TPP#10

129 1 1
                                    

CHAPTER 10

-

"Dapat pumayag ka na lang na ako ang sumundo sa 'yo at hindi si Manong Gabo. Ang tanda na ng tao pinapahirapan mo pa." Pamimilit ni Kuya sa gusto niyang mangyari.

Napaikot ako ng mata. Nako! Umagang-umaga at heto ako kumakain ng almusal habang nakikinig sa mga reklamo ni Kuya Kaio.

Paano ba e sa gusto niyang ihatid ako papasok ng school pero hindi ako pumayag. Ang dami niya pang dinahilan. Pero alam ko naman nag aalala lang siya sa kaligtasan ko kaya niya pinipilit.

"Alam mo Kuya. Gutom lang yan." Sumubo pa ako ng isang kutsarang kanin na may fried egg.

I eat heavey meal in morning while Kuya Kaio eat grass–i mean, Vegetables pala.

Sobrang strict kasi siya sa katawan niya. Mas preferred niya ang magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan. Samantalang ako handang kumain ng isang buong letchon para lang tumaba.

Hindi naman ako sobrang payat na onting galaw lang mababaklasan na agad ng braso. May laman pa din naman ako kahit papaano. Gusto ko lang talaga maranasan na lumobo. Yung tipong dalawa na ang baba at bilbil mo.

Kuya Kaio rolled his eyes.

"Alam mo. Balita ko hindi ka na daw tataba." Sinamaan ko siya ng tingin. Kapag hindi talaga ako tumaba. Siya na lang sana.

"Atlis hindi ko kailangan kumain ng gulay araw, araw. 'Di katulad ng isa diyan, KAMBING." Sinadya ko talagang diinan yung salitang 'Kambing' para madama niya.

Nakakunot ang kaniyang noo habang nanlalaki naman ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin. Tsaka niya tinuro ang sarili.

"Itong poging nilalang na 'to. Tatawagin mong kambing? Ha! Palit ka na ng mata men."

"Mommy, Daddy, di ba nakatira sa Farm yung goat?" Tanong ko na lang bigla sa mga magulang namin na kasabay din naming kumakain ng almusal.

They both nod.

"Yes, Princess. Why?" Takang tanong pa ni Daddy. Inosente ko silang tinignan at tinuro na lang si Kuya Kaio na nagtataka din sa itinanong ko.

"E  kasi Daddy may maingay na goat dito oh. Bakit andito tong goat nato?" Sabi ko sabay tawa.

"Ahh maingay na goat pala ha."

Mas mabilis pa kay flash niya akong inakbayan at sinakal gamit ang isang braso lang. Nagulat naman ako at hindi agad nakapalag sa ginawa niya.

"Ahhh! Daddy help!" Sigaw ko sa sobrang panic. Tuwang tuwa naman ang loko sa ginagawa niya sa akin.

"Sinong maingay na goat ngayon?" Sabi nito sabay halakhak ng malakas.

Kawawang-kawawa talaga ako kapag ganitong asaran na ang ginagawa ni Kuya sa akin. Lugi ako dahil mas malakas at matangkad siya kesa sa akin.

Kung pinanganak din sana akong lalaki edi sana binigwasan ko na itong si Kuya sa mukha.

"Kaio, let your sister go." Sita ni Daddy habang nangingiti din dahil sa nakikita niya. Medyo lumuwang naman ang pagkakakapit ng braso ni Kuya sa leeg ko kaya medyo nakahinga na ako ng maayos.

The Possesive President [CS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon