Chapter Four

89 2 1
                                    

NAPUKAW si Rome mula sa pagkakatitig sa kisame dahil sa hangin na nagmumula sa nakabukas na glass panel door ng kwarto niya. Mula sa kisame ay bumaba ang paningin niya. Nagsasayaw ang puting kurtina sa glass panel door dahil sa ihip ng hangin. Manaka-naka niyang nasisilip ang malawak na lawn sa likod ng bahay.

Tuluyang siyang bumangon. Dumiretso siya sa bukas na dingding at hinawi ang kurtina. Tumambad sa kanya ang malawak na lawn. Ang hangganan niyon ay mga halaman na naka-landscape ng maayos. Mas higit na malawak ang bahaging likuran ng bahay kaysa sa harapan. Sinadya iyon ng daddy niya. Bata pa lamang kasi siya ay talagang hilig na niya ang soccer. At dahil supportive ang ama niya ay ganito ang naging estilo ng tahanan nila.

Ang kanyang kwarto ay nakaharap sa malawak na lawn. Ang silid lamang niya ang tanging ganoon: nakaharap sa lawn ang glass panel na dingding. Wala namang dapat na ipangamba dahil mataas ang bakod kaya't safe roon kahit iwan niyang bukas ang salaming dingding.

Instead of doing his normal routine ay mas pinili niyang maupo sa damuhan. Pangalawang araw na niya ngayon sa bahay. Kung noon ay halos hindi na siya umuuwi, ngayon ay mas gusto na niyang manatili rito kung hindi rin naman required na pumunta siya sa training camp. He's going crazy dahil hinahayaan niya na maapektuhan siya ng dalawang babae na wala namang halaga sa kanya.

Wala nga ba?

Ibinagsak niya ang sarili pahiga sa damuhan. Hindi pa siya handang makita si Serene. He didn't trust himself enough na kaya niya itong tratuhin ng sibilisado. Damn civility. Una sa lahat ay hindi dapat niya iyon iniisip dahil wala naman siyang pakialam sa iniisip ng ibang tao patungkol sa kanya. Ayaw lang talaga niya na makita ang dalaga. Bahagya na niyang nautusan ang sarili na isiping hindi niya nakilala si Serene. Nagtatagumpay na sana siya.

But she appeared out of nowhere. Threatening to take his sanity away.

Kahapon, sa buong araw ay hindi siya tinatantanan ni Serene. Hanggang sa ipipikit na lamang niya ang mga mata ay nakikita pa rin niya ito, sa mismong tabi niya. At ngayon...

Bumaling siya sa kanan para lamang makita si Serene, obviously ay hallucination lamang ito. Halusinasyon na malinaw at tila totoong-totoo. She was smiling at him, as if admiring his face. Nagsasayaw ang mga mata nito sa kaaliwan habang humahaplos ang mga iyon sa bawat sulok ng mukha niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Pinilit niya ang sarili na mag-relax. Na mag-isip ng ibang bagay. Ngunit hindi siya nagtatagumpay. Tungkol pa rin kay Serene ang namumutawi sa isip niya.

Makaraan ang ilang saglit ay unti-unti niyang idinilat ang mga mata. He groaned aloud ng makita na naroon pa rin si Serene sa harap niya. Nagkukumahog siya sa pagbangon. Pumasok siya sa loob ng kwarto at isinara ang glass panel na para bang makakapasok roon ang pinaniniwalaan niyang halusinasyon.

Nagmamadali siyang tumungo sa kusina. Nagtimpla siya ng kape na manaka-naka niyang iniinom habang nagluluto siya ng almusal. One of the few things na kinailangan niya ang tulong ng ibang tao para matutunan niya ay ang pagluluto. Natutunan niya kay Peter ang mga basics ng pagluluto. From then on ay nagawa na niyang mag-experiment sa sarili niyang paraan.

Maayos na sana ang lahat kung hindi lamang sa pag-upo niya ay heto na naman ang imahe ni Serene. Nakapatong ang siko nito sa mesa habang nakalapat ang baba nito sa ibabaw ng palad. Tila siya pinagmamasdan. And he was affected. Gusto na niyang itaob ang mesa sa labis na frustration. Ni hindi niya magawang kontrolin ang sariling imahinasyon. Humigpit ang mga daliri niya sa kubyertos. Nakailang hinga muna siya bago nakapagdesisyon kung ano ang best option.

Hindi siya tumingin sa direksiyon kung saan naroon ang imahe ni Serene. He finished his food in a record time. He stormed out of the kitchen and went to the living room. Basta na lamang siyang kumuha ng libro sa rack na naroon. Nang buklatin niya iyon ay saka lamang siya naging aware kung anong klaseng libro iyon.

Assassins Book 12: Rome, Beside You Where I Used to LayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon