ani ng kaibigan nito. Yuck! Di bagay sakaniya yung kilig effect para kasing inatake ng epelepsi eh.

Pero Royals? Ano yun Coke?!

'Tanga magkaiba yon!' My Inner me said.

Napailing iling naman ako habang problemadong kinakamot ang ulo ko. Oo nga pala mag kaiba pala yung Coke at Royal.

The Possesive President [CS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon