Our Tragedy|4
Another morning full of blessing! binuksan ko ang bintana sa gilid ng kama ko para lumanghap ng sariwang hangin. Inayos kona ang higaan ko at dumiretso na sa Cr para maligo, ito ang second day ko sa trabaho ayokong malate syempre bawas points 'yon sa boss ko.
I wear my most comfortable clothes, hindi naman kaylangan na formal attire sa trabaho ko kaya nag jeans at long sleeve nalang ako. Bumaba na ako sa sala pagkatapos kong mag-ayos, nakita ko si Lola at tita na nanonood ng tv katulad ng ginagawa nila sa araw-araw. Humalik ako sakanila at nagpaalam na.
Sabi ni Boss, sa harap ng condo building niya ako pumunta dahil ako ang magda-drive para sa kanya.
Wala pang ilan minuto narating kona ang condo ni Boss, dumiretso na ako sa parking lot at doon naghintay kung saan nandoon ang kotse niya.
Sa yaman ni Boss, may girlfriend na kaya siya or nagka-girlfriend na kaya siya?
"Ilang oras pa kita hihintayin sa pagkatulala mo bago mo buksan ang sasakyan?"
"Ay kalabaw na may sungay!"
Napatalon ako sa gulat dahil sa lalaking nagsalita sa harapan ko.
Hala si Boss!
"Hehe sorry boss, nag-iisip kasi ako ano dapat kainin mamaya pasensya na po! nga pala boss, almusal po!" ani ko.
Inabot ko ang baunan na may laman na almusal, gawa ko 'yon para kay Boss dahil napansin ko na parang hindi siya nag-aalmusal sa umaga.
"Ano to?" tanong niya.
Hindi ba halatang baunan to? anak ng...
"Almusal po Boss para sa'yo! bawal tumanggi malas yon."
Malas tumanggi kapag sa akin galing.
Napatingin ako sa mukha ni boss na nakatingin sa baunan. Ang pogi pala ni Boss, kaso masungit.
"Thank you, let's go."
Hala ngumiti ba si Boss? ngayon ko lang siya nakitang ngumiti o baka namamaligno ako? bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pag ngiti niya, kaya napahawak ako sa dibdib ko.
"Are you okey?"
"Ayos lang po boss, hiningal lang ako naglakad kasi ako papunta dito." Pagsisinungaling ko.
Mabilis kaming nakarating sa studio at tulad ng nakagawian ginawa kona ang trabaho ko bilang Assistant Secretary ni Boss.
I made a research about his background and I found out na siya ang pinakabatang architect na nakahakot ng iba't ibang award sa mga international contest.
Idol ko na yata si Boss, grabe galing niya sana katulad niya rin ako kaso malabo dahil wala pa akong natatapos, pero isang bagay ang kaya kong gawin ang mag disenyo ng bahay ng may kasamang pagmamahal.
Sabi nga nila kung mahal mo ang trabaho mo maganda ang outcome nito. Mahal ko ang pagdedisenyo kaya siguro kahit hindi ako nakatapos alam ko kung paano iayos at gawin to.
"Selene, you need to come with me may meeting ako kasama ang ibang Architect. We have a project to deal, Isasama kita para maging reference mo ito near future." ani ni Boss.
Totoo ba ito, isasama niya ako?
"Himala nagsama si Sir ng ibang tao sa meeting," Ani ni Meizbel.
"Hoy, Meizbel wag kang panay chismis trabaho na." suway ni Haden sa kanya.
Ngumiti nalang ako sakanila at bumalik sa trabaho ko.
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa tuwa, yung tipong ang baba lang ng role ko sa trabaho na ito pero pakiramdam ko hindi lang ito ang mararating ko.

BINABASA MO ANG
OUR TRAGEDY ( Under Editing)
General FictionNawalan ng pag-asa si Audie nang mangyari ang isang hindi inaasahang aksidente na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang sampung taon isang babae ang magpapabago sa buhay niyang wala ng kulay at pag-asa. Isang babaeng handa siyang ilaban hanggang...