"GOOD play, everyone!"
Nagliwanag ang mukha ng lahat habang nagsisipag-high-five sa isa't isa dahil sa sinabi ni Devlin, ang coach ng team. Kanya-kayang pulasan mula sa field patungo sa shade ang bawat manlalaro. Practice game nila ngayon. Hinati ni Devlin sa dalawang grupo ang mga trainee at reserved players gayundin ang mga main players.
As usual, nanalo ang team kung saan kabilang si Rome. But they almost lost it. Muntik na kasing hindi masagot ng isa sa mga trainee na ka-grupo niya ang bola na nagmula sa kanya. He made sure to have a word with Tobin, ang trainee na muntik ng magmintis. Ngunit wala na ito sa field. At hindi na mahagip ng paningin niya. He decided to settle with Tobin later.
Ilang buwan na ang nakalilipas mula ng matalo sila sa koponan ng Iraq para sa huling laban nila sa AFC. Hindi niya kaagad natanggap iyon. Siya higit sa lahat ang apektado. Ayaw niya ng natatalo. Gayunpaman ay naka-acquire na sila ng sapat na puntos para makapasok sa FIFA. At iyon ang pinaghahandaan nila kahit medyo matagal pa iyon. This would be the second time na makakasali sila sa kompetisyon.
Sa lahat ng manlalaro na nasa field ay siya ang huling lumakad patungo sa shade. Dahil ang lahat ay kulang na lang na tumakbo. Paano ba naman ay naghihintay roon ang kanya-kayang mga asawa at kasintahan.
He kept a straight face ng tuluyang makarating roon. He took his time in getting a bottle of water from the table. He used all his might huwag lamang magusot ang mukha niya sa mga nakikita. The Assassins were all hitched and acting as if nothing mattered in the world kung hindi ang mga kasintahan at asawa lamang ng mga ito. Ang wala lamang kapareha sa mga ito ay si Sparks. Ang pagkakaalam niya'y nasa ibang bansa pa ang girlfriend nito dahil hindi pa nakakatapos ng pag-aaral.
Kahit si Rune na walang ibang iniisip kundi ang paglalaro at pagtulog ay may girlfriend na din. Kaya kasama na rin ito sa troupe ng mga goo-goo eyes. That's what he calls them.
Don't get him wrong. Hindi siya naiiinggit. Ang totoo ay masaya siya para sa mga kasamahan kahit hindi ganoon ang ine-express niya. Hindi lamang niya matagalan ang public display of affection. Lalong-lalo na sa team mates niya na parang kailan lang ay walang ibang focus kundi football. Except for Mackenzie and Cobalt. Hindi kasi niya alam kung alin ang una sa priority ng mga ito noon: football or women. And speaking of the two, it was almost sickening to watch them like love-sick puppies.
Hindi niya maisip ang sarili na magiging ganoon. Though there was a time in his life that he may have felt and looked exactly like them. May nag-pulsate na ugat sa leeg niya sa naisip.
Don't go there, Romano.
Wala na siyang nadaramang anuman para sa mga babae. He's not particularly a woman-hater. Wala lang babae ang nakakakuha ng atensiyon niya. Every woman who shows interest in him seems like wanting to throw themselves at his feet. Mas lalo lamang niyong napagtitibay ang kawalan niya ng interes sa mga babae.
Bilang sa mga daliri niya ang pagkakataon na nakipag-date siya sa loob ng mga lumipas na taon. And he was discreet about it. Too discreet in fact. Hindi niya gusto na mapagtulungang asarin ng mga ka-team niya kung sakaling malaman ng mga ito. Though duda siya kung may mangangahas na tuksuhin siya.
"Rome," tawag ni Keith.
"Why?" pabiglang tanong niya rito. Malayo na kasi ang nararating ng isipan niya. Baka mas iba pa itong nasabi na hindi niya nakaringgan.
"Hey, I'm not picking up for a fight," inalis nito ang kamay sa pagkakaabay sa kasintahan— fiancée—at itinaas ang dalawang kamay na tila ba sumusuko. "May sasabihin lang ako."
Nakabawi naman siya kaagad at bumalik sa normal niyang ekspresyon. "Ano 'yon?"
"I assumed na isusumpa mo ako sakaling ikaw ang gawin kong best man. But curiosity-wise, would you you have considered being our best man?"
BINABASA MO ANG
Assassins Book 12: Rome, Beside You Where I Used to Lay
RomanceFirst love never dies. Tila gustong maniwala ni Romano Allegre roon. Dahil ng bumalik ang tao na una niyang minahal at una ring dumurog sa kanyang puso ay pilit niyang pinangingibabaw ang galit subalit may mga damdamin pa rin na hindi maikakaila. Si...