PAGMULAT ng mga mata ni Serene ay napakagaan ng pakiramdam niya. She checked out her phone para tingnan kung ano na ang oras. Alas ocho na ng umaga. Kung ganoon ay mahigit sa kalahating araw ang naging tulog niya. Dumating siya kahapon ng past lunch. Nakatulog siya kaagad. Gumaan ang pakiramdam niya at napawi ang pagod.
Problema naman niya ang nagrereklamong tiyan. Bumangon siya at nagpadala ng room service bago tuluyang mag-ayos ng sarili. Tatlong araw ang nakatakdang check-in niya sa Orion Hotel. Ngayon ang ikalawang araw. She has to move fast para magawa ang mga bagay na kailangan niyang i-settle.
Sa Binondo ang destinasyon niya ng makalabas ng hotel. She's going to visit her old friend. Si Analyn, ang pinakamatalik niyang kaibigan n'ong college. Sorpresa ang pag-uwi niya kaya't walang kasiguraduhan na nakatira pa rin ito sa dating tirahan. Magbabaka-sakali lamang siya.
Ang natitirang kamag-anak niya rito sa Pilipinas ay ang Lola Melba at Tita Guada niya sa side ng ina. Pero nasa Davao naman ang mga ito. At sa ngayon ay hindi muna niya madadalaw ang mga ito. But she'll definitely pay them a grand visit sakaling maiayos na niya ang lahat ng kailangang gawin.
Bata pa siya ng mamatay ang kanyang ina. Ang ama naman niya ay isang foreigner na hindi niya nakilala except for a few phone calls and email. Wala siyang interes na kilalanin ito noon. Except nine years ago when she had been unfortunate enough at wala ng ibang choice.
At simula ng makilala niya ang ama noon ay nagbago ng ganap ang buhay niya. It had been a long journey for her. She had known her father and had come to love him and his family while she was battling something. She was really glad na nakilala niya ang ama bago ito bawian ng buhay may isang taon na ang nakalilipas.
May tila malamig na kamay na humaplos sa dibdib niya sa pagkaalala sa namayapang ama. God bless his heart. Hindi niya ito makakalimutan. Ngunit sa ngayon ay gusto muna niyang alisin ang anumang bakas ng lungkot sa puso't isip niya. Ang focus niya ngayon ay ang mga plano sa kasalukuyan. Na magsisimula ngayon.
Nakatira ang kaibigan niya sa may Escolta Street. Parati siyang nakatambay sa bahay nito noong nag-aaral pa sila ng college. Gusto niya roon dahil welcome siya sa pamilya nito at itinuturing siya na hindi iba. One of the best and fondest memories na hindi niya nakalimutan sa kabila ng lumipas na mga taon.
Pagdating sa tapat ng gate kung saan nakatira si Analyn ay agad siyang nag-buzz. Tulad pa rin ng dati ang nakikita niya sa kabahayan. Maging ang rehas na gate na umabot lamang hanggang sa dibdib niya ay ganoon pa rin maliban lamang sa pintura na dating pula ngunit ngayon ay kulay green. May lumabas naman kaagad mula sa loob ng bahay. Isang dalagita na hindi pamilyar ang mukha. Her heart sank.
Mula sa siwang ng gate ay sinuri siya ng dalagita. Ngumiti pa rin siya sa kabila ng disappointment. "Hi."
Tila nag-aalangan ang dalagita. "Hi," hinagod siya nito ng tingin. "D-do you need anything?"
She bit back her smile. Marahil ay napagkamalan siya na isang foreigner. She got her father's looks. From the dark brown hair to the green-hazel eyes and even her skin tone. Isa sa mga dahilan kaya't hindi siya nahirapang makibagay sa Amerika.
"Dito pa rin ba nakatira si Analyn Gamboa?" tanong niya sa friendly na tono na sinamahan pa ng kaunting ngiti. "Kaibigan n'ya ako."
Umawang ng bahagya ang labi ng dalagita. Hinagod siya nitong muli ng tingin. Nang makabawi ay binuksan nito ang gate. "Si Ate Ana po pala, tuloy po kayo," tila hindi ito magkandatuto. Tumuloy naman si Serene.
"Pilipino po ba kayo? Ay, bakit ko pa ba itinanong!" tinampal nito sa sariling noo.
She smiled. "Yes. Ako nga pala si Serene," inilahad pa niya ang palad.
BINABASA MO ANG
Assassins Book 12: Rome, Beside You Where I Used to Lay
RomanceFirst love never dies. Tila gustong maniwala ni Romano Allegre roon. Dahil ng bumalik ang tao na una niyang minahal at una ring dumurog sa kanyang puso ay pilit niyang pinangingibabaw ang galit subalit may mga damdamin pa rin na hindi maikakaila. Si...