CHAPTER 1

36 13 6
                                    

Our Tragedy|01

Maingay, matao, at magulong lugar—ito ang araw-araw kong kinakaharap. I work as a waiter sa isang coffee shop at pang-limang trabaho ko na ito sa loob palang ng isang buwan dahil sa apat na pinasukan ko lahat sila nagsara dahil wala na raw puhunan. Hindi ko alam kung malas ba ako or baka nataon lang na ganoon sitwasyon ng trabahong pinapasok ko. Either way, I can’t lose my job.

Maaga akong nakarating sa trabaho ko kaya naman nag-ayos na ako at pumunta sa harap ng coffee shop para magbigay ng flyers sa mga taong dumadaan.

"Selene," napalingon ako sa boss ko na tumawag sa akin. Unang tingin ko palang, ramdam ko na ang bigat ng mga balikat niya. Stress lines formed in his face and his eyes were dull.

"Bakit po boss?" I responded with a smile, kahit parang hindj maganda ang pakiramdam ko sa pagtawag niga.

“I‘m gonna be honest with you.” Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. “I‘m planning to close the coffee shop—ilang buwan ko nang pinipilit pero hindi ko talaga kaya.” Napakamot nalang siya ng batok habang nakatingin sa‘kin. “Pasensya ka na, ah? Mukhang kailangan mo na namang maghanap ng bagong mapapasukan.”

Bigla akong nanlumo. For the 5th time nagsara na naman ang pinapasukan ko. Malas ‘ata ako sa mga pinapasukan ko dahil laging nagsasara kapag ako ang employee. Ngumiti ako ng mapakla kay boss dahil sa binalita niya, wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin 'yon, sino ba naman ako? Hamak na empleyado lang naman ako dito.

“Gano’n ba boss? Sayang naman. Pero salamat kasi naging maganda ang pag-stay ko dito.”

“Pero bago 'to magsara eto yung salary mo sa mga araw na pinasok mo dito.” Nag abot siya ng sobre na may lamang pera. “Sana makatulong yan para makahanap ka ulit ng trabaho. Magsasara nalang ako tsaka pwede ka nang umalis. Salamat ulit, Selene.” Malungkot ang tono ng boses niya habang nag-aayos ng mga gamit sa loob ng coffee shop. Sa pagkakaalam ko kasi, talagang sa pera niya ‘to galing. Sariling sikap at hirap niya mula pa no‘ng mag-uumpisa palang siya sa business.  

Pinagbilinan niya nalang ako na ipamigay ang mga natirang tinapay sa labas, kaya sinunod ko nalang. 

"One cappuccino coffee," ani ng lalaking nasa harap ng counter, napatingin ako dito hindi dahil sa seryoso ito kundi dahil masyadong malamig ang nararamdaman ko sa kanya. Siguro walang jowa 'to or binreak, pero pake ko naman kung wala siyang jowa, ako nga walang trabaho. Hay, Selene. May balat ka ‘ata talaga sa pwet.

"Here's your Cappuccino sir!"

"Thanks," sagot niya sabay abot ng bayad, muntik kona malimutan na free nalang ang lahat dito sa shop kaya binalik ko ang bayad niya.

"Sir this is for free; magsasara na po kasi kami." Ani ko sabay pinilit na ngumiti.

"No, keep it." He insist kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin ang bayad niya. 

He looks elegant and handsome—hindi ko madedeny yun. Natigilan ako sa pagpapantasya nang lumabas na ito sa shop.

Dahil pagabi na at kailangan ko nang umuwi baka hinihintay na ako ni Lola, iniwan ko na si boss para isara nang tuluyan ang coffee shop.

Nakakalungkot isipin na wala na naman akong trabaho. Mabilis akong nakauwi sa bahay at sumalubong sa akin si Lola na nanonood ng telebisyon kasama si tita. 

OUR TRAGEDY ( Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon