"TOMI, saan ka na naman nakatingin? At kayo, Taki at Law, anong pinagbubulungan n'yo?"
Tumuwid ng tayo at tumingin sa unahan ang mga trainee na sinita ni Rome. Katatapos lamang ng drill nila para sa araw na ito. Siya na halos ang in-charge sa ensayo ng mga trainees. Hindi lamang kasi siya team captain. Siya rin ang acting assistant coach. Lalo na sa tuwing wala si Devlin.
May mga katulong siyang ibang staffs, pero mas gusto pa rin niyang siya ang namumuno. Sa ganoon ay makatitiyak siya na hindi lamang pabandying-bandying ang mga kabataan. Mahalaga na mahasa ang kakayahan ng mga ito bilang susunod sa mga yapak nilang mga main players sa kasalukuyan.
He cringed at the thought. Isipin pa lamang niya na hindi na siya yayapak sa field at maglalaro ay parang may mabigat na bagay na dumadagan sa dibdib niya. Pinalis niya ang isiping iyon. Dalawang araw siyang nawala. Sa halip na gugulin pa rin sa ensayo ang libreng araw ay mas pinili niyang magkulong sa bahay niya sa may San Juan sa Manila. Ginawa niya iyon para makaiwas kay Naty. Thank heavens at wala ito ngayon para sundan-sundan siya.
Nang mapansin niya ang smug na ekspresyon sa mukha ni Tobin ng sulyapan sina Taki at Law ay nagdugtong ang mga kilay niya.
"Anong nakakatawa, Tobin?"
Bigla itong sumeryoso. "Wala ho, captain."
Tintigan niya muna ito ng matagal bago siya nagpatuloy sa sermon niya sa mga ito. "Pinapaalalahanan ko lang ulit kayo na walang tatangging inumin ang mga vitamins na inirerekomenda ng nutritionist natin. Kung talagang willing kayo na manatiling bahagi ng team na ito ay sumunod kayo sa patakaran. Maliwanag?"
Isang chorus ng "yes, captain!" ang naging tugon ng lahat.
He was about to dismiss them ng marinig niya ang mahinang pagsipol na tiyak na nagmula sa isa sa mga nakahanay na trainee at reserved players. Naningkit ang kanyang mga mata. Napalipat-lipat ang matalim niyang titig sa lahat. Sa magkatabi na sila Jaco at Josiah huminto ang tingin niya. Hinihimas ng huli ang baba nito na tila ba may kaiga-igayang nakikita.
"Is that Daenerys Targaryen?" usal ni Josiah.
"Except that she's not blond," salo ni Jaco.
"You guys were watching that stuff?" tanong ni Lion kay Josiah at Jaco.
"If you know that stuff, then you must be watching it, too," matabang na tugon ni Josiah.
"Sino bang pinag-uusapan n'yo?" tanong ni Tobin na kaagad hinayon ng tingin ang tinitingnan ng mga kasama sa linya. "Oh... what a sight."
Nagdilim ng tuluyan ang mukha ni Rome. Nang mapansin iyon ng mga trainee ay nagsipagtuwid ng tayo ang mga ito. Bagaman nakatingin pa rin sa direksiyon kung saan siya nakatalikod. Naiinis na lumingon siya.
Sino ba ang posibleng tinitingnan ng mga ito para——
Literal na napigil niya ang paghinga. Kahit pagkurap ay hindi niya magawa. Nangangamba na baka mawala ang imahe ng babae na naglalakad patungo sa kanyang direksiyon. Ngunit habang palapit ng palapit sa kanya ang imahe ay may kung ano naman ang sumipa sa dibdib niya. Dahilan upang mabawi niya ang paghinga. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng hininga.
Nakatingin it okay Rome. At ng ilang hakbang na lamang ang layo nito ay inalayan siya nito ng isang malawak na ngiti. She stopped right in front of him. And he can't help but be succumbed to her angelic smile.
Na-stretch ng husto ang labi nito dahil sa lawak ng pagngiti, showing pearly-white teeth. Naging prominente rin ang cheekbones nito. And when she smiles like that, her eyes were almost gone. Ngunit sa kabila niyon ay nasisilip pa rin niya ang magagandang mga mata nito. Her dark green-hazel eyes na parati niyang ikinokompara noon sa isang holen.
BINABASA MO ANG
Assassins Book 12: Rome, Beside You Where I Used to Lay
RomanceFirst love never dies. Tila gustong maniwala ni Romano Allegre roon. Dahil ng bumalik ang tao na una niyang minahal at una ring dumurog sa kanyang puso ay pilit niyang pinangingibabaw ang galit subalit may mga damdamin pa rin na hindi maikakaila. Si...