Our Tragedy|5
AUDIE
We successfully finished our previous project and to give thank's to my co-worker I decided to treat them for being creative and hardworking."Haden, mag pareserve ka ng space sa isang kilalang restaurant na alam mo."
"Mr. Aslanov para saan?"
"Celebrating our successful."
Safira announced to everyone that we have a dinner kaya natuwa sila. I want to be happy too, but I need to balance my emotion.
Exactly 7:00 pm nag-out na kami sa work at dumiretso na sa restaurant, Nakita ko si Selene na nakatayo sa gilid ng pinto kaya pinuntahan ko ito.
"What are you thinking for?"
"Ay hala boss! wala naman po, iniisip ko lang ang sarap pala sa pakiramdam na kasama ka nagsuccess na project bilang isang architect designer, pero boss hindi ko sinasabing architect na ako ah! what I mean ganito pala pakiramdam maging isang architect." Paliwanag niya sa akin sabay ngiti. Napaiwas ako nang tingin dahil parang may kung ano sa ngiti niya, I don't know but I need to avoid this.
"Mr. Aslanov ayos ka lang?" Elara asked me . I felt dizzy and pain in my chest siguro dahil sa pagod.
"Sir shot isa lang!" Haden offered me a drink tatanggi sana ako pero namimilit ito, Sammuel was about to get the drink when I grabbed it and drink.
"Bakit mo ininom Audie—" gigil na bulong niya sa akin. I know he's worried bawal din sa akin ang alcohol beverage kaya gusto niyang pumigil.
"This is just for once, don't worry I'll be fine."
Nagkakasiyahan na ang lahat may nakanta at nasayaw. Nakita kong gegewang gewang si Selene dahil siguro sa dami ng nainom nito.
"Ayos ka lang ba?"
"Ayush langsh ako Boss!" she said and thumbs up.
Really ayos? I was about to bring her home pero tumutol ito at tumawag agad ng Taxi.
Kapag babae nalasing talaga napakakulit.
_______
SELENE
Ang saya ng araw ko pakiramdam ko ito na yung the best na nangyari sa buhay ko. Paalis na sana ako dahil dama kona ang hilo nang biglang may humila sa braso ko.
"Ayos ka lang ba?" si boss pala."Ayosh lang ako bosh." medyo bulol kong bigkas dahil lasing na ako. Gusto pa sana akong ihatid ni boss pero tumanggi ako.
Nang makapara na ako ng Taxi nagpahatid na ako pauwi, maulan na rin hindi kona kaya maghintay pa ng jeep o kung ano. Nang makababa na ako sa kanto namin may nakita akong lalaking panay suka kaya nilapitan ko ito. Akmang iaabot ko yung bote ng tubig dito nang makita ko kung sino ang lalaking 'yon. May ngisi itong lumapit sa akin at marahas na hinila ang braso ko.
"DAHIL SA'YO WALA NA AKONG TRABAHO!"
Paanong ako? wala akong ginagawa—
"Mr. Sandoval nasasaktan po ako!" sigaw ko pero wala hila-hila parin niya ako papunta sa kabilang daanan kung saan walang tao.
Basang-basa na ako sa ulan dahil sa paghila niya sa akin puro palag ang ginagawa ko pero dahil sobrang lakas nito wala akong nagawa kundi ang umiyak.
'Sana may taong makakita sa akin, lord ayoko pa po mamatay—' nagdadasal ako na sana may makakita sa amin.
Narinig ko ang biglang pag-ring ng cellphone ko kaya agad ko itong dinukot habang patuloy parin akong hinihila ng walangya na ito.
Si Boss! si boss ang natawag.
"T-tulong boss—" naputol ang sasabihin ko nang bigla hablutin ni Sandoval ang cellphone ko.
"Humihingi ka pa talaga ng tulong sa boss mo ha! mga PUNYETA!"
Akmang sasampalin n'ya ako nang maramdaman kong may biglang humila sa akin.
"B-boss—"
"Sabi kona kasi ihahatid na kita tsh."
"MGA GAGO!"
"BOSS SA LIKOD!" sigaw ko nang bigla nalang sumugod si Mr. Sandoval ng saksak kay Boss, agad naman nakailag si Boss peri may daplis ito.
Kinakabahan at natatakot na ako kaya naghanap ako agad ng p'wedeng ihampas kay Mr. Sandoval. Nang makita ko ang isang bote ihahampas kona sana ito nang biglang yumakap si Boss sa akin sunod na naramdaman ko parang may kuryente na mahina sa katawan ko, kasabay no'n ang pagkisalap ng mga ilaw sa poste at namatay ang mga ito. Nakita ko nalang si Mr. Sandoval na walang malay at nakabulagta. Paano nangyari yon?
"B-boss gising po please!" ano nangyayari kay Boss? bakit nawalan siya ng malay bakit walang tibok ng puso akong naririnig?
Naiiyak na ako nang biglang may dumating na sasakyan lumabas dito si Mr. Sammuel.
"Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong
"S-si Boss bigla nalang nawalan ng malay wala nang tibok puso niya wala naman siyang galos—"
"Sakay sa kotse kailangan niyong madala agad sa hospital!" utos ni Sammuel kaya agad naman akong sumakay.
Paano nangyari nagblack out buong paligid at tumilapon si Mr. Sandoval? paano nangyari ang lahat at bigla rin nawalan ng malay si Boss.
Lahat ng nangyari palaisipan parin sa akin, paano nangyari ang lahat? nang makaramdam ako ng antok napapikit nalang ako, sana pag-gising ko ayos lang si Boss.
_______"Ayos ka lang ba?"
"Ayos na ako, kamusta si Boss?"
Nagising ako sa hospital, minor lang naman natamo ko at 'di gaano kalala kaya p'wede na akong makalabas. Pero si Boss kamusta kaya siya? nag-aalala ako para sa kanya.
"Stable na lagay niya h'wag kang mag-alala, hatid na kita pauwi?"
"Kaya ko na po, nasa kulungan naman na si Mr. Sandoval safe na ako. Pasabi kay boss sorry po..." nahihiya kong ani habang nakatungo.
"Bakit? wala kang kasalanan Selene kahit sino ililigtas ka kung nasa delekadong lagay kana. O sige mag-iingat ka sa pag-uwi mo ayos lang na h'wag ka muna pumasok tutal magpapahinga si Audie sa bahay niya para makaipon ng lakas."
Ngumiti ako at nagpaalam na pagkatapos namin mag-usap. I hope everything is good.
Bakit ba ako lagi yung target no'n I don't even remember na may sinira ako na tao not even him.Pagkauwi ko dumiretso na ako sa kwarto, maswerte ako dahil tulog na sila tita at lola, they can't see how terrible my face now.
I hope maging okey na lahat sobrang na trauma ako sa ginawa ni Mr. Sandoval akala ko katapusan kona, pero parang nasa movie ako nang dumating si Boss. Sa lahat ng Boss siya yung handang ibuwis ang buhay para sa assistant— pero nagawa niya na ba sa iba yon o sa akin pa lang?
"HAYNAKO SELENE! IMAGINATION MO!"
Bago ako makatulog dahil sa kakaoverthink nagpagulong-gulong muna ako sa higaan hanggang sa sinampal na ako ng antok.~~~
GOOD EVENING! LONG TIME NO UPDATE NAMISS NIYO BA AKO? CHAROT SINO BA NAMAN AKO HAHAHA. ENJOY READING!
BINABASA MO ANG
OUR TRAGEDY ( Under Editing)
General FictionNawalan ng pag-asa si Audie nang mangyari ang isang hindi inaasahang aksidente na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang sampung taon isang babae ang magpapabago sa buhay niyang wala ng kulay at pag-asa. Isang babaeng handa siyang ilaban hanggang...