CHAPTER 3

25 11 2
                                    

Our Tragedy|03

Isa, dalawa, tatlo. Selene ilan  beses ka pa ba magbibilang ng mga bituin bago ka makahanap ng matinong trabaho? wala naman akong balat sa puwet, wala rin naman akong sumpa pero parang sinumpa ako sa kamalasan.

"Pamangkin, ayos ka lang ba?" bumulaga si Tita mula sa likuran ko habang nakatingin ako sa kalangitan.

"Akala ko trabaho na Tita, malas ko naman."

Bakit kasi ang sungit nung boss nila, kala mo pogi— pogi naman talaga kaso masyadong malamig parang si Elsa, hindi ko mareach ang level niya.

"Pamangkin, ganoon talaga ang buhay minsan meron, minsan wala. Dapat mo lang matutunan ang maghintay sa tamang oras."

Kailan pa yung oras na 'yon? kapag nabuhay magulang ko at bumangon sa hukay? jusmiyo! o baka kapag nagpakasal na ako sa matandang mayaman na amerikano? jusko hindi ko maimagine sarili ko sa kalagayan na yon!

"Gusto ko lang naman masuportahan pangangailangan niyong dalawa ni Lola, ewan ko pero ang malas ko po sa trabaho Tita, what if mag bakal bote na lang ako?" biro ko. Sabay kaming natawa ni Tita sa naisip kong 'yon.

Siguro kung buhay pa sila Mama at Papa, baka mas maayos buhay namin. Siguro isa na akong ganap na Architect.

Ang taas ng pangarap ko, pero lahat naglaho sa isang iglap. Napasinghap ako at napatingin sa kalangitan, sana bukas may maganda naman na mangyari sa buhay ko.

KINABUKASAN gumising ako ng may ngiti sa labi, kailangan kong maging masaya araw-araw, ang taong masaya raw papasukin ng swerte haha.

"Napakaganda naman yata ng gising mo Pamangkin?" tanong ni Tita.

"Lagi naman po basta kayo ang bubungad sa umaga ko, di ba lola?" ani ko sabay halik sa lola ko na busy manuod.

Pagkatapos ng batian namin nagpaalam na ako para maghanap ng trabaho. Palabas palang ako sa pintuan ng bahay namin ng biglang may tumawag sa akin.

"Hello po," sagot ko sa tawag.

"Good morning Selene, this si Sammuel pumunta ka ngayon sa Aslanov Studio you will be the Assistant Secretary of Mr. Aslanov."

"Hala totoo po?!"

"Oo, congratulation!"

Pagkatapos ng tawag sa akin agad na akong nagtungo sa istasyon ng bus at sumakay papunta sa Aslanov Studio.

I can't help myself but to smile, this is it! my lucky day in my whole life.

After a couple of minute narating kona ang studio, I formed a smile on my face before entering the studio. Dapat nakangiti ako para masagap ko lahat ng positive energy sa paligid.

"Good morning!" bati ko.

Everyone eyes looking at me, parang inaalam nila sino ako. Well, I am the new Secretary of their Ice King Boss.

"Good morning Mr. Aslanov!" I energetically greeted him. Pero isang tingin lang ang sinagot nito sa akin sabay turo ng pwesto ko. Siguro nanghihinayang siya sa laway niya kapag nagsalita siya haha. Pero one thing I've noticed is ilag siya sa tao, not totally ilag pero ayaw niyang makipag-usap ng may biro, puro formal ang pakikipag-usap sa kanya.

Tumango ako bilang sagot sa kanya at saka pumunta sa pwesto ko. Dahil unang araw ko sa lucky work ko kinuha ko ang cellphone ko at nag-selfie sabay post sa facebook.

Caption: 𝘍𝘶𝘭𝘧𝘪𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘺 𝘋𝘳𝘦𝘢𝘮.

Dahil unang araw ko puro paper's ang hawak ko pinapaayos lang sa akin alphabetically. Makalipas ang walong oras tumayo na si Boss, sign na mag-o-out na siya kaya inayos kona gamit niya. Bukod sa assistant Secretary niya ako, isa rin ako sa maghahatid sa kanya pauwi.

Nang makababa na kami sa Parking lot, agad naman sumakay si Mr. Aslanov sa kotse niya, namangha naman ako dahil iba ang style ng pagbukas ng pinto nito, paitaas.

"Tutulala kana lang?"

Natauhan ako ng biglang magsalit si Mr. Aslanov. Masyado akong na amazed sa kotse niya, kakaiba kasi.

Buong biyahe namin naging tahimik lamang, panay tingin ko sa salamin na nasa gitna para titigan siya, napakatahimik ng mukha niya pero puno ng dilim. Napaisip tuloy ako, hindi pala lahat ng mayaman masaya sa buhay nila... Buti nalang kahit hindi kami mayaman masaya kami nila Tita at Lola, puno kasi kami ng pagmamahal at saya kahit salat sa pera.

Nang makarating na kami sa Condo Building ni Mr. Aslanov agad naman akong bumaba ganoon din siya, dito na nagtatapos ang trabaho ko kada araw, I give the key back to him. Alangan dalhin ko, di naman ako may-ari ng sasakyan.

"Goodnight Mr. Aslanov!" I said.

"Just call me Boss, it's sounds better than that one." He command me. I nodded as an answer to him.

Dahil sa sinabi niya parang may kung ano sa puso ko na tumatambol, lalo na noong magtama ang mga mata naming dalawa parang may kuryente... Jusko Selene, wag mangarap. Boss mo 'yan Assistant Secretary ka lang, malayo agwat ng estado sa buhay niyo.

"S-sige po Boss, uwi na ako!"

Nagpaalam na ako sakanya at pumunta na sa sakayan para umuwi. Masaya ang kaluluwa ko dahil uuwi akong may dalang magandang balita kila Tita at Lola. Finally mabibili kona ang gusto nila at matutupad kona ang pangarap ko.

Nang makauwi ako sa amin bumungad sa akin sila Lola at Tita na masayang nanonood kaya naman nakaisip ako ng kalokohan at ginulat ko sila sa likuran.

"HAHAHAHA! Seryoso niyo naman po d'yaan." ani ko habang natawa dahil gulat na gulat ang mukha nilang dalawa.

"Ikaw talaga Selene, aatakihin kami sa puso sa'yo." ani ni Tita habang umaarteng nakawahak sa dibdib.

"May trabaho na ako!" anunsyo ko na may kasamang ngiti sa labi.

Kitang kita ko ang gulat sa mata ni Tita kasama na ang saya dahil sa narinig niya, ganoon din si Lola.

"Masaya ako para sa'yo iha, " ani ni Lola sabay yakap sa akin. Sumunod naman si Tita sa pagyakap at nagyakapan nakaming tatlo.

Pagkatapos namin maghapunan umakyat na ako sa itaas at inayos ang mga gamit ko. Hindi parin maalis sa labi ko ang saya dahil sawakas may trabaho na akong matino.

Habang nakatingin sa bintana unti-unti na ako sinakop ng antok at nakatulog na dulot narin ng sobrang pagod.

_______

Audie's Pov

Kakaiba ang babaeng 'yon, she's different from other girl's that I met before. I changed my mind and tell Sammuel that I'll be hired that girl as my Assistant Secretary. She really amazed me in different ways.

"Bigla yata nag-iba desisyon mo Audie?" Sammuel said.

"I just want to help that girl, alam mong hanggang tawiran pinipilit n'ya akong tanggapin siya dahil sa pangarap at pamilya niya. Gusto ko lang tulungan yung tao yun lang 'yon,"

"Chill bro! napaka defensive mo naman haha!"

I know what's on his mind, I don't have feelings and the fact that I don't have the rights to fall in love because of my situation.

"Baliw, umalis kana at tawagan 'yon." utos ko at agad naman niyang sinunod.

All I want is to help that girl out from her problem, nakikita ko ang potential sa kanya bilang isang designer, desidido siya sa lahat and that kind of attitude attract me to help her.

Just like what I did ten years ago. I'm still wondering, kung nasaan na ang batang 'yon. I hope she's still alive.
___

Good Morning! Enjoy reading I hope you'll like this chapter, don't forget to vote and comment down your thoughts 🥰

I highly appreciated your support mwahh:*

OUR TRAGEDY ( Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon