Our Tragedy|6
"Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Sammuel sa akin.
"Nanghihina ako, anong nangyari ligtas ba si Selene?" I hope she's fine. I'll make sure na mawawalan ng trabaho at makukulong si Sandoval. Ang hirap sa mga tao kapag nalalamangan gagawa ng hindi maganda tsk.
"Kung hindi pa ako dadating at kung hindi pa mag-a-alert ang phone ko na connected d'yan sa puso mo baka ngayon wala kana, alalahanin mo Audie, hindi ka normal," paalala ni Sammuel sa akin, yes I know I'm not normal like them. Hindi ko naman p'wedeng hayaan na saktan ng Sandoval na 'yon si Selene, she's still my employee and my responsibility.
"Don't worry, maayos na ako ngayon. I can go back to studio."
"P'wede ba Audie, kahit ngayon lang yung sarili mo muna? Puro ka trabaho gusto mo na ba mapabilis oras mo?" Sammuel said.
Para saan pa kung iisipin ko sarili ko, kung ilan taon nalang o buwan mawawala na ako. Hindi ko manlang maranasan makaramdam ng saya o kilig dahil sa kundisyon ko, pinipigilan ko lahat ng bawal sa akin para lang mapahaba yung buhay ko.
"I know at handa ako sa possible na mangyari."
"Ako ba? Yung mga magulang mo ba handa na mawala ka? Audie sana naisip mo 'yon, mahirap sa amin na mawala ka bro, hindi ka lang kaibigan sa akin!" galit nitong wika.
That's why I distance myself to them para hindi sila mahirapan kapag nawala ako, dahil sanay na silang wala ang presensya ko. Para akong tangang nag c-count down sa buhay ko. After namin matapos ang isang malaking project na nasa 100 things to do list ko, magiging masaya na ako sa pag-alis ko sa mundo. I know leaving this world is not easy, but I need to accept the truth that I can't stay long here. Kahit magmahal yata hindi kona magagawa, I can't fall to someone it's to risky for me to love.
"Alam kong masasaktan ko kayo, kaya nga inihahanda kona ang lahat." Maiksi kong sagot. "I need to rest." Dagdag ko bago ito talikuran, knowing Sammuel hindi yan titigil na pagalitan ako. Siya lang ang nakakatiis sa ugali ko dahil kahit magulang ko tinaboy ko palayo sa akin.
__________
"Selene, kamusta kana? Grabe talaga yan si Eng. Sandoval, walang sinasanto!" Bungad ni Meizbel sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa studio. Ang bilis nga naman kumalat ng chismis kaya napangiti nalang ako dito bago sumagot.
"Ayos lang naman ako mabuti dumating si Boss." Ngiting sagot ko. Speaking of Boss, kamusta na kaya siya? Kung siguro hindi ako nasangkot sa gulo baka wala si Boss sa hospital, nakukunsensya tuloy ako. Mamaya after ng duty ko pupuntahan ko si Boss.
"Selene, bakit ka pumasok? Dapat nagpahinga ka muna!" Napatalon ako sa gulat ng bumulaga sa harap ko si Sir Sammuel. Hindi naman ako napuruhan bakit kailangan kong magpahinga?
"Ayos lang ho ako, parang kagat lang ng dinosaur hehe!"
"Aba't nagbiro ka panga, mana ka sa Boss mo matigas ulo tsk!" Aburidong ani sir.
Sayang ang araw kung hindi ko ipapasok, tska hindi sanay sa pahinga ang katawan ko. Mas magkakasakit ako kung nakatunga-nga lang ako sa bahay.
"Alam mo sir ang sakit hindi minamahal yan, parang ako lang hindi minahal. Charot!" biro ko dito.
"Ganoon pala dapat Selene, wag mahalin ang nanakit este ang sakit?" Singit ni Haden na nagt-type sa computer.
Hala! Wala naman akong sinabing humugot pero nadugtungan siguro mga hindi ito nacrush back charot!
A/N: (tay kung mabasa mo ito please don't kill me charot!)
"Ah Sir Sammuel, okey lang ba kung dalawin ko si Bossing?" Tanong ko dito.
"Yes, sure kahit ngayon na mag-out kana."
Wow, excited ayaw ba niya talaga akong mag-trabaho? Pero dahil masunurin ako sinunod ko siya at umalis na sa studio.
Ilang minuto lang ang biyahe papuntang hospital kaya nakarating din ako agad doon. I ask the nurse kung saan ang room ni Bossing na siyang itinuro naman sa akin. Isang private room na hindi lang basta private nagmumukha itong room sa hotel dahil sa itsura. May sakit ba ito or nag check in lang dito?
Pero nakakapagtaka yung mga naka-connect sa kanya kakaiba. Parang heart rate yung nasa monitor hindi ako sure sa tawag pero parang ganoon nga hindi ito tulad ng pangkaraniwang ginagamit sa mga pasyente. Mas nagtataka ako hindi naman napuruhan si Bossing bakit ganito nangyari?
"Stop starring at me, kung ice cream lang ako kanina pa ako tunaw."
"Wahhh bossing gising kana pala!"
"Why are you here?"
"Gusto lang kitang dalawin, sorry po kagab--"
"Cut it off, you don't need to say sorry. Responsibilidad kita bilang empleyado kung hahayaan kita doon baka kung ano na ginawa sa'yo no'n, and don't worry ayos lang ako you can go home." Wika nito. Ang lamig ng pakikitungo niya kahit kanino, iniisip ko tuloy kung sa yelo ba ito pinanganak.
Ngumiti muna ako kay Bossing bago nagpaalam pauwi.
"Thank you for saving me Bossing, I owe you." Wika ko bago umalis.
Bakit ganito yung pakiramdam ko? Bakit parang may kung anong bulati at paru-paro sa t'yan ko na nagalaw dahil sa saya. Bihira lang yung ganito ililigtas ka ng boss mo kahit delekado ang buhay niya. Selene, kailangan magawa mo ng ayos trabaho mo bilang sukli sa lahat.
Everytime na makikita ko si Sir, lalo akong nagkakaroon ng rason para tuparin ang pangarap ko na maging architect designer at magkaroon ng sariling project na ako ang nag desenyo. Malayo pa lalakbayin ko pero abot kamay kona dahil sa trabaho ko. Konting sipag pa Selene, konti nalang abot kamay mona!
"Hoy babae saan ka galing?" Bungad ni Ariadne sa akin bago pa ako makapasok sa bahay. May lahing kabute ba itong babaeng 'to?
"Trabaho pero pinauwi ako kaya dumiretso ako kay Boss sa hospital." Maiksing sagot ko.
"Sus, eh bakit namumula ka kinilig ka kay boss mo 'no?"
"Ewan sa'yo nag 50/50 na nga kikiligin pa?" Utak talaga ng kaibigan ko mas advance pa sa technology ngayon, baka nga maging madam auring the second 'to kaka-predict ng happenings sa life.
Habang pinapaliwanag ko ang nangyari parang hindi pa siya makapaniwala na niligtas ako ni Boss. Pero dahil doon lalo pa ito nanukso.
"Bago love life ko Ariadne, love life mo muna haynako!" Sagot ko bago pumasok sa bahay.
Ang konti lang ng ginawa ko sa buong araw pero pakiramdam ko ang dami kong pagod. I hope maging ayos na si Boss bukas, namimiss kona kasungitan niya.
_____
GOOD EVENING MY GEMS! SORRY LATE UD. I HOPE MAGUSTUHAN NIYO^^ DON'T FORGET TO VOTE THIS CHAPTER MWAHH!

BINABASA MO ANG
OUR TRAGEDY ( Under Editing)
Fiksi UmumNawalan ng pag-asa si Audie nang mangyari ang isang hindi inaasahang aksidente na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang sampung taon isang babae ang magpapabago sa buhay niyang wala ng kulay at pag-asa. Isang babaeng handa siyang ilaban hanggang...