"ULITIN mo nga kung ano iyong mga ibinubulong mo kanina sa loob ng classroom," wika ni Analyn habang naglalakad sila sa may pasilyo.
Katatapos lamang klase nila. Sa buong isang oras ay hindi iilang beses na tinangka ni Serene na sabihin sa kaibigan ang mga nangyari may dalawang araw na ang nakararaan. Hindi niya mailakas ang boses dahil baka masita sila ng professor na nagle-lecture sa unahan. Pero sigurado siya na naiparating niya sa kaibigan na tungkol kay Rome ang sinasabi niya.
"Nagpunta si Rome sa apartment," sinigurado niya na mahina lamang ang boses pero sapat upang marinig ng kaibigan. "Liligawan raw niya ako."
Awtomatikong nahinto ang mga hakbang ni Analyn. Halos magdikit ang mga kilay nito ng tumingin sa kanya. "Nagbibiro ka lang."
Marahas ang naging pag-iling ni Serene. "Nagsasabi ako ng totoo. Believe me, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala."
Mas lalong naging confused ang reaksiyon ni Analyn. "Bigla na lang sumulpot si Romano sa apartment kung saan ka nakatira at nagdeklara na liligawan ka, ganoon ba?" Sunod-sunod na tumango si Serene. "Anong sagot mo? Pumayag ka ba"
"Parang hindi naman siya nanghihingi ng permiso. Basta sinabi lang niya kung anong intensiyon niya."
"Tama talaga ako all along! Arogante ang isang iyon. Gumising ka na, Serene. He's dominant. Who knows baka sadista pa ang isang iyon."
Agad na umalsa ang protesta sa lalamunan niya. He isn't any of that. Ngunit hindi iyon ang lumabas sa bibig niya. "Parang hindi naman siya gan'on. Well, may pagka-arogante nga siya. Pero hindi ko siya gustong husgahan dahil lang sa ilang pagkakataon, twice to be exact, na nagkausap kami. You know, he's nice and... kind of romantic."
Pinaikot ni Analyn ang mga mata. "Iba na lang ang gustuhin mo."
"Kung ganoon lang sana kadali 'yon," pabuntong-hiningang wika niya.
Nagpatuloy sila sa paglakad. Tuloy rin sa pagsasalita si Analyn. "Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo. Okay, sige na nga, kung ako rin ang nasa kalagayan mo ganyan din siguro ang magiging reaksiyon ko."
Serene would have commented on that ngunit natigilan siya dahil sa pamilyar na amoy na nanuot sa ilong niya. Sumabay sa kanan niya ang pinanggagalingan ng amoy. It was Rome. Napalunok siya. He was smiling down at her. For a man as tall and huge as him, he walks like a cat.
Tumingin siya sa kaibigan na naglalakad naman sa kanan niya. Mukhang hindi napapansin si Rome dahil engrossed na engrossed sa kakasalita at sa unahan nakatutok ang tingin.
"Ikaw ba naman ang lapitan ng lalaking gusto mo sa loob ng dalawang taon, eh. Pero, Serene, hindi ka dapat magtiwala basta sa Rome Allegre na 'yon–"
"Analyn," putol niya sa kabigan.
"Makinig ka muna," agaw muli ni Analyn sa mabilis na pagsasalita. Iwinasiwas pa nito ang kamay. "Kahit pa may gusto ka sa kanya ay huwag ka kaagad bibigay. May reputasyon siya pagdating sa mga babae. Hindi dahil pinuri-puri niya ang mga mata mo ay magkakandarapa ka na sa kanya. If I know, sanay na sanay talaga 'yon sa mga ganoong boladas..."
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Serene ang mahinang pag-igik ng binata na tila nagpipigil ng tawa. Hinawakan niya sa braso ang kaibigan at pinihit ito. Gusto na niya itong yugyugin manahimik lamang. "Marami pa akong sasabihin kaya huwag kang–" natigilan ito ng makita kung sino ang naroon. Pinaglipat ni Analyn ang tingin kay Serene at Rome.
"Hi," bati ni Rome kay Analyn, obviously biting back a smile.
Sa pagkakataong iyon ay nakabawi na si Analyn. "Hi," pormal na bati nito kay Rome habang sinusuri ang kabuuan ng binata.
BINABASA MO ANG
Assassins Book 12: Rome, Beside You Where I Used to Lay
RomanceFirst love never dies. Tila gustong maniwala ni Romano Allegre roon. Dahil ng bumalik ang tao na una niyang minahal at una ring dumurog sa kanyang puso ay pilit niyang pinangingibabaw ang galit subalit may mga damdamin pa rin na hindi maikakaila. Si...