Ten years ago...
"SERENE, sandali lang!"
Tumigil sa paglalakad sina Serene at Analyn. Lumingon ang una sa tumawag sa pangalan niya. Pinigil ni Serene ang mapangiwi ng makita ang humahabol sa kanya. Kaklase niya iyon sa isang subject. Hindi niya matandaan ang pangalan.
"Bakit?" tanong niya ng tuluyan itong makalapit.
Ngumiti ang lalaki. "Pwede ba kitang yayaing lumabas bukas? Wala naman tayong pasok."
Ibinalik niya ang ngiti nito. Ngunit umiling naman siya. "Sorry. Mas commitment kasi ako bukas, eh. Bye," pagpapaalam niya bago pa ito makasagot.
Naiwan ang lalaki na kumakamot sa ulo. Si Analyn naman ay mabilis na umagapay sa paglakad ni Serene. Namaywang ito. "Bakit mo ni-reject si Alec? Gwapo naman siya, matalino. Kung wala kang tiwala pwede mo naman sabihin na chaperone mo ako."
Umiling si Serene. "Hindi ko siya gusto, Analyn. Hindi tama na paasahin ko iyong tao. Isa pa, bata pa naman ako para isipin ko 'yang mga ganyang bagay."
"Bata? Eighteen ka na! Magna-nineteen ka nga nga, eh. At pwede ba, anong hindi mo iniisip? Bakit tayo pupunta rito sa may field? Hindi ba't para makita mo si Rom––"
Padaskol na tinakpan ni Serene ang bibig ng kaibigan. "Oo na, tama ka na. Huwag mo lang ipagsigawan dahil baka may makarinig sa'yo!" pabulong ngunit mariin ang pagkakasabi niya. Luminga siya sa paligid.
Inis na inalis ni Analyn ang kamay niya. "Kahit may makarinig sa'tin walang kaso iyon. Hindi na magtataka ang mga tao. Kasi dagdag ka lang sa populasyon ng mga babae na nahuhumaling kay Rome Allegre."
Nagbuntong-hininga na lamang si Serene tanda ng resignation. Hinayon niya ng tingin ang field, partikular ang bahagi kung saan nag-eensayo ang mga soccer players. Nakita kaagad niya ang pamilyar na bulto. At kahit hindi niya nakikita ang mukha ng tinitingnan ay nakaguhit naman sa isipan niya ang mukha nito.
Rome Allegre, one of the midfielders of the Ateneo Football Club.
Unang beses na palang niyang makita ito n'ong freshman siya ay tila nabatu-balani na siya rito. Nasa library siya noon. Hindi niya pigiling ikutin ang mga shelves dahil sa labis niyang fascination. Nang mas kunin siyang libro ay hindi sinasadyang nasilip niya ito sa munting siwang na lumitaw.
Masyado itong guwapo para hindi niya titigan. Define at mukhang matigas ang mga panga nito. Itim na itim naman ang mga mata nito but they looked warm and gentle. Matangos rin ang ilong nito. In fact, wala pa siyang nakitang ganoon katangos na ilong sa buong buhay niya. Ngunit ang pinakanakakuha ng atensiyon niya ay ang mga labi nito. It was bow-shaped, pinkish and looking flawless. At ng ngumiti ito, tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya.
Nadama na lamang niya na nagiging eratiko na ang tibok ng puso niya.
Ngunit naputol ang lahat when a woman came in view. Ipinulupot nito ang mga braso sa leeg ng guwapong binata. Pabigla siyang tumalikod at lumayo sa lugar na iyon. Mas masakit at nakaiiritang damdamin na bumukal sa dibdib niya. May girlfriend na ito.
Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin niya napigilan ang sarili na hangaan ito mula sa malayo. At ang tanging nakakaalam ng paghanga niya rito ay si Analyn.
She came to know him. Almost all about him. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon at kumukuha ng kursong management. Isa sa mga best players sa football club. And most of all, notorious womanizer, halos lahat ay iyon ang description rito. She can see that. Iba't ibang babae ang dine-date nito. He won't settle for a girl ng mas matagal pa sa isang buwan.
Pero ano namang magagawa niya kung ayaw tumigil ng puso niya, lalo na ang mga mata na gusto itong makita. For almost two years ay ito lamang ang lalaking gusto niya.
BINABASA MO ANG
Assassins Book 12: Rome, Beside You Where I Used to Lay
RomanceFirst love never dies. Tila gustong maniwala ni Romano Allegre roon. Dahil ng bumalik ang tao na una niyang minahal at una ring dumurog sa kanyang puso ay pilit niyang pinangingibabaw ang galit subalit may mga damdamin pa rin na hindi maikakaila. Si...