Our Tragedy|7
"Kaylan ka pa natutong ngumiti Audie?" bungad ni Sammuel na kakapasok lang sa office ko. Masama na ba kung ngi-ngiti ako kahit isang beses lang?
"Pati pag-ngiti pala issue na?"
"Haha, biro lang. We have new project yung mag-asawa na nag-papagawa ng Art Museum pero may isang problema..." abot nito sa akin ng folder na naglalaman ng plan para sa new project.
"Hmm. Ayaw nung mag-asawa masira yung art work ng namayapa nilang anak?" Tanong ko dito. Ayun kasi ang nabasa ko sa binigay niyang papers.
I need to think well for this, mahirap ang gusto ni Mrs. Syd, pero siguro kung pag-iisipan ang pagpa-plano sa magiging renovation magkakaroon ng solusyon dito.
Habang nag-iisip ako ng gagawin napatingin ako sa pwesto ni Selene, she's busy with her work hindi ko maiwasan mapangiti kahit hindi pa siya ganap na Architect masaya siya sa trabaho niya.
Gusto kong isama si Selene sa Project kaso masyado pang maaga para sa kanya ang ganitong project.
"Balita ko may bagong project?" Elara entered my office sabay abot ng isang paper.
"Yes, kaso malaki ang problema sa owner. Ayaw niyang masama sa renovation ang art work ng anak niya sa rooftop." Paliwanag ko.
"Let's see how talented your Secretary Mr. Aslanov, I will assign her to handle this project. Don't worry I'll join her." Elara said. I don't agree with her plan paano kung mapahamak si Selene this isn't part of her work with me. I want to disagree pero kapag si Elara ang nag-offer lahat naman successful.
Damn Audie! Bakit ba napaka-concern mo sa Secretary mo? Simula noong dumating siya parang may nag-bago sa akin. Hindi p'wedeng magustuhan ko si Selene, masasaktan lang siya kapag dumating yung oras na mawawala na ako. Pero bakit ko nga ba iniisip na masasaktan siya? Eh hindi ko nga siya gusto!
"Boss, pinapatawag mo raw po ako?" nakangiting tanong ni Selene sa akin pagkapasok nito sa office ko. Para siyang anghel na binaba ng langit sa lupa.
"Boss may dumi ba ako sa mukha?" nagulat ako nang kumaway sa mukha ko si Selene. Ano ba itong ginagawa ko natutulala ako sakanya.
"A-ah oo, may muta ka!" pagsisinungaling ko.
"Ay hala! Nakakahiya bakit ba kasi hindi ko na-check mukha ko bago pumasok."
"By the way, may project si Elara na hawak at ang gusto niya ikaw ang mag manage. I trust you, alam kong kaya mo. " I know her, kung napapayag niya ako kuhain siya bilang secretary ko, sigurado akong makukumbinsi niya ang may-ari ng museum na ipaayos ang rooftop.
"Pero boss, hindi ako Architect-"
"But you have potential, you can do it I trust you." I smiled.
Hindi na siya nakatanggi pa sa alok ko at tinanggap niya narin ang offer ko. Dito ko masusubok kung gaano niya kagusto ang trabaho.
"Bro, sigurado kana kaya ni Selene ang project?" Paninigurado ni Sammuel.
Fast learner si Selene kaya tiwala akong kaya niya ang unang project niya.
"Yes, mag-tiwala lang tayo."
Selene's Pov
Bakit ako? Wala pa akong experience sa mga ginagawa ng mga architect, inaaral ko pa nga lang lahat hayss si Boss talaga! Pero ano pa nga ba, nandito na ako e.
"Pumunta ka sa site, kausapin mo si Mr. And Mrs Syd, convince them for the renovation sa rooftop." utos ni Ma'am Elara sa akin.
Inayos ko ang mga gamit ko bago ako umalis. Kinakabahan ako baka mamaya masungit nag client hindi pa naman ako sanay mag-approach ng mala-tigreng client or kahit na sinong mababangis na tao. Speaking of mabangis- si Boss, mala-tigre rin 'yon nakakatakot pero na approach ko so it means kaya ko rin ito! Tama fighting!

BINABASA MO ANG
OUR TRAGEDY ( Under Editing)
General FictionNawalan ng pag-asa si Audie nang mangyari ang isang hindi inaasahang aksidente na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang sampung taon isang babae ang magpapabago sa buhay niyang wala ng kulay at pag-asa. Isang babaeng handa siyang ilaban hanggang...