__*03*__MADALI BANG kalimutan ang nakaraan? Hindi. Dahil kahit ilang beses kaman magsinungaling sa sarili mo maaalala mo parin kung gaano kalaki ang sugat ng nakaraan na kahit pinatagal na ng panahon hindi parin naghihilum ang sakit, takot at pangamba na baka maulit-muli ang masilimuot na nangyari. Hindi yun basta malilimutan ng panahon lalo na kong ang taong yun sarado pa ang isip at puso para kalimutan nakaraan.
At sa sitwasyon niya hindi madali kalimutan ang nakaraan. Sa tulong ng mga kaibigan at ka-ibigan pinilit niya itong kinalimutan pero sadyang naaalala parin niya at dinadalaw parin siya ng bangungot ng nakaraan sa kahit sa pagtulog niya pa.
"Baby! gising...gumising ka!"
Bigla nalang siyang nagising at napabangon sa pagtulog dahil sa bangungot nayun. Napalingun siya sa paligid niya na para bang nandun parin ang mga taong nagbigay ng malaking sugat sa puso niya na literal na sugat sa dibdib na naging dahilan din kung bakit di niya tuluyang nakalimutan ang masalimuot na nakaraan pero napanatag ang kanyang kalooban nang makitang ang Ina niya ang nandun. Agad niya itong niyakap.
"Hey! baby it's okay...panaginip lang yun." Pagpapatahan nito sa anak.
"Mo-momma...ba-bakit? bakit hanggang ngayon hindi parin ako makalimot? Ka-kahit ang tagal-tagal na nun." Naiiyak niyang sabi.
Gusto niya ring magalit sa sarili dahil kahit ano namang pilit niya ay di talaga niya kayang kalimutan.
"Siguro dahil sa ikaw mismo sa sarili mo hindi parin makamove-on...at alam kong mahirap para sayo ang kalimutan yun dahil kahit ako man hindi ko mapapatawad ang mga gumawa sayo nun-and I am so-sorry baby..Kasi walang nagawa si Momma nang mga panahon na'yun na nahihirapan ka at natatakot, patawarin mo si Momma..hmmm?"
Pinusan muna niya ang kanyang luha bago tumingin sa ina na malapit na ring maiyak.
"Wala ka naman pong kasalan Momma...kaya ba't ka po nagso-sorry?" Makahugan niyang tanong.
"Alam mo anak may kasalan parin ako dahil hindi ko inagahan ang pagsundo sayo. Ang sabi ko sa dadda mo nun hindi ako mapalagay dahil sa nararamdamang kaba sa puso ko kaya naman dali-dali akong pumunta sa school mo pero bago pa man ako makarating sa school mo tumawag yung driver mo na nawawala ka raw kaya sa kaba ko nun hindi na naging maayos ang pagmamaniho ko kaya na aksidente ako. Nang magising ako nasa ospital na ako kasama ang dadda mo, pero ikaw agad ang hinanap ko dahil nag-aalala ako ng sobra pero ang sabi ng dadda mo ang mga pulis na daw ang bahala pero hindi ako nagpaawat dahil gusto kitang mahanap agad dahil alam kong takot na takot kana sa pagkakataon nayun hindi ko maatim na manatili habang hindi kita kasama...ka-kaya kahit masakit ang katawan ko pinilit kong umalis pero ayaw talaga ng daddy mo–
Tuluyan na itong umiyak at sa nakikita niya parang matagal na nitong dinadala ang bagay na yun at ngayon lang nito masabi-sabi. Naiiyak siya para sa ina na matagal na din palang dinaramdam ang pangyayaring yun pero ang di niya inasahan ay ang pagka-aksidente nito.