NAKAKAILANG pindot na si Devlin sa bell sa gilid ng gate kung saan siya nakatayo ay wala pa ring lumalabas.
When the plan about forming a football team was concrete, Devlin has a certain person on his mind. A player that caught his attention ng minsang mapanood niya ang laban nito. Nabasa niya sa newspaper ang tungkol kay Rome Allegre. A popular player when he was still in college. Ngunit hindi ang pagsikat nito ang nabasa niya sa dyaryo kundi ang aksidente.
Nagkaroon ito ng aksidente sa field. Kaya dumaan ito sa isang operasyon ay dahil sa natamong injury. Ayon pa sa nabasa niya ay successful naman iyon. But he isn't likely to play anymore. Naaalala niya ang sarili rito. But at least he had a great career bago pa siya maaksidente. But this Rome Allegre isn't even beginning to have a decent career in football.
Kaya nagdesisyon siya na puntahan ito sa bahay. Surely hindi isandaang porsiyento na talagang hindi na ito maglalaro ulit. At kung desidido man ito, desidido rin siya na kumbinsihin ito upang maging bahagi ng team niya.
Sa pagkakataong iyon ay nasilip na niya na may nagbukas ng pinto. Makalipas ang ilang sandali ay may nagbukas na ng gate. At tall young man. Pretty sure that it was Rome. Sinuyod nito ang kabuuan niya sa malamig na paraan. "Yes?" halos pasikmat na tanong nito.
"Rome Allegre?" sinuyod rin niya ang kabuuan nito sa seryosong paraan. He was tall, perhaps taller than him. Big too. His features were harsh though. His eyes bored with contempt and hatred na kahit siguro sa sarili niya'y hindi pa niya nakita o narinig mula sa iba.
"Oo. Bakit? If this is some sort of a fucking interview then I'm telling you to leave immediately before I—"
"Hindi ako reporter," putol niya rito. "Though gusto talaga kitang kausapin. I have a proposition to make."
"Hindi ako interesado," mabilis na tugon nito. Naging mas lalo pang malamig ang ekspresyon ni Rome.
"Siguro nga. Pero sigurado rin ako na magiging interesado ka kapag narinig mo ang mga sasabihin ko. I'm Devlin Mendoza, by the way," pakilala niya sa sarili. Hindi niya tinangkang ilahad ang palad. He won't take it lightly if would ignore his hand. Which he would probably do.
"Devlin Mendoza..." ulit nito sa pangalan niya na tila ba may naiisip. "Ah, kilala kita." Pinag-krus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib. "The retired player, right? Oh, I may have been so excited if this happened two years ago," came his insulting remark.
Sa kabila ng pag-alon ng dibdib ay pilit siyang nagpakahinahon. "At least you know me," mahinahong tugon ni Devlin. "Hindi mo ba ako papapasukin?" sa isip niya'y ipinapangakong saka na lamang ito pagbabayarin kapag bahagi na ng team na bubuuin niya.
"Sure," mabilis na pagsang-ayon ni Rome. He was wearing a smug expression as if really challenging him.
Devlin accepted the challenge.
BINABASA MO ANG
Assassins Book 12: Rome, Beside You Where I Used to Lay
RomanceFirst love never dies. Tila gustong maniwala ni Romano Allegre roon. Dahil ng bumalik ang tao na una niyang minahal at una ring dumurog sa kanyang puso ay pilit niyang pinangingibabaw ang galit subalit may mga damdamin pa rin na hindi maikakaila. Si...