✓CHAPTER 8

29 21 0
                                    

__*08*__







DUMATING ANG araw na sabado. Ang araw ng laro sa University, but Helly is no where to be found. And no one knows that she just somewhere out there meeting someone na naging mahalaga at naging parte ng buhay niya mahigit dikada na ang lumipas-Her hero.

Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi ng matanaw niya ang taong kanina niya pa hinihintay. Tulad ng napag-usapan na sa kid's park sila magkikita ay sinunod niya ang gusto nito dahil mahaga para rito ang kids park dahil daw mahalaga daw sa dating leader kaya naging mahala narin sa kanila. Isip bata siguro leader nila kaya mahilig sa park.

"Late naba ako masyado?"

"Hindi naman kaka-one hour late mo lang."

"Ikaw talaga!" Sabay gulo sa buhok niya. Ayan na naman ang napaka likot nitong kamay. hayss!

"K naman e! Sabi nang wag mong galawin yong buhok ko. Yan tuloy nagulo na!" nakasimangot niyang sabi.

"Okey-okey hindi na." nakangiti nitong pagsuko sabay taas ang kamay. Bigla naman itong sumeryoso kaya nagtaka siya ng biglang nagbago ang ekspresyon.

"K may problema ba?" pag-alala niyang tanong rito. Kasi nahihimigan niyang may dahilan ng pagbago ng ekspresyon nito.

"Why sudden change?"

"Change what?"

"That!" sabay turo sa mukha nito.

"Anong problema't nagbago agad ang ekspresyon mo? At wag mong sabihin sa'kin na wala lang yan. Kasi kilalang kilala na kita K kaya wag mo akong subukan na lukuhin !" nanlaki ang mata nito, di kasi nito inasahan ang pagbabanta niya.

Napabuntong hininga ito bago nagsalita. "Helly! Kilala mo ba ang lalaking yon? No'ng pinuntahan namin yong school niya, na nagkataong school rin na pinag-aralan mo." Nang una hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Pero kalaunay din ay maintindihan niya ang tinutukoy nito.

Akala niya wala na ang usapan ang patungkol kay Rhenu. Oh how wrong she is!

Nagdalawang isip pa siya kung aamin ba siya o magsisinungaling siya rito. Ah! Bahala na!

"Oo. Crush ko siya for three years to be exact."

"Crush?! You like him for that long?! Are you still counting?" Don siya di makapagsalita, parang naumid ang dila niya sa tanong nito. Kasi maski sa sarili niya di niya alam kung ipagpapatuloy pa'ba niya ang nararamdaman niya kay Rhenu o ititigil nalang dahil wala namang balak si Rhenu na tugunan ang nararamdaman niya para rito.

Pero bakit pangaba siya napapaisip sa tanong nito kung nasabi na niya sa sarili niya na hindi na talaga. Sobra nang nasaktan ang feelings niya sa mga sinabi nito.

Taas noo siyang sumagot rito. "Hindi na." May kompiyansa niyang sagot.

May gusto sana itong sabihin pero pinili nalang nitong itikom ang bibig.

"Kasi useless lang naman ang feelings ko para sa kanya kung di niya naman ako binigyan ng chance para ipadama sa kanya na totoo ang feelings niya para rito. Na walang halong pagkukunwari itong nararamdaman niya but I guess we're not meant for each other. Nagkakilala lang siguro kami para guluhin ang buhay niya." Ngumiti siya nang mapait.

Parang maiiyak na naman siya dahil sa mga alaala, Ang mga panahon ng pangungulit niya kay Rhenu. Ginawa niyang inspirasyon ang mga panahon na iyon pero di parin pala sapat para masuklian ang feelings niya.

Nagising siya sa reyalidad ng may kamay na humawak sa pisngi niya-si Gunn na tinuyo Ang luha niya na ngayon lang niya napansin. Traidor talaga ang luha niya kinailangan patalagang ipakita sa taong nasa harapan niya na marupok siya.

"Wag mo siyang iyakan kulit, trust me bago ka pa nasaktan, naunahan mona siya." Makahulugan nitong sabi. Na ikinataka niya naman.

"Anong ibig mong sabihin K?" Tiningnan niya itong may pagtataka sa mukha. Nag-aantay lang siyang may kadugtong ang salita na iyon pero...wala.

Bakit pakiramdam niya may ibig sabihin ang salitang iyon. She silently hoping na may ibig sabihin nga ang salitang yon.

Piningot nito ang ilong niya. "Hayss! Pwede bang i-skip na natin Ang usapan patungkol sa lalaking yon. Parang nadagdagan yong inis ko sa lalaking yon." Napa tsk! pa ito.

Palihim siyang umirap. "Hyss! Parang namang di siya ang nagsimulan huh?!" Bulong niyang sabi. Na ikinalingon naman nito.

Nag peace kaagad siya rito.

Bigla siya nitong inipit pero di naman gaano ka higpit ang pag-ipit nito. "Wag mo siyang isipin! Dapat focus ka sa kung ano ang ngayon at dahil ako ang kasama mo magsasaya tayo hanggang mamayang hapon." Nagning-ning ang mata niya sa narinig-

"Talaga?! So pupunta tayo ulit don?"

"Oo naman favorite place mo kaya yon...So let's go." Di'na talaga maawat yung saya na naramdaman niya sa mga oras na'yon.

"Let's GO!!!"

Para talaga siyang bata na nagtatalon sa tuwa dahil sa babalik na naman sila sa lugar na'yon -Peryahan.

Kailan nga ba nong huling punta niya sa lugar na'yon. Dalawa o tatlong taon na siguro nong huling punta niya. Pero di niya parin makalimutan yong pakiramdam na maging masaya at ang bumalik sa pagkabata. Kung saan ang pagiging masaya lang inisip at sa pamamagitan na'yon makakalimutan mo ang lahat ng problema, yon nga lang manandalian lang ang lahat.











A/N: SORRY short update ra gyud ni:)

Ang Makulit Kong Tagahanga Where stories live. Discover now